Binabago ng motherhood ang isang babae inside and out. Pagkatapos manganak, ang katawan ng mommies ay hindi agad bumabalik sa kanilang pre-pregnancy state lalo na sa kanilang tiyan. Sa ganitong pagkakataon kailangan mo na ng binder for post pregnancy. Kaya naman narito ang best postpartum belly band na must-haves for moms like you!
Bagaman iba-iba ang pagtanggap ng bawat nanay sa kanilang bagong katawan, normal lang na ang ilan sa mga nanay ay gustong maging fit agad sa lalong madaling panahon. This is the reason kung bakit marami ang pinipiling bumili ng belly support band.
Mahalagang tandaan nga lamang na kailangang magpahinga nang ilang linggo matapos manganak. Ito kasi ang pangunahing susi sa pagpapagaling mo.
Talaan ng Nilalaman
Paano pumili ng tamang postpartum belly band
Nakakatulong ang belly binding hindi lang sa mga nanganak sa pamamagitan ng C-section, ngunit pati na rin sa mga normal nanganak. Marami sa market na mabibiling mayroon iba’t ibang function at benefits. Kaliwa’t kanan din ang mga disenyo at uri ng belly bands na maaari mong pagpilian. May mga iba’t iba ang haba, design, maging ang presyo.
Sa dami ng mga ito, paano nga ba ang tamang pagpili ng belly bands? Ano ba ang pinakamakakatulong sa iyo?
- Functionality
- Gaano ito kaepektibo? Alamin kung ano ang mga teknolohiya o disenyo na ginamit para makatulong ito sa iyong recovery. Numero unong dapat na malaman ay kung ano ang mabibigay nitong function sa iyo na parte ng pagpapagaling. Ito ba ay nakakatulong sa pagpapaliit ng tiyan, paghuhulma muli nito, o kaya naman pagbabawas ng sakit sa iyong lower back.
- Comfort
- Hindi mo kailangang tiisin ang discomfort kapag gumagamit ka ng postpartum belly wrap. Sa katunayan, dapat nga ito ay komportable para patuloy mo itong magamit. Laging isipin na dapat nakakabawas ng pain at stress ang wrap at hindi madagdagan pa. Alamin kung anong tela gawa, paano sinusuot, at kung hindi ba magiging iritable ang iyong katawan once na ginamit mo na ito.
- Safety at ease of use
- Dapat madali rin itong isuot dahil para hindi mo na ito intidihin at makapag-focus ka kay baby. Maraming gawain ang malaman ay tatambak sa iyo lalo ngayon at bagong panganak ka. Kaya naman pumili ng madaling linisan at ligpitan na belly band para less hassle sa bahay. Mabuti rin na bilhin ang wrap na nirekomenda ng doktor para safe gamitin.
Best postpartum belly band in the Philippines
Ang kagandahan sa belly band ay pinapanatili nito sa tamang lugar ang iyong muscles, pinapaganda ang iyong posture, pinapaayos ang pagdaloy ng iyong dugo, at nakakatulong din ito para mawala ang back pain, pamamaga, at pamamanas. Dahil diyan, ilalatag na namin ang best postpartum belly band na available in the Philippines.
Best Postpartum Belly Bands in the Philippines
Mama's Choice Postpartum Adjustable Corset
|
Buy from Shopee |
Upspring Postpartum Slimming Belly Wrap
Best bamboo charcoal fiber technology-based wrap
|
Buy from Shopee |
Wink Belly and Hip Shaper Postpartum
Most secured postnatal belly band
|
BUY FROM LAZADA |
Mamaway Postpartum Belly Band
Best support belt
|
BUY FROM LAZADA |
Mommy Kits Adjustable Support Belt Belly Band
Best Adjustable
|
Buy Now |
Valianne's Trends Postpartum Shapewear
Best parents' choice
|
Buy from Shopee |
Mama’s Choice Postpartum Adjustable Corset
Bakit magugustuhan mo ito?
Ang Mama’s Choice Postpartum Adjustable Corset ay magaan sa bulsa at epektibo rin. Ang isa sa kinaganda ng produktong ito ay ang Velcro closure nito na sinisigurong tama ang sikip nito sa iyong katawan.
Nakakatulong din ito na mapagaan ang sakit na nararamdaman sa iyong likod, maibsan ang pamamaga at mapabilis ang pag-recover mula sa panganganak.
Maaari itong gamitin ng mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng caesarian section basta kumunsulta muna sa iyong doktor.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Velcro design na nagbibigay ng pinakamainam na compression para sa mas epektibong pagpapayat ng tiyan.
- Nagbibigay suporta sa lower back, tumutulong na ibalik ang postura, nakakabawas ng sakit sa likod at tumulutong sa mas mabuting recovery.
- Pinaliit ang tiyan at hip area
- Available sa kulay cream at black
- Comfort
- Bukod sa adjustable, ang mga materials nito ay polyester at elastic fibres na hindi nakakairita sa balat.
- Maaaring gamitin araw-araw
- Gawa sa breathable na materyales
- Safety at ease of use
- Velcro closure para hindi ito gumalaw.
- Madaling gamitin.
Upspring Postpartum Slimming Belly
Best bamboo charcoal fiber technology-based wrap postpartum belly band
Bakit magugustuhan mo ang postpartum belly band na ito?
Ang bamboo charcoal fiber technology-based wrap na ito ay hindi lang para paliitin ang iyong baywang kundi para rin suportahan ang muscles ng iyong tiyan. Ang triple-point compression na dulot ng bamboo charcoal ay nakakatulong sa iyong body heat at dahil dito gumaganda ang iyong blood flow, nababawasan ang pamamaga, at nakakatulong s sa iyong recovery.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Mayroon triple compression fiber technology para sa magandang resulta.
- May built-in boning construction na mainam sa back support.
- Tumutulong para sa recovery at core muscle support.
- Nakakatulong din para mabawasan ang pamamaga.
- Comfort
- Adjustable ito kaya komportable gamitin.
- Safety at ease of use
- Inirerekomenda ito ng mga OB-GYN.
- Antibacterial at moisture-absorbent ang gamit nito.
- Madaling gamitin.
Wink Belly and Hip Shaper
Most secured postpartum belly band
Bakit magugustuhan mo ang postpartum belly band na ito?
Kumpara sa ibang belly band, ang Wink Belly and Hip Shaper ay mas mahaba at umaabot hanggang sa baba ng balakang. Sure kang secure ito dahil mayroon itong elastic band na nagkokonekta mula sa baba pataas.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Mayroon itong seamless design na pwede mong suotin sa ilalim ng iyong damit.
- Ang 2 layers ng compression material nito’y nagsisigurado ng mataas na levels ng compression.
- Pwede mo itong i-adjust habang lumiliit ang iyong tiyan dahil mayroon itong 6 panels ng hook and eye enclosure nito.
- Comfort
- Idinisenyo ito para umakma sa katawan at curves ng babae: ang taas nito ay mas maikli kaysa sa baba para sakto ito sa waistline at balakang ng mga kababaihan.
- Safety at ease of use
- Matibay ito at maaari mong gamitin nang paulit-ulit.
Mamaway Maternity Support Belt
Best support belt postpartum belly band
Bakit magugustuhan mo ang postpartum belly band na ito?
Nagagawa ito nito sa pamamagitan ng compression sa pelvic at abdominal area para i-hold ang lumaking tiyan, lawlaw na balat, at muscles matapos manganak.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Isinasama ang bamboo charcoal material sa paggawa ng belly band na ito. Nakakatulong ang bamboo charcoal para sa kanyang antibacterial properties.
- Nagbibigay rin ito ng far-infrared na nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo.
- Nakakatulong ito sa pagbalik ng lakas sa iyong core at pag-stabilize ng iyong tiyan at sugat mula sa C-section.
- Mainam din itong back support habang buhat mo si baby.
- Comfort
- Ang mesh weave structure nito ay pinapanatili kang cool at dry.
- Safety at ease of use
- Ito ay aprubado ng TGA Safety Regulation.
Mommy Kits Adjustable Support Pregnancy Belly Band
Best one-size postpartum belly band
Bakit magugustuhan mo ang postpartum belly band na ito?
Iba’t iba ang size at shape ng mga babae, so mahalaga na mayroong postpartum belly band na kasya sa lahat. Narito ang Mommy Kits para magkasya ang wrap sa maraming pregnant mommies.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Ang compression nito ay nakakatulong patatagin ang iyong muscles sa tiyan.
- Habang unti-unting nagbabago ang hugis ng iyong katawan, kusang luluwag ang band na ito para mag-adjust sa iyong hugis.
- Comfort
- Nababawasan nito ang iyong backpain.
- Nakakatulong din ito sa varicose at iba pang pamamaga.
- Naiiwasan ang ibang pre-term contractions.
- Safety at ease of use
- Madaling labahan.
- Multi-layered ang tela nito kaya seamless ang itsura sa kahit anong outfit mo.
Valianne’s Trends Postpartum Shapewear
Best parents’ choice
Bakit magugustuhan mo ang postpartum belly band na ito?
Talaga namang magugustuhan mo ito dahil ito ang TAP Awards 2023 “Parent’s Choice Postpartum Belly Wrap." Mas mapapabilis at mapapdali na ang recovery according na rin sa mommies na gumamit na nito.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Mayroong added hook features para sa greater compression.
- Kasama na rin ang adjustable hook-and-eye para magkaroon ng perfect fit ang iyong band.
- Comfort
- High-wasted na nakakatulong makapagbawas ng stress sa lower back.
- Nakakatulong na ma-improve ang posture ng iyong katawan.
- Nakakapagbigay ng deep tissue support para mabawasan ang strain sa abdominal muscles.
- Safety at ease of use
- Madaling isuot dahil adjustable.
- Safe gamitin dahil gawa sa high-quality fabric na 85% nylon at 15% spandex.
Price Comparison Table
Padaliin pa ang iyong recovery para tuloy-tuloy ang bonding with the family. Mayroon ka na bang napili sa aming recommendations? Ang sunod na tanong diyan, swak naman kaya sa budget ng pamilya ang napili mong ito? I-check na iyan dito sa aming price comparisont table:
Postpartum belly bands | Price |
Mama’s Choice Postpartum Belly Wrap Adjustable Corset | Php 759.00 |
Upspring Postpartum Slimming Belly | Php 1,349.00 |
Wink Belly and Hip Shaper | Php 3,820.00 |
Mamaway Maternity Support Belt | Php 2,208.00 |
Mommy Kits Adjustable Suppor Pregnancy Belly Band | Php 499.00 |
Valianne’s Trends Postpartum Shapewear | Php 700.00 |
Postpartum Care Tips
Narito ang ilang mga tips upang alagaan ang iyong katawan pagkatapos ng panganganak:
- Bigyan ng sapat na pahinga ang iyong katawan.
- Kumain ng healthy foods.
- Mag-ehersisyo nang maayos.
- Magsuot ng komportable damit.
- Mag-ingat sa iyong emosyonal na kalusugan.
- Iwasan ang pagpapagod.
Sa pag-aalaga ng iyong postpartum body, kailangan mo ng mahabang pasensya at pag-unawa. Mahalaga na magbigay ka ng oras sa iyong sarili at panatilihing malusog, di lamang ang pisikal na pangangatawan, maging ang emosyonal.
Benepisyo ng paggamit ng postnatal belly band
- Suporta sa abdominal muscles – Tinutulungan nitong mas mabilis na bumalik sa porma ang tiyan matapos ang panganganak at nababawasan ang pagkirot sa bahagi ng abdomen.
- Tulong sa likod at postura – Nagbibigay ito ng dagdag na suporta sa likod, na nakakatulong sa mga inang nakararanas ng lower back pain o discomfort. Pinapabuti rin nito ang postura.
- Pagpapabilis ng recovery – Nakakatulong ang belly band sa mas mabilis na paggaling ng katawan, lalo na sa mga ina na sumailalim sa cesarean section, dahil nagbibigay ito ng gentle compression.
- Pelvic stability – Nakatutulong ito sa pelvic muscles at joints na naapektuhan ng pagbubuntis, kaya’t mas komportable ang paggalaw ng ina habang unti-unting bumabalik ang kanyang katawan sa normal.
- Dagdag na kumpiyansa – Bukod sa pisikal na suporta, ang paggamit ng belly band ay nagbibigay ng mental boost at kumpiyansa sa mga inang bumabangon mula sa panganganak.