Pasko, kaarawan, binyag, at iba pa. Sa buhay ng mga Pinoy, maraming mga salu-salo at fiesta na nagaganap. Ito ay dahil gustong-gusto ng mga tao na magsaya at mag-enjoy. Siyempre isa na sa mga pagkaing hindi mawawala sa mga pagsasalong ito ay ang paborito ng lahat, ang Buko Salad, alamin ang recipe nito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sangkap sa paggawa ng Buko Salad
- Paraan ng paggawa ng Buko Salad
Buko Salad, paboritong dessert ng mga Pinoy
Totoong mahilig ang mga Pinoy sa matatamis, kaya naman marami tayong matatamis na pagkain sa bansa. Isa na sa mga paborito at lagi nating nakikita sa mga handaan at selebrasyon ay ang Buko Salad. Ang Buko Salad ay gawa sa prutas at cream o gatas.
Kung tutuusin marami kang magagawang dessert gamit ang Buko, marami kasi nito sa bansa. Sapagkat maraming puno ng niyog o buko sa bansa kaya naman hindi nakakapagtaka na marami tayong mga pagkain na mayroong sangkap ng buko. Katulad na lamang ng buko pandan, buko ice cream, at isinasama rin ito sa iba’t ibang uri ng kakanin. Ang sabaw naman ng buko ay maaaring ihalo sa ulam katulad ng nilaga upang mas maging malinamnam pa ito. Kapag ang buko ay tumagal na ay magiging niyog na ito. Marami ring gamit ang gatas ng niyog, lalo na sa mga kakanin.
Subalit alamin natin kung ano ang recipe ng Buko Salad, madaling-madali lamang ito. Basta tama ang timpla at paghahalo ng mga sangkap tiyak na magugustuhan ito ng buong pamilya at inyong mga kaibigan.
Bawat pamilya ay may sariling diskarte at recipe para gumawa ng Buko Salad. Madaming iba’t ibang klase at ingredients na pwede niyong ilagay sa sariling Buko Salad ninyo kagaya ng pineapple chunks, Kaong o kahit keso nga rin! Pero kung nasisilbing basic Buko Salad recipe ang hanap niyo, ibookmark niyo na ang Buko Salad recipe na ito!
BASAHIN:
Ginataang mais recipe: Ang perfect pang-breakfast o meryenda ng buong pamilya!
Crispy Pata Recipe: Ang crunchy crispy pork knuckle na love ng mga Pinoy!
Buko Salad Recipe
*para sa 4 na tao ang recipe na ito
Mga sangkap sa paggawa ng Buko Salad:
- 3 piraso ng Buko
- 1 garapon ng kaong (optional ito)
- 2 lata ng 432 grams Fruit Cocktail
- 1 garapon ng Nata de Coco (optional ito)
- 2 pack ng All-purpose Cream (maaaring maiakma ang tamis depende sa iyong kagustuhan)
- 3 Tbsp ng Condensed Milk (maaaring maiakma ang tamis depende sa iyong kagustuhan)
Proseso sa paggawa ng Buko Salad recipe:
1. Kapag bumibili ng buko, siguraduhin ninyo na tamang klase ito para malambot at masarap ang coconut meat nito. Kung masyadong matanda na ang buko, matigas na ang coconut meat nito. Subalit kung masyadong bata naman, wala ka masyadong mahahanap na coconut meat at hindi ito sasapat para sa iyong Buko Salad. Hiwain ang Buko sa kalahati at i-scrape ang coconut meat nito. Pagkatapos, hiwain mo ang buko sa maliliit na strips. Itabi at i-save ang Buko Juice para sa pag-inom (hindi mo ito gagamitin sa Buko salad recipe).
2. Patuyuin ang Fruit Cocktail at Nata de Coco sa magkakahiwalay na bowls. Pwede ka ring gumamit ng paborito niyong prutas kagaya ng mansanas, pinya at iba pa. Pero kung gipit ka sa oras, pwede kang gumamit ng fruit cocktail din. Sa Nata de Coco naman, pwede mong gamitin ‘yung puting Nata de Coco at Kaong pero kung gusto niyo na makulay siya, pwede rin niyong bilhin iyan.
3. Sa isang maliit na mangkok, paghaluin ang iyong All-purpose Cream at Condensed Milk. Kung masyadong matamis, magdagdag ng higit pang Cream. Kung ito’y masyadong matabang naman, magdagdag ng higit pang Condensed Milk. Ang lasa ng cream mixture ay depende sa kung gaano katamis nimyo gusto ang inyong Buko Salad.
4. Pagsamahin ang iyong Buko strips, Fruit Cocktail, at Nata de Coco sa isang malaking mangkok. Ibuhos ang halo ng cream at maingat na tiklopin hanggang sa maipahiran ng cream ang lahat. Huwag ihalo nang masyadong malakas kasi baka maaari mong i-pisa ang mga prutas.
5. Ilagay ito sa ref ng magdamag upang lumamig ito. Masarap itong i-serve ng malamig pa.
6. Ilatag sa mga maliliit na tasa at i-serve. Enjoy!