Blended learning in the Philippines
Marami ang naantig sa post ng isang netizen tungkol sa mag-ama na matiyagang nag-aaral sa ilalim ng poste. Ang shared post ay nakakuha ng libo-libong reactions.
Street sweeper na tatay, matiyagang tinuturuan ang mga anak sa ilalim ng poste ng ilaw
Mula sa paglilinis ng kalsada sa Quezon City, ang 54-year-old na si tatay Rolando Eugenio ay hindi pa rin agad-agad na napapagod kahit na turuan sa pag-aaral ang kaniyang tatlong anak.
Sa Facebok post ni Athan LuChero, dito niya ibinahabi na sobra siyang naantig sa nakita niyang scenario kay Tatay Rolando at mga anak nito.
“I was touched by my neighbor, isang amang street sweeper walang katuwang sa buhay ang nagtuturo sa kanyang anak. Nagtitiis sa ilaw lang ng street light para lang turuan ang kanyang anak sa kanyang module. Yes they don’t have electricity power yet they continue studying. That’s why I do believe that whatever ever your status in life is “Hindi hadlang ang kahirapan para hindi makapag tapos ng pag-aaral.”. There’s no excuses to gain knowledge!”
Ayon sa panayam ng 24 oras sa kaniya, 3,500 pesos lang ang kaniyang kinikita sa buong buwan bilang isang street sweeper. Kung hahatiin, halos 100 pesos sa isang araw ang kailangan nilang gastusin para mapagkasya ito at mapunan ang pang araw-araw na pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Blended learning in the Philippines | Image from Athan LuChero on Facebook
Si Tatay Rolando ay may tatlong anak na sina Roselyn, 10 years old, Mark 7 years old at Jeth na anim na taong gulang. Habang ang asawa naman nito ay namatay na.
Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, ang buong bansa ay nakasailalim sa blended learning para sa mga mag-aaral na nag-enroll ngayong school year 2020-2021. Aminado si Tatay Rolando na malaking pagsubok ito sa kaniya dahil wala silang kuryente at sa ilaw ng poste lang nila nagagawang turuan ang kaniyang mga anak.
“Ang ginagawa ko po sa araw, dinadala ko po sila sa may trabaho ko. Doon po sila nag-aaral online po. Tinutulungan po ako noong amo ko ng libre po. ‘Pag dating ng gabi, dito na kami, ganito po sitwasyon namin.”
May pagkakataon pa na umuutang sila sa kapitbahay para lang mairaos ang isang araw. “Napakahirap po. Kung minsan talagang inuutang ko sa kapitbahay ko makaraos lang ‘yong pang-araw-araw na pagkain nila,”
Ayon kay Tatay Rolando, wala silang kakayahan na mag pakabit ng kuryente pati na ang pagbili ng mga gadget para sa kanilang anak. Ngunit naniniwala si Tatay Rolando na hindi imposible ito kung may paraan at desidido ka.
Ibinahagi ni Tatay nahirapan siya sa pag-aaral dati. Kaya naman gusto niyang mabigyan ng magandang pag-aaral ang kaniyang mga anak ngayon.
“Kailangan po ‘yon dahil pagdating ng araw na lumaki na sila, hindi sila gaano hirap sa pamumuhay nila ‘di katulad ko, umabot po ako ng high school. Para ‘pag lumaki po sila, may pinag-aralan sila.”
Pagdating sa pangarap ng kaniyang mga anak, ang panganay niyang si Roselyn ay gustong maging guro habang si Mark ay pulis.
Hindi naman nakalimutang magbigay ng tulong ang mga good samaritan.
Blended learning in the Philippines | Image from Athan LuChero on Facebook
School year 2020-2021
Ayon kay Secretary Briones, maaaring pumunta mismo sa school ang estudyante o kaya naman via online ang pag-aaral. Ang pagpasok ng estudyante ay nakabase sa magiging desisyon ng government task force bawat lugar. Ang mode of learning na ito ay tinatawag na “Blended Learning.”
Nakapaloob sa blended learning ang pagbibigay ng printed o digital study modules na ihahatid mismo sa mga estudyante, ito’ y ang Modular Learning. Maaari rin naman kuhain ito ng mga magulang ng bata sa designated place na itatalaga ng paaralan. Isa pang uri ng learning ngayon ay ang online learning kasama na ang TV at radio.
DepEd’s Modular Learning: Mga dapat paghandaan at tandaan
Unang inanunsyo sa publiko na ang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021 ay sa August 24 ngunit ito ay inilipat din ngayong October 5. May ibang paaralan naman ang nagsimula na at ito nga ang tinatawag na online o distance learning.
Sa mga uri ng learning na ito, mahigpit na ipinagbabawal muna ang face-to-face o pisikal na pagpunta ng mga estudyante para mag-aral sa paaralan. Sa ibang paaralan, sila naman ay nasa ilalim ng module learning.
Libre ba ang printed module?
Ayon sa Department of Education, ang printed module materials ay libre o walang bayad at hindi na kailangang bumili pa ng gadgets na isang pangunahing problema ng karamihan.
Blended learning in the Philippines | Image from Freepik
Paano makukuha ang printed module?
Ngayong taon, bibigyan ng kanilang guro ng SLM o printed module ang mga estudyante bawat quarter. Ang printed module na ito ay hatid ng DepEd at kailangang ibigay sa mga magulang ng estudyante bago magsimula ang klase. Kung bigo namang kuhain ito mismo sa paaralan, maaari itong makuha sa mga naitalagang barangay. Ang distribution na ito ay apat na beses mangyayari.
Paano kapag tapos nang sagutan ng anak ko ang module?
Pagkatapos sagutan ng iyong anak ang mga module na ito, ang mga magulang nila’y dadalhin ito sa paaralan at ibibigay sa kanilang guro o designated pick up point. Pagkatapos nito, ang mga estudyante ay sasailalim sa summative exercises o performance task ng paaalan.
Nasa tinatayang 13 million na public school students ang gagamit ng printed module, ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.
Bukod dito, magsasagawa ng 14 episode na webinar ang Department of Education para sa magulang ng mga estudyante. Ito ay may temang “Isulong! Karapatan ng Bata sa Panahon ng COVID-19” na mangyayari sa buong buwan ng September hanggang unang linggo ng October.
Source:
GMA News Online
BASAHIN:
Guro, aksidenteng na-send ang porn video imbes na assignment sa mga estudyante
Heart Evangelista, nag-umpisa ng mamigay ng libreng tablet sa mga nangangailangan na estudyante
Parents’ Guide: Tips sa pag-intindi at pagturo ng learning modules sa mga bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!