Bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga? Doktor ito ang paalala sa mga magulang

Ikaw ba mommy ay nagbe-breastfeeding sa iyong baby? Narito ang mga bawal sa breastfeeding na dapat mong malaman mga mommy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga? Alamin kung ano ang tamang posisyon sa pagpapadede sa sanggol para maiwasan ang pagkalunod.

Paano mo pinapadede ang iyong baby? Narito ang mga bawal sa breastfeeding at bottle feeding na dapat mong malaman. Iwasan ang mga ito upang maging safe at healthy ang iyong baby.

Maaari kasing mauwi sa pagkalunod sa gatas ang mangyari sa inyong baby; na maaaring magdulot ng kapahamakan sa kaniyang kalusugan.

Paano ba dapat padedehin ang baby?

Mga mommies! Pwedeng padedehin ang baby sa iba’t ibang posisyon. Kapag dumating na si first baby at bago pa lamang sa iyo ang pagbe-breastfeed, maaari kang mag-try ng ilan sa mga karaniwang posisyon habang pinapadede ang baby.

Bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga? Ito rin ang karaniwang tanong lalo na ng mga first timer moms. Pero, kailangan din isaalang-alang kung tama ba na padedehin si baby sa hinulaan lamang na posisyon.

Dagdag pa, dahil natutunan mo na rin ang pagbebreastfeed, nag-eeksperimento ka ng mga posisyon kung paano padedehin si baby ng komportable kayo pareho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagbe-breastfeed, wala namang eksaktong posisyon, tulad ng kung bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga. Pwede kang mag-breastfeed ng nakatayo, nakahiga, nakaupo, hangga’t safe at komportable ang baby.

Maaari ring itanong sa iyong doktor kung ano-ano ang mga safe na posisyon kung paano padedehin ang baby.

Tamang posisyon ng pagpapadede

Ang breastfeeding at tamang posisyon ng pagpapadede ay napapraktis naman. Hindi kailangan na madaliin at mas mahalaga ring magtanong sa mga second timer moms ng mga tamang posisyon ng pagpapadede.

Sa pag-aayon ng tamang posisyon ng pagpapadede, laging isaalang-alang ang safety at comfortability ni baby at ni mommy.

Tamang posisyon ng pagpapadede sa sanggol

Bago alamin ang tamang posisyon ng pagpapadede sa sanggol, unang kailangang gawin mga mommies, ay ang pagtatabi ng anomang pampawi ng uhaw. Nakakauhaw siyempre ang pagpapadede sa sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang ilan sa mga karaniwang tamang posisyon ng pagpapadede sa sanggol:

1. Cradle hold

Ito ang pinaka popular na posisyon ng pagpapadede sa baby. Pero, kung ikaw ay first time mom na dumaan sa cesarean delivery, magiging uncomfortable ito sa iyo dahil sa sugat sa tiyan.

Para sa cradle hold, umupo sa isang comfortable na upuan habang naka-rest ang braso. O kaya ay sa bed na maraming unan at cushion.

2. Laid-back nursing o pagpapadede ng nakahiga

Ang laid-back breastfeeding, o kilala sa tawag na biological nursing, ay posisyon kung saan si mommy ay nakahiga sa isang semi-reclined position sa sofa o sa bed. Kung ikaw ay dumaan sa c-section delivery, maaaring humiga si baby sa iyo na malayo sa sugat at tahi ng cesarean.

3. Rugby hold

Ito ang best breastfeeding position para sa kambal dahil pwede mo silang padedehin ng sabay. Kahit sa mga mommies na dumaan sa cesarean delivery ay maaari itong gawin dahil walang pressure ito sa area ng tahi ng CS.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito lamang ang ilan sa mga karaniwang tamang posisyon ng pagpapadede sa sanggol. Maaari mo ring tanungin ang ibang moms na may experience sa aming community site.

Baby nalunod sa gatas

Sa isang Facebook ni Dr. Chao-Tiao Yumol, ibinahagi niya ang kaniyang karanasan ng maging attending doctor siya sa emergency room. Isa umanong baby ang isinugod sa emergency na wala nang buhay. Punong-puno umano ang baga nito ng gatas. Maaari umanong namatay ito dahil sa aspiration.

Ayon kay Dr. Yumol, “This is a consequence of feeding a child laying flat on bed while the parents are asleep.”

Hindi umano maganda ang pagpapadede sa isang sanggol nang nakahiga. Kung ang matatanda ay hindi karaniwang umiinom ng nakahiga, ganito rin ang mga sanggol. Hindi umano ito kaya.

Wala umanong gaanong lakas ang sanggol para sabihin sa kaniyang mga magulang na siya ay nabibilaukan na o nahihirapan sa paghinga. Maaaring sila’y umubo nang umubo o tumigil sa paghinga at mamatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga?

Bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga?: Pahayag ng eksperto

Mas mainam na tanungin din ang inyong mga healthcare provider o eksperto kung paano ang tamang pagpapadede sa inyong anak. Tanungin din kung ano ang tamang posisyon sa pagpapadede sa isang baby kung breastfed ito o kaya naman bottle-fed. Magkaiba kasi ito.

Alamin din ang mga bawal sa breastfeeding at bottle-feeding. Dapat din na alamin o mag-research ng mga bagay patungkol sa pagpapa-breastfeed ng tama para sa inyong anak.

Dagdag pa ni Dr. Yumol, “Never feed your child without your full focus which tends to happen most of the time at night.” At pagkatapos umanong padedehin ang inyong anak, “raise your child to your chest and wait till they expel excess milk and gas from their stomach.” Sa madaling sabi kailangan na madighay ang iyong anak.

Sabi pa niya, “Yong madalas na pag-ubo ng bata habang dumedede ay isa sa mga sintomas na napapasukan ng gatas ang lungs nila. Mas mainam na patingnan sa doktor para makasuguradong ligtas ang mga babies ninyo.”

Narito ang larawan ng tamang position ng pagpapadede sa inyong anak ayon kay Dr. Yumol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga?

Tips para maiwasan ang pagkalunod ni baby habang pinapapadede

  • Siguruhing hindi nakahiga ng flat ang iyong anak habang siya ay pinapadede.
  • Pagkatapos niyo siyang padedehin ay dapat niyo siyang mapadighay upang mailabas ang hangin mula sa kaniyang niyang tiyan.
  • Mag-pokus sa pagpapadede sa iyong anak upang mabantayan kung nauubo na ba siya o nasasamid.
  • Humingi ng payo sa iyong doktor o eksperto sa tamang pagpapadede sa inyong anak.

Maliban sa maaari siyang magsuka at ma-choke sa posisyon na ito sa pagpapadede ay maaari ring mapunta ang gatas sa tenga ni baby na maaaring magdulot ng impeksyon. Ang impeksyon na ito ay tinatawag na otitis media o ear infection.

Ang impeksyon sa tenga ng sanggol o otitis media ay madalas na nararanasan ng mga 6 na buwang gulang na sanggol hanggang sa tatlong taong gulang na bata.

Ito ay dulot ng bacteria o germs na maaring nanggaling sa lalamunan paakyat sa ating middle ear. Sa mga kaso ng mga baby ang gatas na kanilang dinede ay maaring tumulo papunta sa kanilang tenga kapag nakahiga.

Dahil sa ito ay basa ay maaaring pamahayan ito ng germs at magdulot ng impeksyon sa tenga dahil sa sipon ng sanggol o ni baby

Ang otitis media ay maari ring maging komplikasyon ng pagkakaroon ng allergy, sipon, o ng impeksyon sa ilong o lalamunan. Hindi naman ito seryosong kondisyon at hindi nakakahawa ngunit nangangailangan ng medikal na atensyon. Ito ay dahil sa mga sintomas nito na nagdudulot ng discomfort sa isang sanggol.

Tandaang ang mga baby ay wala pang sapat na lakas katulad ng mga matatanda. Mas mainam na mas maging maingat kayo mga mommy para maging safety ang breastfeeding niyo ni baby.

Ayon sa unang ulat ni Irish Manlapaz, narito ang kung ano ang impeksyon sa tenga ng sanggol.

Impeksyon sa tenga ng sanggol o otitis media

Ang impeksyon sa tenga ng sanggol o otitis media ay madalas na nararanasan ng mga 6 na buwang gulang na sanggol hanggang sa tatlong taong gulang na bata.

Ito ay dulot ng bacteria o germs na maaring nanggaling sa lalamunan paakyat sa ating middle ear. Sa mga kaso ng mga baby ang gatas na kanilang dinede ay maaring tumulo papunta sa kanilang tenga kapag nakahiga. Dahil sa ito ay basa ay maaring pamahayan ito ng germs at magdulot ng impeksyon sa tenga dahil sa sipon ng sanggol o ni baby

Ang otitis media ay maari ring maging komplikasyon ng pagkakaroon ng allergy, sipon, o ng impeksyon sa ilong o lalamunan. Hindi naman ito seryosong kondisyon at hindi nakakahawa ngunit nangangailangan ng medikal na atensyon. Ito ay dahil sa mga sintomas nito na nagdudulot ng discomfort sa isang sanggol.

Paano malalaman kung may impeksyon na sa tenga si baby

Dahil hindi pa nakakapagsalita ay hindi makakapagsabi ang iyong baby ng pananakit sa tenga na pangunahing sintomas ng sakit. Magkaganoon pa man ay may mga sintomas ang otitis media na iyong mapapansin sa iyong baby. Ito ay ang sumusunod:

  • Lagnat
  • Pagiging fussy o irritable
  • Hirap makatulog
  • Hinihila o paulit-ulit na hinahawakan ang kaniyang tenga
  • Hindi makarinig ng mahihinang tunog

Kaya naman bigyang pansin ang sipon sa tenga ni baby.

Kung mapapansin ang mga nasabing sintomas ay agad na pumunta sa iyong doktor upang matingnan niya ang loob ng tenga ni baby at para na rin mabigyan ng gamot sa mabahong tenga at impeksyon ni baby. Lalo na kung ito ay sinasabayan ng sumusunod pang mga sintomas o kondisyon:

  • Kung si baby ay wala pang anim na buwan at may lagnat.
  • Si baby ay lagpas anim na buwan na at nilalagnat ng tatlong araw o 72 oras na.
  • Namamaga na ang tenga.
  • Hindi nakakarinig ng maayos.
  • Sobrang antukin.
  • Mayroong skin rash.
  • Nakakaranas ng iba pang serious medical problems.
  • Hindi nawawala ang sakit ng tenga kahit umiinom na ng acetaminophen o ibuprofen sa loob ng 2 araw.

Ang acetaminophen o ibuprofen ay inirereseta ng doktor para mabawasan ang pananakit sa tenga ng isang sanggol. Isang paalala, hindi dapat ibinibigay ang ibuprofen sa mga sanggol ng 6 buwan pababa ng walang go signal ng iyong doktor. Dahil ayon sa mga pag-aaral ito ay maaring magdulot ng gastrointestinal effects, renal failure at Reye’s Syndrome sa mga sanggol.

Samantala, ang pangunahing paraan naman para malunasan ang impeksyon sa tenga dahil sa sipon ng sanggol o ni baby ay sa pamamagitan ng antibiotics. Ito ay para mapatay ang germs at bacteria na nagdudulot ng impeksyon.

Kaya naman mahalaga na malaman ang tamang posisyon sa pagpapadede ng sanggol, katulad na lamang ng mga nabanggit kanina. Kung may mga problema man ay agad na ipasuri ang iyong anak sa doktor.

 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Marhiel Garrote