theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
    • Project Sidekicks
    • Trying to conceive
    • Pagbubuntis
    • Delivery
    • Losing a Baby
  • Edad at Yugto
    • Baby
    • Toddlers
    • Pre-schooler
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Balita
    • Relasyon at Sex
  • Kalusugan
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Edukasyon
    • Pre-school
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Contests & Promotions
    • Mga Artista
    • Fitness
    • Wellness
    • Pera
  • Press Room
  • Shopping

Bernadette Sembrano, ibinahagi ang karanasan nang makunan siya kay Baby Molly

10 Dec, 2020
•••
Bernadette Sembrano, ibinahagi ang karanasan nang makunan siya kay Baby MollyBernadette Sembrano, ibinahagi ang karanasan nang makunan siya kay Baby Molly

"Marami tayong bubog. Bawat isa sa atin, may bubog. May sugat na malalim. Masakit na ating dinadala na hindi kailanman mawawala. Pero ang point dito, paano mo yayakapin 'yung bubog na meron sa puso natin," - Bernadette Sembrano

Katulad ng ibang mga nanay na nawalan ng anak, masakit din para kay Bernadette Sembrano nang mawala ang kaniyang anak na si Molly. Ibinahagi niya ang karanasang ito sa isang Facebook video post.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Karanasan ni Bernadette Sembrano sa pagkawala ng kaniyang anak
  • Mga natutunan at na-realize ni Bernadette Sembrano

Hindi lubos akalain na ang matapang at palaban na ABS-CBN News Anchor na si Bernadette Sembrano ay naging emosyunal sa pagbabahagi ng kaniyang kwento patungkol sa kaniyang anak na babae na si Molly.

bernadette sembrano

Larawan mula sa Instagram ni Bernadette Sembrano

Ayon kay Bernadette December 8, 2019 nang makunan siya. “It took a while before I decided to post this – I ask myself, ‘How much should One reveal?” Sa kaniya pang pagkukuwento,

“Why am I talking about Molly? Well, we had Molly later part of 2018. I think it was December 8 that we got confirmation that Molly was successfully implanted sa atin noong December 8 of 2018. But we’ve lost her before my birthday of 2019.”

Subalit ang masayang pangyayari na ito’y napalitan ng lungkot matapost lamang ang 9 weeks at bago pa umano magdiwang si Bernadette ng kaniyang kaarawan noong nakaraang taon. Sa kwento pa ni Bernadette,

 “Our daughter was officially “implanted”. We lost her 9 weeks after. We do have a daughter and she inspired me to live a life of knowing and remembering. To all those who shared their stories, their pains with me and the world through our reports, thank you. I listened and you changed me. Salamat po.”

Masayang-masaya umano si Bernadette nang malaman nila ng kaniyang mister ang balita na siya’y buntis, subalit matapos lamang umano ang 9 weeks na pagbubuntis nakunan si Bernadette Sembrano sa kaniyang anak na si Mary Olivia o Molly.

Matapos umano ang pangyayaring ito na-inspire umano si Bernadette na “to live a life o knowing and remembering”. Nagpasalamat din ang news anchor sa mga nagbahagi ng kanilang kwento sa kaniya.

Bernadette Sembrano, ibinahagi ang karanasan nang makunan siya kay Baby Molly

“When we lost Molly, that’s when I learned to honor Molly’s life by living a full life and saying yes to a lot of things.

Nang mawala ang kaniyang anak sinabi niya sa kaniyang sarili na magye-yes siya sa mga bagong opurtunidad na darating sa kaniyang buhay. Ang dahilan umano nito’y,

“Why? Ang pinanggalingan nito, I remember when I was pregnant with her, I had a journal. Palibhasa, late na ako na-pregnant, I thought to myself I should write her like mga habilins in case I don’t see her grow up,”

BASAHIN:

11 Things You Should Know About Grief After Miscarriage Or Baby Loss

Anong dapat kong gawin pagkatapos ng miscarriage?

Paano kakausapin ang iyong asawa pagkatapos makaranas ng stillbirth o miscarriage?

Dagdag pa ng news anchor,

“Ang point lang dito, we are celebrating “bubog.” Marami tayong bubog. Bawat isa sa atin, may bubog. May sugat na malalim. Masakit na ating dinadala na hindi kailanman mawawala. Pero ang point dito, paano mo yayakapin ‘yung bubog na meron sa puso natin,” 

bernadette sembrano Larawan mula sa screeshot sa Facebook post ni Bernadette Sembrano

Marami umano sa ating may mga sakit na pinagdadaanan o pinagdadaanan subalit kahit marami tayong mga masasakit na karanasan na kailanman ay hindi natin malilimutan ang mahalaga’y matututo tayong gawing inspirasyon ito upang magpatuloy sa ating buhay. Gaano man kasakit ayon kay Bernadette matututo tayong yakapin ang mga bubog na meron sa ating mga puso.

Hindi madali para sa isang babae o ina ang makunan at mawalan ng anak sa loob ng kaniyang sinapupunan. Kailanman hindi natin na mauunawaan ang mga pinagdadaanan ng isang nawalan ng isang supling hindi pa niya man nahahawakan o nayayapos sa kaniyang mga bisig.  Mahalaga na maunawaan at intindihin ang mga inang nawalan ng kanilang mumunting supling. Kaya naman mas mahalaga na maunawaan natin ang miscarriage at stillbirth.

Coping with miscarriage

Ang miscarriage ay maaaring mangyari sa 15% ng mga babaeng nagbubuntis. Ang nakakalungkot umano rito wala umanong masyadong paraan upang maiwasan nito. Tandaan na ang pinakamahalaga mong malaman ay hindi mo kasalanan ito. Wala kang kasalanan dito.

Kailangan bigyang-pansin ang iyong nararamdaman 

Mahirap man at masakit man ang iyong nararamdaman, kailangan mong bigyang pansin ito. Sa pagtanggap na ika’y malungkot at nasasaktan sa nangyari sa iyong anak at sa iyo. Hindi magiging madali ito para sa ‘yo dahil masakit at mahirap tanggapin ang mawalan ng anak.

Tanggapin ang pagkawala ng iyong anak

Isa siguro sa pinakamahirap ay ang tanggapin na tuluyan na ngang nawala ang iyong anak. Gaano man ang iyong pag-aalaga sa kaniya sa loob ng iyong sinapupunan. Ang mahalaga matanggap mo ito at maunawaan mo na hindi mo ito kasalanan, sadyang may ilang pagkakataon lamang at pangyayari ang hindi mo inaasahan.

Huwag mahiyang maglabas ng nararamdam sa iba

Hindi madali ang ganitong pangyayari kahit kanino mang babae, o mag-asawa. Huwag matakot o mahiya na maglabas ng iyong nararamdaman sa iyong mga kaibigan. Mahalaga ang magkaroon ng isang matibay na support system sa panahong ito.

Masakit man ang mawalan ng anak kahit hindi mo po siya nahahawakan ang mahalaga ang naging bahagi siya ng buhay mo. Maaari ring i-download ang aming app, mayroong feature sa aming theAsianparent Philippines community app upang makatulong sa inyong pag-rekober sa miscarriage. I-click dito. 

Hindi mo man siya mahawakan ay alam mong naririyan lamang siya na gumagabay sa ‘yo. Masakit man magpatuloy ka pa rin. Muli ayon kay Bernadette Sembrano matuto tayong yakapin ang ating mga bubog.

 

Source:

Facebook

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img

Sinulat ni

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Bernadette Sembrano, ibinahagi ang karanasan nang makunan siya kay Baby Molly
Share:
•••
  • Angelu de Leon and Bernadette Sembrano open up about Bell’s palsy

    Angelu de Leon and Bernadette Sembrano open up about Bell’s palsy

  • Miscarriage symptoms: Everything you need to know about this

    Miscarriage symptoms: Everything you need to know about this

  • If you don’t want your kids to be ill mannered, stop doing these 5 things

    If you don’t want your kids to be ill mannered, stop doing these 5 things

  • 9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

    9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

app info
get app banner
  • Angelu de Leon and Bernadette Sembrano open up about Bell’s palsy

    Angelu de Leon and Bernadette Sembrano open up about Bell’s palsy

  • Miscarriage symptoms: Everything you need to know about this

    Miscarriage symptoms: Everything you need to know about this

  • If you don’t want your kids to be ill mannered, stop doing these 5 things

    If you don’t want your kids to be ill mannered, stop doing these 5 things

  • 9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

    9 topics na hindi mo dapat pinang-aasar sa iyong anak

  • Pagbubuntis
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Advice for Parenting Kids
    • Relasyon at Sex
  • Lifestyle
    • Local celebs
    • Mga Artista
    • Pera
    • Balita
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Kalusugan
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore
  • Thailand
  • Indonesia
  • Philippines
  • Malaysia
  • Sri Lanka
  • India
  • Vietnam
  • Australia
  • Japan
  • Nigeria
  • Kenya
Mga Partner ng Brand
Mama's Choice Partner Brand Logo
© Copyright theAsianparent 2021. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use
Articles
  • img
    Community
  • img
    COVID-19
  • img
    Becoming A Parent
  • img
    Edad at Yugto
  • img
    Pagiging Magulang
  • img
    Kalusugan
  • img
    Edukasyon
  • img
    Lifestyle
  • img
    Press Room
  • img
    Shopping
Tools
  • ?Mom Community
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
  • Recipes
  • Food
  • Poll
  • img
    VIP Parents
  • Contests
  • Photobooth

I-download ang aming app

  • Advertise With Us
  • About Us
  • Team
  • Guidelines ng Community
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Maging Contributor
  • Tools
  • Articles
  • ?Feed
  • Poll
Buksan sa app