Para sa mga breastfeeding mommies, malaking tulong ang pagsusuot ng nursing dress lalo na kung lumalabas kasama si baby. Ito ay nagbibigay ng easy access para sa breastfeeding. Ideal din ito suotin ng mga working moms na kailangang mag-pump ng breast milk kahit nasa trabaho.
Hindi pare-pareho ang mga mommy pagdating sa pagiging komportable na mag-expose ng kanilang breast sa publiko. Common struggle ng mga mommy ang pagpapasuso sa kanilang mga anak sa pampublikong lugar. Lalo na at hindi rin lahat ng baby ay gustong nakabalot o tinatakpan habang sumususo sa kanilang mommy. Kaya mahalagang bumili ng nursing dress na angkop sa inyong pangangailangan.
Buti na lang ay maraming nursing clothes in the Philippines na mabibili online. At inilista namin ang aming top choices for you, kaya naman keep on scrolling para malaman mo ang mga brands na ito!
Talaan ng Nilalaman
Bakit mahalaga ang breastfeeding?
Bago mamili ng best nursing dress, pag-usapan muna natin ang benepisyo ng breastfeeding hindi lang para kay baby kundi para na rin sa mommy.
Isa ang breastfeeding sa mga pinaka epektibong paraan para masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng inyong anak. Ideal food para sa mga sanggol ang breast milk dahil ligtas at malinis. In addition, mayroon itong antibodies na makatutulong na protektahan ang inyong anak laban sa mga common childhood illness.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga batang napasuso ng kanilang ina ay mas matalas ang isip, mas maiiwasang maging overweight o obese, at less prone sa diabetes sa kanilang pagtanda. Meanwhile, ang mga babaeng naranasang mag-breastfeed ay mas maliit ang tsansang magkaroon ng breast at ovarian cancers.
Nirerekomenda ng WHO at UNICEF ang exclusive breastfeeding sa mga newborn until six months old. Ibig sabihin, walang ibang dapat kainin o inumin kahit na tubig ang baby bukod sa breastmilk.
Pagtungtong ng bata sa edad na anim na buwan, maaari na itong bigyan ng masusustansyang pagkain habang patuloy ang breastfeeding hanggang siya ay two years old.
Best nursing dress in the Philippines
Narito ang ilan sa mga best nursing dress na maaari niyong pagpilian depende sa inyong pangangailangan bilang breastfeeding moms.
Breastfeeding and Maternity Dress
Most affordable
|
Buy Now |
Helena Maternity/Nursing Dress
Best for plus-size women
|
Buy Now |
Sterling Formal Nursing Maternity Dress
Best for working moms
|
Buy Now |
Diane Maternity and Nursing Dress
|
Buy Now |
Olivia Off-Shoulder Maternity and Breastfeeding Dress
Best Maxi Dress
|
Buy Now |
Jenny Breastfeeding Maxi Dress
Best long dress
|
Buy Now |
Breastfeeding and Maternity Dress
Most affordable
Kung ang hanap mo’y preskong nursing dress, perfect choice ang Breastfeeding and Maternity Dress na ito. Tamang-tama sa mainit na panahon dahil ito ay sleeveless. Aside from being affordable at comfortable, elastic ang tela at may easy access sa breastfeeding.
May size chart ang store kung saan maaaring tingnan ang sukat na akma sa iyong body type. Magaganda ang designs at pwedeng gamitin before, during, at after ng breastfeeding journey.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Naaangat ang tela sa bandang dibdib.
- Style – Sleeveless at knee-length ang nursing dress na ito. Printed flowers ang design at available sa iba’t ibang kulay.
- Quality and Comfort – Gawa sa cotton at polyester material na soft at presko sa katawan. Maayos at matibay ang pagkakatahi.
Helena Maternity and Nursing Dress
Best for plus-size women
Para sa mga mommy na plus-size ang body type, best ang Helena Maternity and Nursing Dress para sa inyo. Available ang nursing dress na ito sa apat na sizes: semi-large, large, extra-large, at 2XL.
Maaaring gamitin sa casual at semi-formal occasions ang nursing dress na ito. Mayroon itong round neckline, short sleeves, at A-line skirt at iba’t ibang design pattern.
Aside from that, maternity dress din ito kaya tipid si mommy dahil pwede niya itong suotin nang matagal mula sa pagbubuntis hanggang sa breastfeeding stage ni baby.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Nahahawi ang V-Line sa bandang dibdib kaya maadaling ma-aaccess ni baby ang magkabilang breast ni mommy.
- Style – Available ito sa iba’t ibang kulay. Ang plain white ay pwede ring gamitin bilang wedding dress ng pregnant bride.
- Quality and Comfort – Gawa sa cotton spandex material at matibay ang pagkakagawa. Stretchable ang tela at presko sa katawan.
Sterling Formal Nursing Maternity Dress
Best for working moms
Struggle ang breastfeeding para sa working moms kaya malaking tulong ang nursing dress para madaling makapag-breast pump kahit nasa trabaho. Perfect for working moms ang Sterling Formal Nursing Maternity Dress.
Hindi lang ito para sa mga nagpapasuso ng kanilang mga anak, pwede rin ito para sa mga kasalukuyang pregnant. In addition, maganda ang style ng dress na tamang-tama para sa mga nagtatrabaho sa opisina. As a bonus, maaari ding gamitin sa mga semi-formal occasion o kaya naman tuwing magsisimba.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Nahahawi ang gilid ng breasts area.
- Style – Available sa iba’t ibang kulay at iba’t ibang size mula small hanggang double XL. May round neckline, ¾ sleeves, at pleated skirt.
- Quality and Comfort – Gawa sa high-quality neoprene material. Makapal ang tela kaya best na suotin sa mga lugar na malalamig.
Diane Maternity and Nursing Dress
Best casual nursing dress
Bihira ang mga dress na may side-pocket kaya kung mahilig kang maglagay ng gamit sa bulsa, itong Diane Maternity and Nursing Dress ang para sa’yo.
Perfect din ito para sa mga mommy na plus-size ang body type dahil available ito hanggang 5XL. Pwedeng gamitin sa mga casual occasion o sa paglabas-labas ni mommy sa bahay kasama si baby.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Naaangat ang upper hem nito sa breast area.
- Style – Mayroong v-neckline, hanggang tuhod ang haba at may 13-15 inches sleeve opening. Available sa iba’t ibang kulay.
- Quality and Comfort – Specially knitted ang nursing dress na ito na gawa sa polyester material. Soft, stretchable at breathable kaya komportableng suotin kahit saan.
Olivia Off-Shoulder Maternity and Breastfeeding Dress
Best for formal occasions
Malambot at maaliwalas sa pakiramdam ang Olivia Off-Shoulder Maternity and Breastfeeding Dress. Pwede itong suotin sa formal occasions tulad ng kasal. Maganda ang disenyo at available sa iba’t ibang vibrant colors.
Para sa mga mommy na mahilig magsuot ng floor-length dress, you can also use this for smart casual occasions tulad ng family gathering, pagsisimba, pagpunta sa mall, at sa pakikipag-date kay daddy.
Not only that, maternity dress din ito kaya pwedeng suotin habang pinagbubuntis pa si baby. Because of this, makakatipid ka dahil maaari itong magamit nang matagal na panahon.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Pwedeng i-angat ang upper hem sa bandang dibdib at maaari ding ibaba ang shoulder part para i-breastfeed si baby.
- Style – Off-shoulder at ankle length ang nursing dress na ito. Available sa iba’t ibang kulay, striped pattern, at floral design.
- Quality and Comfort – Gawa sa cotton spandex material. Stretchable, soft, at comfortable sa balat. Maayos ang pagkakatahi at matibay.
Jenny Breastfeeding Maxi Dress
Best long dress
Kung mas comfortable ka naman magsuot ng mga long dress kapag umaalis, perfect pick ang Jenny Breastfeeding Maxi Dress. Napaka stylish ng dress na ito at di mo aakalaing ito ay para sa breastfeeding. Sleeveless ito at may ruffles design kaya naman bukod sa presko na ay siguradong babagay pa sa’yo.
Karagdagan, gawa rin ito sa cotton spandex fabric kaya naman stretchable ito at puwede ring gamitin ng mga pregnant moms. Nagfifit din ito sa medium to XL body frame. Marami ring color choices ang dress na ito na siguradong babagay sa’yo mommy.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – May slit sa bandang dibdib na maaaring buksan kapag magbi-breastfeed.
- Style – Sleeveless at maxi dress. Available sa iba’t ibang kulay.
- Quality and Comfort – Gawa sa cotton spandex material kaya naman presko isuot.
Price Comparison Table
May napili ka na bang nursing dress na sakto sa pangangailangan mo bilang breastfeeding mom? Narito ang price list ng best nursing dress in the Philippines!
Product | Price |
Breastfeeding and Maternity Dress | Php 119.00 |
Helena Maternity and Nursing Dress | Php 299.00 |
Sterling Formal Nursing Maternity Dress | Php 349.00 – Php 360.00 |
Diane Maternity and Nursing Dress | Php 310.00 – Php 375.00 |
Olivia Off-Shoulder Maternity and Breastfeeding Dress | Php 349.00 |
Jenny Breastfeeding Maxi Dress | Php 500.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Mga dapat i-consider sa pagbili ng nursing dress
Iba’t iba ang pangangailangan ng mga mommy at baby kaya’t mahalagang alamin kung ano ang akmang nursing dress na dapat bilihin. Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagbili ng best nursing clothes:
- Breastfeeding access – Ito ang top priority sa pagpili ng best nursing dress. Dapat madaling ma-access ang iyong breast upang hindi mahirapan sa pagpapasuso.
- Style – Mahalagang piliin ang style na angkop sa preference mo bilang babae. Magandang bumili ng nursing dress na pwede mong magamit kahit tapos na ang breastfeeding journey mo bilang mommy.
- Quality – Dahil recommended na i-breastfeed si baby hanggang sa siya ay 2 years old na, mabuting pumili ng nursing clothes na high quality at magagamit nang matagalan.
- Comfort – Alamin ang material na ginamit sa nursing dress at piliin ang tela at style na komportable kang suotin.
- Presyo – Dapat ding i-consider ang budget ng pamilya. Piliin ang nursing dress na swak sa budget.
Kung nais mo naman bumili ng mga blouse na perfect din for breastfeeding moms, tignan ang aming top picks dito: Best Nursing Tops for Breastfeeding