Puno ng pagsisising nanawagan ang nanay ng benentang anak sa Pinagbuhatan, Pasig City. Nakiusap din ang asawa ng babaeng nalulong sa online sabong na sana ay ibalik na ng nakabili ang kanilang bunso.
Mababasa sa artikulong ito:
- Benentang anak nais bawiin ng nanay na lulong sa online sabong!
- Epekto ng gambling addiction sa pamilya
Benentang anak nais bawiin ng nanay na lulong sa online sabong!
Umiiyak na nanawagan sa interview ng Pasig News Today ang isang nanay makalipas ang ilang araw na wala pa ring balita kung nasaan na ang benentang anak.
Nag-post umano sa isang Facebook group na Bahay ampunan ang babae at doon niya nakilala ang bumili sa kaniyang anak. Noong una ay nag-offer ito ng 20K ngunit dahil marami rin ang nag-offer ng mas mataas na halaga ay napagkasunduan nila ang presyong P45,000.
March 3, 2022 nang makausap niyang muli ang kumuha sa benentang anak kung saan ay hiningi nito ang kaniyang pangalan at ID. Sa isang fastfood restaurant sa Quezon City sila nagkita at nagpirmahan ng papeles. Ngunit walang binigay na kopya ng pinirmahang kasulatan ang bumili sa nanay ng benentang anak.
Agad ding nagsisi ang nanay ng benentang anak at nagtangkang bawiin ito. Aniya,
“Pag-alis ko po kinontak ko pa po siya, sabi ko ibabalik ko ‘yong pera, kukunin ko yung anak ko. Blinock na niya po ako.”
Stress at pagkabaon sa utang ang umano’y dahilan niya sa kung bakit binenta ang anak.
Ayon naman sa tatay ng benentang anak, hindi niya alam na gagawin ito ng kaniyang asawa. Nagsinungaling daw ang misis at sinabing pupunta lamang sa kaibigan nito kasama ang dalawang anak.
Nang umuwi ito sa kanilang bahay ay wala na ang kaniyang bunsong anak at ani misis ay iniwan lang daw sa bahay ng lola ng benentang anak. Kinutuban ang tatay ng bata dahil nalaman niya ring maraming pinagkakautangan ang kaniyang asawa.
Inutusan niyang i-videocall ng kaniyang asawa ang lola ng bata upang makausap ito at dito na humahagulhol na inamin ng babae na ibinenta niya ang kanilang anak. Umiiyak na lumabas ng bahay ang lalaki at humingi ng tulong sa kaniyang tiyahin.
Ngunit ilang araw na ang nakararaan ay wala pa ring balita ang mag-asawa kung nasaan ang benentang anak.
Panawagan nila sa bumili sa kanilang bunso, “Sana naman ibalik niyo na po ‘ypng anak namin. Ibabalik din po naming ‘yong nakuha niya na pera.”
BASAHIN:
VIRAL: Batang dinukot diumano at nilaslas ang tiyan, natagpuan na
Sisters fighting over blowing out birthday candle in viral video: “It’s that relationship of sisters”
VIRAL: 4 year-old, na-kidnap habang natutulog sa kaniyang crib
Epekto ng gambling sa pamilya
Malaki ang negatibong epekto ng pagka-addict sa sugal sa pamilya. Unang-una na nga rito ay ang pagkabaon sa utang na maari ding magdulot pa ng kabit-kabit na problema. Bukod sa pinansyal na aspeto ay maaaring magdulot ito ng mga sumusunod na problema
- Pag-aaway sa pamilya
- Emotional devastation
- Sexual Dysfunction
- Violence
- Gambling and dependency
Maaari ring magaya ng anak ang gawaing ito na magdudulot ng pagkasira ng kaniyang buhay. Isa pa nga sa malalang epekto nito ay ang posibleng pagbebenta ng mga kagamitan sa bahay at ang malala pa ay katulad ng nabanggit na balita kung saan ay ibinenta ang anak dahil sa patung-patong na utang.
Kung mayroong mahal sa buhay na dumaranas ng pagkalulong sa sugal narito ang ilan sa mga maaaring gawin:
- Humingi ng tulong at isailalim sa professional counseling ang mahal sa buhay
- Tanggapin na ang gambling addiction ay isang sakit at i-educate ang sarili sa mga maaaring maging epekto nito.
- Panatilihin ang pagmamahal at pang-unawa sa mahal sa buhay.
Mahalaga ang suporta sa isang taong dumaraan sa ganitong problema. Mas mabilis makakarecover ang isang addict sa sugal kung nasa likod niya ang kaniyang mga mahal sa buhay hanggang sa kaniyang paggaling.
Maaaring maging mahirap para sa pamilya na kaharapin ang sari-saring negative consequences ng problema sa pagkalulong sa sugal ng kanilang kaanak ngunit sa huli sila pa rin ang magiging daan upang hindi humantong sa mas malaking problema ang adiksyon sa sugal.
Pasig News Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!