Breastmilk at COVID-19: Breastmilk, maari nga bang gamiting panlaban sa COVID-19? Narito ang mga pahayag ng mga eksperto.
Breastmilk at COVID-19: Posible nga bang maging lunas ang gatas ng ina sa sakit?
Patuloy ang pagkalat ng sakit na COVID-19 sa mundo. Sa katunayan, sa kasalukuyan, mayroon ng naitalang 2,387,502 na tao ang positibo rito, habang 164,194 ang naitalang nasawi dahil sa sakit. Kaya naman maliban sa ipinatutupad na lockdown at social distancing guidelines, ay patuloy rin ang paghahanap ng posibleng magiging lunas o di kaya naman ay panlaban sa sakit na ito.
Isa nga sa usap-usapan na maaring gamiting panlaban sa COVID-19 ay ang breastmilk. Ito ay dahil sa taglay nitong antibodies na napatunayan namang malaki ang naitutulong upang palakasin ang mga bagong silang na sanggol.
“There are a bunch of other things in there that are those magic components that do more than help the infant grow. They really protect the infant and the mother as well from multiple different diseases, from certain pathogens, from bacteria, and from viruses as well, and that’s really where the story starts, why we’re so interested in this topic when we come to coronavirus.”
Ito ang pahayag ni Lars Bode. Siya ay director ng Larsson-Rosenquist Foundation Mother-Milk-Infant Center of Research Excellence sa University of California. At naniniwala siya na may posibilidad na ang antiviral components na taglay ng breastmilk ay hindi lang para sa mga sanggol. Posible rin umanong makatulong ito na ma-protektahan ang mga adults laban sa sakit. Kaya naman upang mapatunayan ito ay kasalukuyang nagsasagawa ng research si Bode upang makita ang kaugnayan ng breastmilk at COVID-19.
May posibilidad pero hindi sa pamamagitan ng bastang pag-inom nito.
Tulad niya ay ganito rin ang paniniwala ni Rebecca Powell. Siya ay isang human milk immunologist at assistant professor sa Icahn School of Medicine sa Mount Sinai, New York City. Sa kasulukuyan ay pinag-aaralan rin ni Powell ang posibleng koneksyon ng breastmilk at COVID-19. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-kolekta ng breastmilk samples mula sa mga inang malusog, positibo sa virus at sa mataas ang posibilidad na mahawa mula sa sakit. Nais niyang makita kung maari nga bang gamitin ang antibodies mula sa breastmilk sa pagtulong sa recovery ng mga COVID-19 patients. Tulad ng ginagawang magic ng mga antibodies mula sa dugo ng mga taong gumaling na sa sakit.
“You can take it one step further because you can ask the question, ‘Well, if we find that there’s really potent antibodies in the milk, can those be used therapeutically in a way that Mt. Sinai and other hospitals are now using convalescent plasma — to treat those who are really ill?”, pahayag ni Powell.
Dagdag pa niya, hindi lang basta gatas na iinumin ang pinupunto niya rito. Iniisip niya na tulad ng ginagawa sa convalescent plasma therapy ay maari ring kunin ang antibodies sa mga breastmilk. Saka ito i-pupurify at i-tatransfuse sa taong infected ng sakit.
“We’re talking about purified antibodies from the milk which is different than just saying ‘go drink some breast milk.”
“If this were a treatment, the patients would not be drinking it. We’re going to use the antibodies probably for systemic administration, like an IV.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Powell.
Ngunit ito ay hindi pa napapatunayan.
Pero paglilinaw ni Dr. Dyan Hes, isang pediatrician mula sa Gramercy Pediatrics sa New York City, hanggang ngayon ay hindi pa napapatunayan kung maari nga bang gamitin ang breastmilk bilang gamot o panlaban sa COVID-19. Kaya naman hindi dapat magkagulo ang mga tao sa pagbili nito. At ang mga pahayag ng mga naunang eksperto ay hypothetical palang at kailangan pang masusing pag-aralan.
“There’s no proof that breast milk at all can cure COVID or give you antibodies. There’s no data that I know of that has been published yet about it.”
Ito ang pahayag ni Hes. Dagdag pa niya, kaysa bumili ng breastmilk mas mabuting uminom nalang ng vitamin C at zinc na siguradong magpapalakas ng resistensya ng isang tao mula sa sakit.
“There’s no proof of that yet, this is all hypothetical. Breastmilk would be the lowest thing on my list. I think you can take some vitamin C and zinc if you want to, but do not buy breast milk to prevent COVID. That is not going to help you.”
Pero paalaala niya, dapat paring magpatuloy magpasuso ng kanilang sanggol ang mga ina. Kahit na ang mga na-kumpirmang positibo sa sakit. Dahil ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ng CDC, ay hindi makikita ang virus sa breastmilk. Kaya naman safe parin itong ibigay sa mga sanggol. Basta siguraduhin lang na susunod sa precautionary measures sa pagpapasuso. Tulad ng pagsusuot ng mask at gloves sa tuwing gagawin ito. O pagsisiguro na malinis ang mga gagamiting pumping materials upang makapag-imbak ng gatas na ibibigay sa sanggol.
Source:
Pop Sugar, CBS News, Vice
Basahin:
STUDY: Nakakatulong ba ang aircon sa pagkalat ng COVID-19?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!