Best Christmas Gift Para Sa Mga Pregnant Moms

Nahihirapang maghanap ng regalo for pregnant moms? Narito ang aming listahan ng best Christmas gifts for pregnant women na kapaki-pakinabang at budget-friendly.

Ilang tulog na lamang at pasko na. Nakumpleto mo na ba ang laman ng iyong Christmas shopping list?

Bukod sa mga bagong gamit ninyong mag-anak, kadalasa’t kasama sa inyong shopping list this holiday season ang panregalo. Hindi mawawala dyan ang mga panregalo kay mommy, daddy, in-laws, mga inaanak at iba pang mahal sa buhay.

Sa kabilang banda, may mga special gifts na kailangang piliin mabuti upang masiguradong mapakikinabangan ito ng pagreregaluhan. Gaya na lamang ng regalong ibibigay sa mga pregnant moms.  May mga produktong hindi nila maaaring gamitin at mayroon namang ginawa lamang para sa kanila. At kung nais mo pang matuto kung paano pumili ng best gifts for pregnant women, makakatulong ang article na ito.

Patuloy na magbasa at alamin ang recommended products na maaaring gawing Christmas gifts for pregnant moms.

Best gifts for pregnant women

Gifts for Pregnant
Mama's Choice Diaper Bag
Buy Now
Recess Maternity Legging
Buy Now
Uratex Amie Round-Edged Wedge Pillow
Buy Now
Diane Maternity and Nursing Dress
Buy Now
Cetaphil Cleanse And Moisturize Kit
Buy Now
2024 Belle de Jour Dreampowerment Journals
Buy Now

Mama’s Choice Expandable Diaper Bag

Best Gifts For Pregnant Women: Useful Online Finds For Moms-To-Be | Mama’s Choice

Ideal na panregalo para sa mga pregnant moms ang Mama’s Choice Expandable Diaper Bag! Magagamit niya ito sa kanyang check ups, panganganak at maging pagtapos manganak bilang lagayan naman ng mga gamit ni baby. Spacious ito kaya’t perfect gamitin para sa mga gamit ni mommy or baby. Kasyang-kasya ang lahat ng essentials sa loob ng backpack na ito kaya’t maganda rin ito gamitin kapag nagtatravel.

Higit sa lahat, nagustuhan namin ang feature nito na convertible portable crib o changing station. Maaari itong gamitin bilang palitan ng diaper ni baby dahil ang back part nito ay naeexpand.

Pagdating naman sa materyal na ginamit, makakasigurado kang matibay ito at hindi basta-basta nababasa dahil gawa ito sa waterproof polyester material.

Recess Maternity Leggings

Best Gifts For Pregnant Women: Useful Online Finds For Moms-To-Be | Recess

Kasama rin sa ating listahan ng best gifts for pregnant women this Christmas ang maternity leggings from Recess. Ito ay isang local brand na kilala sa kanilang mga comfortable at stylish activewear. Gaya ng iba nilang produkto, ang maternity leggings na ito ay nakakapagbigay ng komportableng pakiramdam habang suot dahil gawa ito sa breathable nylon spandex fabric na napakalambot.

Bukod pa riyan, nagbibigay din ang leggings na ito ng suporta na kailangan ng iyong changing body. Ito ay may high-waisted front pouch na nagbibigay suporta sa tummy at V shape detail para naman sa lower back support. Available ito sa kulay na black, kaya’t siguradong mas madali itong bagayan ng kahit anong maternity top.

Uratex-Amie Round-Edge Wedge Pillow

Best Gifts For Pregnant Women: Useful Online Finds For Moms-To-Be | Uratex

Kailangan din ng mga moms-to-be ng pregnancy pillow na makakapagbigay suporta sa kanilang lumalaking tyan. Kaya naman maganda ring bigyan sila ng pregnancy pillow bilang regalo ngayong pasko. At ang best choice para rito ay ang Uratex Amie Round-Edge Wedge Pillow. Mula sa pangalan nito, ito ay korteng wedge kaya’t pwedeng ilagay sa ilalim ng growing tummy.

Bukod pa riyan ay pwede rin ito gamitin bilang head pillow or back pillow. At dahil hindi ito bulky, madali itong dalhin kahit saan at napakadali rin ibalot kung ipanreregalo.

Diane Maternity and Nursing Dress

Best Gifts For Pregnant Women: Useful Online Finds For Moms-To-Be | Diane Maternity Dress

Siguradong ikatutuwa rin ng pregnant mom na iyong planong regaluhan this Christmas kung bibigyan mo siya ng maternity dress. Magandang choice ng maternity dress ang Diane Maternity and Nursing Dress. Magagamit ito ni mommy mula sa kanyang pagbubuntis hanggang matapos manganak kapag siya ay nagbibreastfeed.

Tamang-tama rin ito para sa mga mommy na plus-size ang body type dahil available ito hanggang 5XL. Maaari nila itong masuot iba’t ibang occasions o di kaya ay kapag namasyal kasama si baby.

Cetaphil Cleanse And Moisturize Kit

Best Gifts For Pregnant Women: Useful Online Finds For Moms-To-Be | Cetaphil

Habang nagbubuntis, nakakaranas ng pagbabago sa balat si mommy. Kaya naman makakatulong din ang paggamit niya ng gentle cleanser at moisturizer upang maiwasan ang iba’t ibang skin problems gaya na lamang ng dry skin at acne. At dahil dito, magandang regaluhan din sila ng skin care set na ito from Cetaphil.

Belle de Jour Dreampowerment Journals

Best Gifts For Pregnant Women: Useful Online Finds For Moms-To-Be | Belle de Jour

Kung mahilig naman mag journal o magsulat ang pregnant mom na reregaluhan, perfect para sa kanya ang Belle de Jour Dreampowerment Journal. Bukod sa paglalagay ng mga plano o goals para sa susunod na taon, maaari rin itong gamitin bilang pregnancy journal.

Ang kagandahan pa sa Belle de Jour jornal na ito ay available ito sa iba’t ibang themes o focus. Kasama riyan ang self love, goals, gratitude, mindfulness at progress. Minimal lamang ang design ng journal na ito ngunit tiyak na magugustuhan ng mga mommies dahil makulay ito.

Price Summary

Brands Price
Mama’s Choice Php 979.00
Recess Php 2,598.00
Uratex Php 700.00
Diane Maternity Dress Php 310.00
Cetaphil Php 930.00
Belle de Jour Php 450.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

Ngayong kapaskuhan, ipakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga pregnant moms sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo sa kanila na maaari nilang magamit throughout their pregnancy journey. At kung may napusuan ka sa aming listahan, i-add to cart na agad nang makahabol pa ang regalo para sa darating na pasko!

Sinulat ni

Teresa Alcantara