Kapag nakunan ang isang babae, ang kadalasang nararamdaman nila bukod sa panghihinayang ay denial. Mapapatanong sila kung totoo bang nangyayari ito?
Ang sakit na dulot nito ay mahirap at kadalasan ay nakakabalisa. At kahit mahirap, ang dapat gawin pag nakunan ay pumunta agad sa OB-GYN para matignan.
Dapat gawin pag nakunan
Image from Freepik
Sa iyong consultation, kadalasan ay tatanungin ka lang kung ano ang nangyari. Katulad ng karaniwang check-up, kakailanganin mong masabi ang mga detalye. Bilang doktor, alam nila kung ano ang mas makabubuti para sa iyo.
Kapag nakunan ka habang nasa check-up o routine procedure, katulad ng pag napag-alamang walang heartbeat ang bata, ang sunod mong gagawin ay sasabihin na rin kaagad sa iyo.
D&C o natural route?
Image from Freepik
Ang pinaka-common na procedure na ginagawa kapag nakukunan ang babae ay ang D&C o Dilatation and Curettage. Sa madaling pagpapaliwanag, ang procedure na ito ay paglilinis lamang ng uterus at pag-aalis ng laman nito.
Ayon kay Dr. Lariza Bautista-Luna, OB-GYN ng The Medical City, “if the woman is suffering from symptoms of profuse bleeding, and her ultrasound results confirms that she indeed had a miscarriage, she might need Dilatation and Curettage. It’s to minimize bleeding, and stabilize her vital signs.”
Ayon naman kay Dr. Mae C. Syki-Young, MD at OB-GYN, ang procedure na ito ay case to case basis.
“It depends on the situation. If she is already bleeding profusely, a completion curettage can be done. If no urgency, the patient can opt to wait for several days and see if she will bleed spontaneously. This will all depend on the assessment of the attending doctor.”
Depende raw kasi sa pasyente ang desisyon. Mayroong mga gusto munang obserbahan at pakiramdaman ang kanilang katawan bago magdesisyon. Maaari rin kasing makadagdag sa sakit ang D&C procedure kasabay pa ng emotional pain na pinagdadaanan nila.
Tip niya para sa kanila, “Expectant management or observation is okay, as long as the doctor explained and advised the patient about what to do, she is not bleeding profusely, and again she has stable vital signs . But, it’s dangerous to leave miscarriage alone because a patient can bleed profusely.” Kapag marami na ang nawalang dugo, kailangan na agad itong maagapan at kailangan din na i-check sila para sa posibleng impeksyon.
Kailangan mong bigyang-pansin ang iyong nararamdaman
Image from Freepik
Matapos mong magawa ang mga dapat gawin na procedure, importanteng mag-move on at pagtuonan din ng pansin ang iyong emotional needs. Kadalasan ay dumadaan sa preconception counseling. Ayon kay Dr. Syki-Young, kahit pa maging mabilis ang physical recovery ng isang babae, dapat pa rin siyang magpahinga.
“The emotional, psychological and mental recovery will require more time than the physical recovery. That’s why I tell them to take a maternity leave. They might look normal on the outside, but they are suffering inside.”
Karamihan ng mga ospital ay may mga support group na pwedeng salihan nang libre. Tanungin ang iyong doktor tungkol dito at piliin kung saan ka kumportableng makisali. Ang mga simbahan ay karaniwan ding may mga free counseling services. Sa kung paanong paraan mo man gusto, tandaan mo lang na hindi ka nag-iisa. Bigyan ang iyong sarili ng panahon para mag-heal. Ang mahalaga ay aminin mo ang iyong nararamdaman at tanggapin na hindi magiging madali ito.
Translated with permission from TheAsianParent Singapore
BASAHIN: Honoring the Loss: How to Respect and Remember Your Miscarriage
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!