X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Magulang ng biktima ng Ateneo bully, nagsalita na

4 min read

Matapos nga ang kanilang pananahimik ay nagbigay narin sa wakas ng pahayag ang mga magulang ng batang biktima ng Ateneo bully. Ayon nga sa kanilang statement, ang pananahimik sa naturang isyu kung saan binugbog ang kanilang anak ay napakahirap para sa isang magulang. Ngunit ito lang ang naisip nilang paraan para ma-protektahan ang kanilang minor na anak.

Ang kanilang panawagan sa publiko, imbis na kaawaan sana raw ay maging ehemplo ang kanilang anak ng isang bata na may good moral foundation. Ito raw ay dahil kahit nasaktan at nabugbog na pinili nitong huwag gantihan o labanan ang nanakit sa kaniya. Dahil ito sa mas pinili niya ang dignidad na may prinsipyo at nangibabaw ang moralidad nito.

Magualng ng biktima ng ateneo bully naglabas na ng kanilang pahayag. Naglabas na ng statement ang magulang ng biktima ng ateneo bully na naging viral sa social media kamakailan lang.

“Our son was asked by the bully to make a choice. From the bully’s own words, “Ano ang gusto mo dignidad o bugbog?, — but in the bully’s definition, choosing “dignidad” was a far more degrading option, one that would subject our son to inhumane treatment and abuse.

“Thus, our son chose his true sense of dignity – choosing instead to be subjected to physical assault rather than surrender his self-respect. And that is what we are fighting for. Our dignity.”

Pinili rin nila na huwag pangalanan ang kanilang anak upang ito ay hindi matandaan bilang “bullied boy from Ateneo.” Ayon parin sa kanilang statement, ang kanilang anak ay hindi lang ang kaawa-awang bata na nakita ng mga tao sa video.

Higit pa rito, siya ay isang bata na may takot sa Diyos at nag-aaral ng mabuti para makakuha ng magandang grades at maka-graduate. Kaya naman hindi raw karapat-dapat sa kanilang anak ang dinanas nitong pambubully sa kamay ng kapwa niya estudyante.

Ngunit magkagunpaman, hindi raw papayag ang magulang ng biktima ng Ateneo bully na maapektuhan ang kanilang anak sa nangyari sa kaniya. Sisiguraduhin daw nila na ang sugat mula sa marahas na karanasan na ito ay maghihilom. At lalaki at magpapatuloy ang kanilang anak na may moralidad at may maayos na pag-uugali.

Hinikayat din nila ang iba pang biktima ng bullying na huwag sumuko at magsalita para sa kanilang karapatan at higit sa lahat huwag isusuko ang kanilang dignidad kahit kanino man.

“Let every bully know that you may crush every single bone in his body, but you can never, no matter how frustrating you try, take away his dignity. Let every bully know that there is justice, and that crimes against the innocent will not prosper. Let every bully know that there is a God who favors the humble and the weak.

“Our family has gone through a lot this past week, but we never lost hope. With this I say to all the children who had been bullied, and to all the parents whose child had been pushed against the wall, “never give up!” Let your voices be heard. Let us not give up the very essence of our being. Our dignity.”

Sa huli ay pinasalamatan ng magulang ng biktima ng Ateneo bully ang mga taong nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanilang anak. Sa mga doktor na nag-alaga at gumamot sa mga sugat na natamo niya na naging kanilang lakas na tumayo at ipaglaban ang tama.

Matapos naman ang imbestigasyong isinagawa ng Ateneo de Manila University ay naglabas na ito ng isang desisyon nai-kickout ang estudyanteng nambully sa kanilang anak. Kaugnay ito sa isang statement sa kanilang school handbook na nagsasabing ang pakikipag-away at pananakit ay paglabag sa patakaran ng eskwelahan na maaring maging dahilan ng pagpapaalis rito.

Napagdesisyunan din ng Philippine Taekwondo Association na kinabibilangan ng nasabing bully na isang rin black belter sa taekwondo na i-ban ito. At nirekomendang dumaan ito sa counseling at rehabilitation.

Narito ang kabuoan ng statement ng magulang ng biktima ng Ateneo bully:

biktima ng ateneo bully
Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Photo from GMA News

Sources: Philstar, GMA News

Basahin: Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Magulang ng biktima ng Ateneo bully, nagsalita na
Share:
  • Ateneo bully: "Para sa akin, hindi bullying 'yong ginawa ko..."

    Ateneo bully: "Para sa akin, hindi bullying 'yong ginawa ko..."

  • Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

    Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Ateneo bully: "Para sa akin, hindi bullying 'yong ginawa ko..."

    Ateneo bully: "Para sa akin, hindi bullying 'yong ginawa ko..."

  • Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

    Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.