Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Pero paliwanag ni Bianca, sinisiguro niya namang balance ang ginagawa niyang pagpapalaki sa mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bianca Gonzalez nagbahagi ng kaniyang parenting style sa dalawang anak na sina Carmen at Lucia.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Bianca Gonzalez parenting style.
  • Masayang buhay may asawa at pamilya ni Bianca Gonzalez.

Bianca Gonzalez parenting style

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez

Pagdating sa pagiging magulang at pagpapalaki ng anak, isa si Bianca Gonzalez sa sinusubaybayan at hinahangaan ng maraming Pilipino.

Sa nakalipas nga na “Love more with every touch. Love more with Johnson's” at launcging ng Care Hub ng Johnson's baby sa Tiktok event ay present si Bianca na kung saan nagpaunlak rin siya ng panayam sa theAsianparent Philippines kung saan ibinahagi niya ang parenting style niya sa mga anak na sina Carmen, 4 at Lucia, 7.

Si Bianca ibinahagi rin ang sikreto sa young-looking at blooming niyang balat na unti-unti niya na daw ipinapasa sa mga anak niya.

"I am particular about the routine. Shampoo, conditioner, body wash and lotion. Importante sa akin yung lotion so they won't dry their skin.

So I guess at this early age, beauty routine na yun. Saka ako nilo-lotion ko hindi lang legs at arms pati body kailangan. Kasi you need to moisturize the whole thing talaga e.

I am also particular about brushing teeth, washing face, and combing hair. I think yun naman ang age appropriate for them.

But ang interesting is because I am not a child and I need more care so whenever I do my nightly skincare nanonood sila."

Ito ang maikling pagbabahagi ni Bianca tungkol sa kaniyang skin care routine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdating naman sa pagiging magulang, hindi umano  inakala ni Bianca na sa kanilang dalawa ng mister na si JC Intal ay siya ang magiging disciplinarian. Dahil malayo daw ito sa ugali niya noong single pa siya.

“I never thought na ako 'yong magiging disciplinarian because when I was single super chill ako, super anything goes. I'm not a heavy planner talaga I'll go with the flow. But when I became a Mom that all changed.”

“I guess also because we have 2 girls. 'Yong husband ko powerless, hindi kayang magalit, hindi kayang pagsabihan. I think naturally ako 'yong naging disciplinarian.”

Ito ang pahayag ni Bianca.

Pag-amin pa ng celebrity mom, strikto siya sa dalawang anak. Pero sinisiguro niya na nababalanse parin niya ang parenting approach sa kanila. Ganito kung paano daw ito ginagawa ni Bianca.

“I am quite strict with my kids meaning ‘pag sleep time, sleep time, 'pag eating time, eating time. I only allow them watch ‘pag weekends.

Pero I try my best to be really emotionally connected to my kids. Meaning ‘pag sinundo ko sila sa school later I will ask them, how was your day? I want them to feel that they can talk to me always about anything.”

Kahit nga daw may pagkastrikto, kapag umiiyak at nagta-tantrums ang mga anak niya hindi niya agad kinakagalitan ang mga ito.

Sa halip, inaalam niya kung ano ang dahilan ng sumpong ng anak at saka kino-comfort ang mga ito. Ito daw ang isa sa mga dagdag sa natutunan ni Bianca kamakailan lang sa pagiging magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“One of my recent learnings about parenting is minsan kapag may big emotions 'yong anak mo that’s normal. And how we react is more not because of them but because of us.”

Kaya dagdag pa niyang payo, maliban sa pagtutukoy muna ng dahilan ng tantrums ng iyong anak ay dapat manatiling kalmado sa mga oras na may sumpong siya.

Sa ganitong paraan ay ma-aaddress ng maayos ang sitwasyon, ganoon rin ang big emotions ng isang bata na nahihirapan pa siyang i-handle.

Masayang buhay may asawa at pamilya ni Bianca Gonzalez

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong apat na taong gulang na ang bansa ni Bianca, isa sa laging itinatanong sa kaniya ay kung masusundan pa ito. Lalo pa’t parehong babae ang mga anak niya at tila lalaking anak nalang ang kulang sa kanilang pamilya. Ito ang pananaw ni Bianca ukol sa tanong na ito.

“I am very happy with 2 kids I don’t feel the need to have a 3rd. I considered myself so lucky to have 2 girls na and on the practical side sa mahal ng bilihin, ng school, ng lahat. Honestly, perfect na ang 2 for me.”

Ito ang masayang pagbabahagi ni Bianca, bagamat pag-amin niya ay naglalambing parin ang mister na si JC Intal na sumubok pa sila ng isa.

Pagbabahagi pa ni Bianca, napakaswerte niya sa mister na si JC Intal. Dahil maliban sa understanding ito ay very supportive rin ang mister niya sa mga hilig at gusto ni Bianca. Halimbawa na nga rito ay ang naging gift nito sa kaniyang 40th birthday. Si Bianca bumayahe pa-Bhutan ng mag-isa na kung ang travel expenses niya ay sinagot lahat ng mister niyang si JC.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Before I got married and got kids, mahilig talaga ako to travel alone. So sabi ko sa kaniya you know what parang I want to travel alone. I want to give myself a break. So sabi niya saan, sabi ko sa Bhutan. I want to give it to myself but my husband insisted that he will give it to me.”

“More than the monetary, its symbolic that like I have a partner who supports me with what I want to do for myself and who believed that I needed a break as well.”

Ito ang pahayag pa ni Bianca tungkol sa masaya niyang buhay may asawa at pamilya.

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement