Lalaki nakakuha ng 32-feet na bulate kaniyang puwit matapos dumumi

Narito ang mga paraan kung paano malulunasan at maiiwasan ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan

Pagkakaroon ng bulate sa tiyan ng matanda, ano nga ba ang palatandaan? At ano ang mga paraan upang ito ay malunasan at maiwasan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Lalaki nakakuha ng 32-feet na bulate kaniyang puwit matapos dumumi
  • Bulate sa tiyan ng matanda o bata
  • Sintomas ng pagkakaroon ng bulate sa tiyan ng bata o matanda
  • Lunas sa bulate sa tiyan ng matanda o bata

Lalaki nakakuha ng 32-feet na bulate kaniyang puwit matapos dumumi

Image from Facebook

Isang 44-anyos na lalaki mula Thailand ang nakakita ng isang bagay na hindi niya inaasahan matapos dumumi. Ang akala niyang naiwang dumi sa kaniyang puwit ay isang bulate pala na buhay at may habang humigit kumulang 32 feet.

Kwento ng lalaking pinangalanang si Ratprachoom, katatapos niya lang ihatid sa eskwelahan ang kaniyang anak ng maramdaman niyang kailangan niyang dumumi.

Matapos ngang magbawas ay naramdaman niyang para umanong may naiwan pang dumi sa kaniyang puwitan. Kaya naman kaniya itong tiningnan.

“I had just finished dropping my child off at school and ran some errands when I had to go (for a) number two. Afterwards, I felt like I wasn’t finished defecating, like something was left. So I got up to see what it was. Turns out there was something sticking out of my bottom.”

Ito ang pagkukwento ni Ratprachoom sa isang panayam.

Doon niya nakita ang isang kulay puting bagay.

Image from Facebook

Noong una ay inakala niyang isa itong sinulid lalo pa’t isang lingo palang ang nakakalipas ay dumaan siya sa isang appendix surgery. Nagulat nalang siya ng kaniya ng tatanggalin ito. Dahil ito daw ay sticky at stretchy. At higit sa lahat ay napakahaba nito na sa kaniyang tantiya ay humigit kumulang 32 feet ang sukat.

Nang tingnang masusi ni Ratprachoom na-realize niyang isa pala itong buhay na bulate na hindi niya alam kung paano pumasok sa kaniyang tiyan.

Bulate sa tiyan ng matanda o bata

Ayon sa Healthline, ang mga bulate na naninirahan sa tiyan ng tao ay nahahati sa dalawang uri. Ito ay ang flatworms na kinabibilangan ng flatworms at flukes. At mga roundworms na kinabibilangan ng mga ascariasis, pinworm at hookworm.

Ang madalas nga daw na nakaka-infect sa mga tao ayon sa WHO ay ang mga roundworm, whipworm at hookworm. Ito ang mga uri ng bulate na maaring maikalat sa pamamagitan ng mga dumi ng tao sa mga lugar na walang proper sanitation.

Maliban dito,ang mga bulateng ito ay maaring makuha sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:

  • Pagkain ng undercooked na karne ng hayop na infected ng bulate
  • Pag-inom ng contaminated na tubig
  • Poor hygiene

BASAHIN:

Bulate sa tiyan ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para dito

Paano nga ba maiiwasan ang bulate sa tiyan ng mga bata?

Sangkatutak na bulate, natagpuan sa tiyan ng 4-anyos

Sintomas ng pagkakaroon ng bulate sa tiyan ng bata o matanda

Samantala ang mga palatandaan ng pagkakaroon ng bulate sa tiyan ng matanda o bata ay nagkakapareho. Ito ay ang sumusunod:

  1. Diarrhea o pagtatae
  2. General malaise o discomfort
  3. Panghihina
  4. Pagsusuka
  5. Bloating o gas sa tiyan
  6. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang

Kung makakaranas ng mga sumusunod na sintomas ay mabuting magpakonsulta na agad sa doktor. Ito ay upang ikaw ay matingnan at sumailalim sa mga test para malaman kung infected ka nga ba ng parasite na ito.

Lalo pa’t kung makakaranas ka ng sumusunod pang sintomas:

  1. Dugo o nana sa iyong dumi
  2. Madalas na pagsusuka
  3. May mataas na body temperature
  4. Labis na pagkapagod
  5. Pagiging dehydrated

Lunas sa bulate sa tiyan ng matanda o bata

Ang lunas sa bulate sa tiyan ng matanda o bata ay nakadepende sa lala ng infection na mayroon sila. Tulad nalang sa mga tapeworms na kusang nawawala kung malakas ang immune system ng isang tao. Ngunit, kung hindi, ito ay malulunasan ng oral medication tulad ng praziquantel (Biltricide), na nagpaparalyze sa adult tapeworm. At saka ito tinatanggal sa pagkakadikit sa tiyan upang mailabas sa katawan kasama ng dumi.

Para sa mga roundworms naman ang gamot ay mebendazole (Vermox, Emverm) at albendazole (Albenza).

Matapos uminom ng mga nasabing gamot na may preskripsyon ng doktor ay bumubuti ang lagay ng taong infected ng bulate sa loob ng ilang lingo. Ngunit, kung ang bulate sa tiyan ng matanda o bata ay hindi agad malulunasan, maari itong magdulot ng komplikasyon tulad ng chronic intestinal blood loss na maaring mauwi sa anemia.

Paano ito maiiwasan?

Ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan ng matanda o bata ay maaring maiwasan. Una sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Ugaliing gawin ito pagkatapos dumumi at bago kumain.

I-practice din dapat ang food safety o ang paghahanda ng pagkain sa tamang paraan. Tulad ng pagluluto sa mga karne ng hindi bababa sa temperature na 145°F (62.8°C) para sa whole cut ng karne. At 160°F (71°C) naman para sa ground meat at poultry products.

Bago lutuin makakatulong rin ang paglalagay sa isda o karne sa loob ng freezer ng hindi bababa sa loob ng 24 oras.

Siguraduhin ding nahuhugasan, nababalatan o naluluto ng maayos ang mga prutas o gulay na inihahain.

Sa oras na may nahulog na pagkain sa sahig, hugasan o initin ito. At higit sa lahat siguraduhing ang iyong iniinom na tubig ay malinis.

Source:

DailyMail UK, Khaosod, Healthline, WHO

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.