Boss Keng sa panganganak ng misis na si Pat sa kanilang first baby: “Hirap pala magbuntis, naawa ako sayo.”

Pat halos isang araw naglabor sa first baby nila ni Boss Keng.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Team Payaman members na sina Boss Keng at Pat Velasquez ibinahagi na sa kanilang vlog ang birth story ng kanilang baby.

Mababasa dito ang sumusunod:

Team Payaman members Boss Keng and Pat Velasquez baby birth story

Larawan mula sa Facebook account ni Pat Velasquez-Gaspar

Nitong nakaraang linggo ay ibinahagi ni Pat Velasquez sa kaniyang Instagram account na naglelabor na siya sa unang anak nila ni Boss Keng o Exekiel Christian Gaspar sa tunay niyang pangalan. Kinabukasan ay nag-share na si Vien Iligan ng mga larawan na naipanganak na ni Pat ang panganay nila ni Boss Keng. Ito ay tinawag nilang si Isla Boy na ayon kay Vien ay little Keng umano ang itsura. Habang sila Pat at Keng ay hindi parin ini-reveal sa publiko ang mukha at kuwento ng panganganak ni Pat.

Hanggang nitong Sabado, sa pamamagitan ng kanilang YouTube vlog ay ibinahagi ni Boss Keng at Pat ang birth story ng kanilang anak. Dito rin nila ini-reveal ang mukha at buong pangalan nito na Isla Patriel Velasquez Gaspar na ipinanganak noong July 8, bandang ala-una ng hapon.

Boss Keng sa panganganak ng misis na si Pat Velasquez

Larawan mula sa Facebook account ni Pat Velasquez-Gaspar

Base sa kuwento ni Pat sa kanilang vlog ay dapat check-up lang ang ipinunta nila ni Keng sa ospital. Pero dahil 4cm na siya ay pinayuhan na siya ng doktor na magpa-admit na.

Si Pat tulad ng maraming first time moms ay nahirapan sa panganganak. Sa katunayan ay kinailangan niya pang i-induce para mag-dilate pa ng husto ang cervix niya. Kung hindi nga naire ng maayos ni Pat ang kanilang baby ay muntik na siyang ma-cesarean dahil bumaba na ang heart rate nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Keng hindi nawala sa tabi ni Pat habang ito ay nanganganak. Dahil sa nasaksihang hirap ng asawa, ito ang mensahe ni Boss Keng sa kaniyang misis.

"Hirap pala magbuntis, naawa ako sayo."

Ito ang maririnig na sabi ni Boss Keng sa kanilang vlog. Habang sa kaniyang Facebook account ay ito naman ang appreciation post niya sa kaniyang misis na si Pat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Sobrang napabilib mo ko nung naglalabor ka, lalo na nung umiire ka."

"Mahal na mahal ko kayo ni Isla, Pat Velasquez - Gaspar"

Sa ngayon, very happy ang mag-asawa sa pagdating ni Baby Isla.

“Welcome to our lives, Isla. ?”

“After 23 hours of labor & 1 hour of pushing nandito ka na. Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay namin ng daddy mo anak. I love you, Aking Isla.”

Ito ang mensahe naman ni Pat para sa kaniyang baby boy.

Larawan mula sa Facebook account ni Pat Velasquez-Gaspar

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement