Best sleeping position for good sleep, ano nga ba?
Alam nating lahat kung gaano ka importante ang pagtulog sa gabi. Ito na lang kasi ang nagiging pahinga natin pagkaapos ng mahaba at nakakapagod na araw ng pag run ng iba’t-ibang errands. Maaaring ikaw ay sobrang stress sa matagal na traffic, pagod sa trabaho o mahabang pila sa grocery store. Idagadag pa diyan agng buong araw na pangungulit ng iyong mga chikiting. At ang pagtulog na lang ang tanging nagiging pahinga mo.
Ngunit naranasan mo na ba na kahit pagod at inaantok kana ay hindi ka pa rin makatulog? Moms, maaaring ang sleeping position mo ang nakakaapekto rito!
Best sleeping position for good sleep | Image from Freepik
5 best sleep position para sa mahimbing na tulog
Bukod sa hindi komportableng posisyon sa pagtulog, maaaring ito rin ay magdulot sa’yo ng back pain kapag hindi maayos ang iyong posisyon. Kaya naman mahalagang malaman ang mga posisyong makakatulong sa’yo para makatulog ng maayos. Narito ang ilan sa kanila:
1. Sleeping on side
Ang sleep on side o pagtulog sa kaliwang bahagi ay mahalagang ugali na dapat sinasanay ng buntis. Nakakapagpababa kasi ito ng tyansa ng back pain at stillbirth.
Ngunit alam niyo bang hindi lang buntis ang makikinabang sa posisyon ng pagtulog sa side? Bukod kasi sa pagkakaroon ng maayos na pagtulog, ang sleep on side position ay makakatulong para mabawasan ang paghilik at maging maayos ang digestion mo na dahilan ng heartburn.
Best sleeping position for good sleep | Image from Freepik
2. Fetal position
Isang karaniwang posisyon ng pagtulog ang fetal position bata man ‘yan o matanda. Ang posisyon na ito ay nakatiklop ang iyong tuhod na malapit sa iyong dibdib. Marami ang ganito ang posisyon sa pagtulog dahil nakakahanap sila ng relief dahilan para magkaroon ng komportableng pagtulog.
3. Posisyong pahiga
Marami ang naibibigay na health benefits ng sleeping on your back. Pinoprotektahan nito ang iyong spine at nababawasan ang pressure sa iyong hips at knee. Ayon sa Cleveland Clinic, ang posiyon na ito ay makakatulong para mabawasan ang masakit na parte ng iyonglikod o joints. Idagdag pa ang suporta ng unan na ilalagay sa curve ng iyong likod.
4. Pagtulog paharap na may unan sa likod ng tyan
Makaktulong rin ang paggamit ng unan para makakuha ng maayos at komportableng posisyon sa pagtulog. Maaaring subukan ang paglalagay ng unan sa likod ng iyong tyan habang nakahiga paharap o ‘yung nakatapat sa kisame. Makakatulong kasi ito sa improvement ng iyong spinal alignment. Maiiwasan rin ang herniated disc at degenerative disc disease sa ganitong posisyon.
Best sleeping position for good sleep | Image from Freepik
5. Posisyong padapa
Isa pang posisyon na makakatulong sa’yo para makatulog ng maayos ay ang paghinga ng padapa. Good choice kasi ito para sa paghihilik o sleep apnea. Ngunit ang posisyon na ito ay hindi nirerekomenda ng karamihan. Sa ibang kaso, maaring sumakit ang iyong leeg at likod sa posisyong ito. Nagbibigay rin ito ng mabigat na pressure kapag ikaw ay nagising mula sa pagkakatulog ng ganitong posisyon.
BASAHIN:
Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Safe sleeping positions ng buntis sa bawat trimester
7 Best pregnancy pillows na makakatulong sa iyong pagbubuntis at maari mong bilhin online
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!