Ilang beses dapat dumede ang sanggol? Paano nga ba ang tamang paraan ng pagpapasuso?
Parang simple lang ang mga katanungang ito. Ngunit para sa maraming ina, lalo na sa mga first-time moms, ito ay isang malaking hamon.
Ang breastfeeding ay natural, pero hindi ibig sabihin ay madali ito sa simula. Kailangan ng practice, support, at tamang impormasyon para magtagumpay dito. Kung ikaw ay bagong panganak o nagbabalak magpadede ng iyong baby, narito ang step-by-step breastfeeding guide mula sa tamang posisyon hanggang sa feeding frequency.
Step-by-Step Breastfeeding Guide
Breastfeeding Guide: Step-by-Step na Paraan ng Pagpapasuso
Step 1: Humanap ng Komportableng Posisyon
Ang pagpapasuso ay maaaring tumagal ng 20-40 minuto, kaya mahalaga ang tamang upuan at posisyon. Puwede kang sumubok ng:
-
Cradle hold: Baby ay nakahele sa braso mo.
-
Football hold: Magandang option para sa mga CS moms. Parang hawak mo ang football sa gilid.
-
Side-lying position: Para sa mga gustong magpahinga habang nagpapasuso.
Pro tip: Suportahan ang likod, braso, at ulo gamit ang unan para iwas sakit at para mas maging relaxed si baby.
Step 2: Siguraduhing Tama ang Latch
Ang tamang latch ang susi para sa successful breastfeeding. Narito kung paano:
-
Iposisyon ang baby nang nakaharap sa iyo, tiyan sa tiyan.
-
Igalaw ang ulo ng baby papalapit sa nipple.
-
Dapat maisubo niya hindi lang ang nipple kundi pati ang 1–1.5 inches ng areola.
-
Makikita mong nakalapat ang ilong at baba niya sa iyong suso, at maririnig ang suck-swallow-breath pattern.
Paalala: Kung masakit o tila hindi kumukuha ng gatas si baby, baka mali ang latch. Subukang muli hanggang tama ito.
Step 3: Gaano Kadalas Dapat Dumede ang Sanggol?
Isa ito sa pinaka-importanteng tanong ng mga magulang: Ilang beses dapat dumede ang sanggol sa isang araw?
-
Newborns: Karaniwang 8–12 beses sa loob ng 24 oras, o tuwing 2–3 oras.
-
On-demand feeding ang pinaka-inairerekomenda—ibig sabihin, padedehin si baby kapag siya ay nagpapakita ng signs ng gutom tulad ng:
Gaano katagal dapat magpadede? Maaaring 20–30 minuto bawat session. Pakiramdaman kung tapos na si baby sa isang suso bago i-offer ang kabila.
Step 4: Paano Malalaman Kung Sapat ang Gatas?
Hindi mo man nasusukat, may mga palatandaan na sapat ang nakukuhang gatas ni baby:
-
Masigla at alerto si baby kapag gising.
-
Tumataas ang timbang – Karaniwang nadadagdagan ng 150–200 grams kada linggo sa unang buwan.
-
Kalma at kontento si baby pagkatapos ng feeding.
Kung may duda, laging magandang kumonsulta sa iyong pediatrician o lactation consultant.
Step 5: Tips Para Maiwasan ang Sakit at Pamamaga
Ang sore nipples at engorged breasts ay karaniwan pero pwedeng maiwasan:
-
Gumamit ng nursing pads para sa leaking milk.
-
Iwasan ang sobrang paliligo o scented soaps. Mas nakakadry ito ng nipples.
-
Mag-apply ng lanolin-based nipple cream kung may crack o hapdi.
-
Para sa pamamaga, mag-warm compress bago magpadede, at cold compress pagkatapos.
-
Magpump o mag-express ng gatas kung hindi pa gutom si baby para hindi masaktan ang suso.
Step 6: Alagaan si Nanay Habang Nagpapasuso
Ang kalusugan ni mommy ay kasinghalaga ng kalusugan ni baby:
-
Uminom ng maraming tubig. Targetin ang 8 hanggang 12 baso sa isang araw.
-
Kumain ng nutrient-rich foods. Isama ang gulay, whole grains, at protein.
-
Iwasan ang caffeine, alak, at sigarilyo.
-
Matulog kung kailan natutulog si baby. Ang pahinga ay mahalaga rin sa milk production.
Ilang Beses Dapat Dumede ang Sanggol?
|
Edad ng Baby |
Gaano Kadalas Dapat Dumede |
0-1 buwan |
8 to 12 beses kada 24 hours |
1-2 buwan |
7 to 9 beses |
2-4 buwan |
6 to 8 beses |
4-6 buwan |
5 to 6 beses |
Note: Ang bilang na ito ay guide lamang. Pinakamabuting sundin ang hunger cues ni baby.
Breastfeeding Is a Journey, Not a Race
Breastfeeding Guide: Step-by-Step na Paraan ng Pagpapasuso
Walang iisang tamang paraan ng breastfeeding. Bawat ina at sanggol ay may kanya-kanyang paraan. Huwag ma-pressure kung hindi agad perfect ang latch, kung mababa pa ang milk supply, o kung kailangan mong gumamit ng supplement sa simula. Ang pagpapasuso ay isang proseso na natututunan sa tulong ng practice, pasensya, at suporta.
Sa tamang impormasyon at gabay, makakaya mong lagpasan ang journey na ito. At kung may alinlangan o tanong, huwag mag-atubiling kumonsulta sa iyong pediatrician o lactation expert. Nandiyan sila para tumulong sa iyo, mommy.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!