X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mag-ina, pinatay ng 12-anyos dahil sa halagang 100 piso

3 min read

Umamin sa pagpatay ng isang 3-buwang buntis na babae at ng kaniyang 4-taong gulang na anak ang isang, 12-anyos na binatilyo. Di umano’y pinatay sa saksak raw ng bata ang mag-ina, dahil lamang sa 100 piso.

Mag-ina, pinatay sa saksak ng 12-anyos

Ayon sa mga ulat, nangyari raw ang insidente sa Lubao, Pampanga noong nakaraang Sabado. Ninakawan raw ng 100 piso ng suspect ang 25-anyos na ginang, at nang mahuli ay minura raw ng ginang ang bata. Dahil dito, nagalit ang bata at pinatay ang ginang pati na ang kaniyang 4-taong gulang na anak.

Nakita ng mga imbestigador na mayroong mga tulo ng dugo mula sa likod bahay ng mga biktima, patungo sa bahay ng suspect. Bukod dito, mayroon rin daw nakakita sa bata na nagtapon ng isang malaking kutsilyo, at duguan ang damit. May mga sugat rin daw ang kamay ng bata.

Agad namang inamin ng bata ang krimen, nang magpunta siya kasama ng kaniyang mga magulang sa isang social worker. Naghihintay ngayon ang mga pulis kung dadalhin ba sa home for young offenders ang bata, o kung siya ay kakasuhan para sa nagawang krimen.

Bakit nangyayari ang ganitong mga krimen?

Lubhang nakakabahala sa mga magulang ang mga ganitong klaseng pangyayari. Bukod sa sarili nilang seguridad, ay walang kahit sinong magulang ang nanaisin na maging kriminal ang kanilang anak.

May ilang mga paliwanag kung bakit ito nangyayari sa mga bata. Ang isa ay dahil nae-expose sila sa karahasan na nakikita nila sa paligid. Posible rin na hindi nila naiintindihan ang epekto ng kanilang mga ginagawa sa ibang tao. Posible rin na inaabuso ang bata, at natututunan niya ang pananakit ng iba dahil siya mismo ay biktima rin.

Bagama’t hinding-hindi tama ang ginawang pagpatay ng batang suspect, hindi rin tama na siya lamang ang sisihin sa nagawang krimen. Ang mga ganitong pangyayari ay halo-halong pagkukulang ng mga magulang pati na rin ng lipunan.

Kaya mahalaga na maaga pa lamang ay ipaalam na ng mga magulang sa kanilang anak ang tama sa mali. Importante na bukod sa disiplina ay busugin ng mga magulang ng pagmamahal ang kanilang mga anak. Heto ang ilang mga dapat tandaan ng mga magulang:

  • Huwag saktan ang inyong mga anak. Itinuturo lang nito sa kanila na tama ang pananakit ng ibang tao.
  • Huwag silang i-expose sa mga bayolente o magugulong mga palabas.
  • Iwasan rin silang sigawan o gawing biktima ng verbal abuse.
  • Iwasan ang pag-aaway sa harap ng inyong anak.
  • Ipakita sa iyong anak na lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan.
  • Kung mayroong gawing kasalanan ang iyong anak, disiplinahin sila, ngunit huwag silang saktan o kaya sigawan.
  • Mahalaga rin na purihin ang iyong anak kapag mayroon silang ginagawang tama.

 

Source: Inquirer

Image by luciana_ferraz from Pixabay

Basahin: Ama, idinetalye kung paano niya pinatay ang buntis na asawa at dalawang anak

Partner Stories
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mag-ina, pinatay ng 12-anyos dahil sa halagang 100 piso
Share:
  • 12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games

    12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games

  • Buntis na ina pinatay sa harap ng kaniyang mga anak

    Buntis na ina pinatay sa harap ng kaniyang mga anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

    8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

  • 12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games

    12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games

  • Buntis na ina pinatay sa harap ng kaniyang mga anak

    Buntis na ina pinatay sa harap ng kaniyang mga anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

    8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko