Mga mommies! Siyempre, natural na sa atin ang paglalagay ng anumang pabango o perfume in English, kapag aalis man ng bahay o kung may pupuntahan. Pero paano kapag buntis ka? Bawal ba ang pabango sa buntis? Kung oo, anong uri ng pabango ang maaari mo kayang magamit?
Para manatili kang confident sa pagpunta kahit saan, pag-usapan natin kung bawal ba sa buntis ang pabango at alamin kung alin ang pwede at safe para sa iyo!
Talaan ng Nilalaman
Pabango sa buntis?
Bilang maselan ang bawat pagbubuntis at iba-iba ang nararanasan ng mga moms, may mga madaling mahilo sa matatapang na amoy. Sari-saring amoy ang maaaring sensitibo para sa isang nagbubuntis.
Kagaya ng amoy ng usok, amoy sa paligid, maging amoy ng pabango. Kung ganun, bawal kaya maglagay ng perfume ang buntis? O may mga uri ng pabango o perfume in English na pwede namang gamitin ng mga moms?
Bawal ba ang pabango sa buntis: Bakit hindi safe minsan ang pabango sa buntis?
Sapagkat mas matalas o sensitibo ang pang-amoy ng buntis, may mga pabango na ang amoy ay nagreresulta nang pagkahilo at mas madalas na pagsakit ng ulo ng buntis.
Maliban pa rito, ang ilang pabango ay nagtataglay ng phthalates. Ang substance na ito ay tinaguriang endocrine-disrupting chemical (EDC) na nakakaapekto sa hormonal balance kapag buntis. Kapag buntis tumataas ang lebel ng mga hormones ng isang babae EDC ay tiyak na makakasira sa balanse ng mga hormones na kailangan ng isang buntis.
Ano pa ang mga bawal sa buntis na may kinalaman sa scent?
Maliban sa perfume, ang pabango in english ay pwede ring scent. Maaaring ang scent na ito ay galing sa essential oils. Ang essential oils ay karaniwang inaamoy o sinisinghot para makadama ng paggaan ng pakiramdam. Lalo na kung nakakaramdam ang isang tao ng pagsakit ng ulo at pagkahilo o pagkaliyo (nausea) at maging cramps.
Karaniwang ginagamit ang essential oils o scent bilang natural na lunas o treatment sa anomang karamdaman. Maging sa mga buntis, nakakatulong ang essential oils sa mga nararamdamang pananakit sa katawan.
Pero safe nga ba o pwede ba singhutin ang pabango na tulad nito sa buntis?
Safety ng paggamit ng essential oil scent
Bago pa man amuyin ang paborito mong essential oil scent, tiyakin muna sa doktor kung safe ba sa iyo at sa baby mo ang epekto nito. Bagaman wala pang mga tiyak na pag-aaral tungkol sa dulot na epekto ng essential oils, maigi pa ring iwasan ang anumang komplikasyon.
Sa first trimester ng pagbubuntis, ayon kay Dr. Edwards, nakakasama ang pabango dahil magbubunga ito ng uterine construction. Sa kabilang banda naman, maaaring ang pagsinghot ng scent ay posible magdulot ng adverse effect sa iyong fetus.
Dagdag pa, kapag buntis, kailangang iwasan ang mga produktong may aromatherapy, tulad ng essential oils.
Paggamit ng essential oil 2nd at 3rd trimester
Pero huwag mag-aalala mga moms! Kung nakasanayan ng ginagamit ang essential oils, OO pa rin ang sagot kung pwede ba ang ganitong pabango sa buntis.
Safe ng gumamit ng ilang mga oil scent dahil mas developed na ang iyong baby pagtuntong ng 2nd at 3rd trimester. Maaaring gumamit ng mga essential oils tulad ng lavender, chamomile, at ilang-ilang scent.
Iwasan din na mapunta sa iyong bibig ang pabango o anumang essential oils. Kahit na wala pang pag-aaral, maaaring ang pag-ingest ng ganitong produkto ay magdulot ng miscarriage, preterm labor at magkaroon ng masamang epekto sa baby.
Essential oils na safe at hindi safe para sa buntis
Narito ang mga scent ng essential oils na safe gamitin ng mga buntis:
- Black pepper
- chamomile
- eucalyptus
- cypress
- geranium
- ginger
- lavender
- juniper
- lemon
- tea tree
- rose otto
- sweet orange
Kailangan pa ring konsultahin ang doktor hinggil sa paggamit ng essential oils na nabanggit.
Narito naman ang mga scent na kailangang iwasan ng mga buntis dahil maaaring magdulot ng contractions:
- aniseed
- basil
- broom
- buchu
- bitter almond
- camphor
- cinnamon
- mustard
- nutmeg
- origanum
- parsley
- savory
- thyme red
- wormwood
Uri ng pabango: mga pwede at hindi pwede sa buntis
Ang eksternal na paggamit ng pabango ay hindi nakakasama o hindi bawal sa buntis. Pero, tiyakin na itanong sa iyong doktor para makasigurado kung aling uri ng pabango ang pwedeng gamitin at walang taglay na phthalates.
Dagdag pa, may ilang moms na gumagamit ng mga fragrant-free, katulad na lamang ng mga body spray at lotion. Ang mga ganitong klaseng produkto ay mas less ang alcohol content kaysa sa mga ordinaryong pabango. Tiyakin din muna kung aling fragrant body spray at lotion ang pwede para sa buntis.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!