Bagaman bihirang mangyari, may mga panahon na sadyang lumalamig ang temperatura sa bansa. At hindi pa kapag masarap at malamig ang simoy ng hangin ay napapahanap ka ng mga comfort food? Isa na rito ang paborito nating mga Pinoy na lutuin, ang bulalo recipe!
Pinoy comfort food
May kakaibang ginhawa na naibibigay ang mainit na sabaw. Ang isang mahusay na sabaw ay masarap at malasa. Dahil na rin ito sa mabagal na pagluluto kung saan pinapakuluan ito nang ilang oras. Gamit ang mahinang apoy, humahalo ang lasa ng karne at sangkap sa sabaw.
At ano pa nga ba ang isa sa mga pinakamasarap na sabaw kundi ang malinamnam na sabaw ng bulalo!
Ito ay isang espesyal na uri ng “nilaga” na gumagamit ng beef shanks, imbis na baboy o manok. Gamit ang mga beef shanks at bone marrow (utak), ang bulalo ay niluluto nang mahabang panahon. Pinapakuluan ito hanggang sa matunaw ang collagen sa sabaw upang maging masarap.
Bukod sa beef shanks, ang mga gulay tulad ng pechay at mais ay idinagdag sa sabaw upang mas mapunan ito. Ang ilan ay nagdagdag pa ng mga patatas at carrots!
Bulalo origin
Ang bulalo ay isang katutubong ulam mula sa Southern Luzon, partikular sa Batangas at Cavite. Bone marrow lang ang ginagamit na karne para sa bulalo dito at walang halong ibang parte.
Gayunpaman, maraming bahagi ng bansa tulad ng Visayas at Mindanao ang gumawa ng kanilang sariling bersyon ng bulalo.
Halimbawa, ang bersyon ng Western Visayas, ay nagdaragdag ng “Kansi”, isang maasim na prutas. Habang ang bersyon ng Tausug—tinawag na “Tiyula Itum”—ay gumagamit ng “palapa” o inihaw na niyog na may mga halamang pampalasa at pampalasa na nagpapaitim sa kanilang bulalo.
Ang bulalo ay karaniwang maaaring ipares sa kanin, iba pang ulam, o kahit tinapay. Ngunit puwede mo ring i-enjoy ang bulalo bilang sabaw.
Kahit paano mo kakainin ang iyong bulalo, lahat tayo ay maaaring sumang-ayon na ito ay masarap ulamin, ano man ang panahon.
Halaan soup o tinolang halaan swak sa mga breastfeeding moms pati na rin sa buong pamilya
Chicken Sopas Recipe: Ang all-time favorite noodle soup ng pamilyang Pilipino
Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!
Bulalo Recipe
Madaling magluto ng bulalo gamit ang tamang sangkap. Kailangan mo lang na maging mapagpasensya at hayaan itong maluto nang matagal para maging malasa.
Ngunit kung nagmamadali ka, maaari mo rin itong lutuin sa isang pressure cooker. Kung mahigit tatlong oras ang kailangan para i-simmer sa low fire, mangangalahati naman ang cooking time nito kung gamitan ng pressure cooker.
*Pang apat na katao ang recipe na ito
Mga sangkap:
- 1 kilo ng mga beef shanks na may buto pa
- tubig
- 1 white onions
- 2 at ½ tablespoon ng patis
- 2 tsp ng buong paminta
- 1 pechay na pinaghiwalay ang mga dahon
- 2 pirasong mais
- 1 dahon ng sibuyas
- asin
- paminta
- calamansi (optional)
Paano lutuin ang bulalo recipe:
- Una, kailangan nating “linisin” ang baka upang hindi ito malansa. Sa isang malaking kaserola, ilagay ang beef shanks. Ibuhos ang sapat na tubig upang takpan ito at pakuluan ito ng halos 10 minuto. Alisin ang scum at langis na naipon sa itaas.
- Ihango ang karne sa tubig. Itapon ang pinaglagaan.
- Ihanda ang mga gulay. Balatan ang sibuyas at hiwain ng 1/4. Balatan ang mais at hiwain ng tatlong piraso. Hiwain rin ang pechay ng pira-piraso. Tadtarin ang dahon ng sibuyas. Itabi ang mga gulay.
- Ibalik ang karne sa caserola. Lagyan ito ng sapat na tubig. Pakuluan ito.
- Tanggalin ang mga lumulutang na scum sa sabaw.
- Kapag clear na ang sabaw, tsaka ilagay ang paminta, sibuyas at patis.
- Ilagay ito sa low heat. Hayaan itong kumulo nang hanggang tatlong oras o hanggang lumambot ang karne. Kung gumagamit naman ng pressure cooker, pakuluan ito ng 45 minuto hanggang isang oras.
- Idagdag ang mais at pakuluan ng 15 hanggang 20 minuto, hanggang lumambot ito.
- Timplahan ng asin.
- Idagdag ang pechay. Patayin ang apoy matapos ang 2-3 minuto.
- Serve while hot! Maaaring maglagay ng patis o calamansi bilang sawsawan.
Source: Felice Prudente Sta. Maria and Bryan Koh. 2019. Kain Na. Manila, Philippines: RPD Publications.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!