LOOK: Candy Pangilinan proud kay Quentin na naka-graduate with awards!

Nagbahagi rin ng tips si Candy sa commencement exercise ng isang learning center.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Very happy and thankful si Candy Pangilinan sa bagong achievement ng kaniyang anak na si Quentin. Ito ay matapos itong maka-graduate at makakuha pa ng ilang awards sa paaralan.

Mababasa mo sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Graduation ng anak ni Candy Pangilinan na si Quentin
  • Tips ni Candy sa mga parents na may child with autism and ADHD

Graduation ng anak ni Candy Pangilinan na si Quentin

Larawan mula sa Instagram account ni Candy Pangilinan

Proud si Candy Pangilinan sa kaniyang anak na si Quentin, na naka-graduate sa Grade 10.

Sa Instagram post ng kilalang aktres, nagpasalamat siya sa bawat guro ni Quentin, na diagnosed na may ADHD at autism. Maging ang mga therapist at iba pang tumulong sa kanila ay pinasalamatan din ni Candy.

“Quentin graduates grade 10! Thank you to all our teachers from Grade 1 to present. Dami po kayo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinakita rin ni Candy Pangilinan ang mga nakuhang certificate ni Quentin sa Cradle Of Learners, Inc. Ilan sa mga awards na iginawad kay Quentin ay ang Enthusiastic Learner Award at Reading Rockstar Award.

Larawan mula sa Instagram account ni Candy Pangilinan

May heartfelt message din si Candy para sa kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Quentin have taught me more than I have taught him. Thank you Quentin. Congratulations!”

Pahabol pang hirit ni Candy Pangilinan, nasira daw ni Quentin ang kaniyang barong dahil sa sobrang enthusiastic sa graduation rites.

Samantala, marami namang celebrity friends ni Candy ang bumati para sa bagong accomplishment ni Quentin.

Carmina Villaroel: Congratulations Q. We are So proud of you. Good job!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nikki Valdez: Congratulations, Q!!!!! Also to you, Ate Candy!!! God is good!

Janice de Belen: Good gob Q and kends

Tips ni Candy sa mga parents na may child with autism and ADHD

Samantala, naging guest speaker din si Candy Pangilinan para sa commencement exercise ng Independent Living Learning Center. Doon niya binahagi ang ilang tips para sa mga katulad niyang parents ng mga child with autism at ADHD.

Sa YouTube channel ni Candy, kaniyang binahagi ang daily life struggles at journey niya bilang nanay ni Quentin. Hindi niya rin daw ma-pinpoint kung ano ang greatest challenge niya on being a mother.

“Actually, hindi ko na ho ma-pinpoint kung ano po ‘yung greatest challenge ko. Kasi I think everyday is a challenge, ano ba today ang mangyayari ‘cause everyday is a surprise. It could be a bad day, it could be a good day but i always say, tomorrow will be a better day.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“If today is not a good day, I think tomorrow will be a better day. If today nag-tantrums siya, nagwala, malamang may kinaing matamis. Alamin natin ano ba ang trigger, may matamis ba, meron bang hindi na-express, meron ba kayong nasabi, meron ba kayong napangako na hindi niyo nagawa? Because especially if the child is non-verbal.”

Kwento pa ni Candy, dati raw noong bata pa si Quentin ay madalas itong namamalo o nangangalmot. Lagi niyang sinasabi sa anak na ‘good hands’. Ito ay para malaman ni Quentin ang dapat niyang gawin. Paalala rin ni Candy na dapat maging pasensyosa at huwag silang pagalitan.

BASAHIN:

Candy Pangilinan sobrang nag-worry nang mawala ang kaniyang anak sa kanilang jogging

Aubrey Miles sa pagkakaroon ng anak na may autism: “Yes, it’s mental but not a problem.”

Hasna Cabral sa pagkakaroon ng 2 anak na may autism: “Walang halong kaplastikan, nagko-compare ako sa kids na iba.”

Sinabi rin ni Candy na palagay niya ay dapat munang maghilom ang mga magulang at tigilan na ang pagsisi sa kung kanino. Ika niya, yakapin ito at mag-move forward. Nagpaabot din ng pagbati si Candy dahil ika niya ay nasa right track ang mga magulang dahil sa katotohanang naroon sila at gustong malaman ang talent ng kanilang mga anak. 

“I think that is everyone’s dream, that is every parents dream to find out ano ba ang meron ang anak ko… Sabi nila, every child is different, truly. Every child is unique, every person is unique, not only a differently-abled person but every person is unique.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“And every person has a gift, and your child is no different from that. Your child has a gift, your child has a talent, we just have to find out what. At kasama ka sa journey na ‘yon.”

Larawan mula sa Instagram account ni Candy Pangilinan

Ayon kay Candy kapag ito ay nalaman, maging ang magulang ay makakaramdam ng fulfillment at happiness. Ibinahagi rin niya ang importansya ng buntong-hininga.

“Ngayon ko lang na-appreciate ang buntong-hininga. ‘Pag napapagod ako, ‘pag may nagwawala, pag sinasabi nila, Candy ba’t ang haba ng pasensiya mo. Gusto ko sabihin, masarap ho magbuntong-hininga – ibuntong hininga mo, you know why? It really helps because they don’t understand.”

Pagbabahagi pa ni Candy, kapag na-realize ng mga bata na nakakasakit sila ay mas nasasaktan sila dahil ‘di nila makontrol ang kanilang sarili. Ipinaalala niya ring dahil ito sa chemical imbalance sa utak, kung kaya marapat silang intindihin. 

Ibinahagi rin ni Candy na natutunan ngayong pandemya na kailangan natin ang isa’t isa at ito ang magpapadali sa ating buhay para maabot ang ating goal.

“The moment nawalan po kayo ng pag-asa, mawawalan po ng pag-asa ang anak ninyo. The moment nawalan po kayo ng pasensiya, mawawalan po ng pasensiya ang anak ninyo. So just continue the journey, life goes on, life will continue.”

“Your children will grow up, you will get old and they have to move forward – at ‘pag tumanda po sila panonoorin po natin sila at sasabihin natin “kaya na nila”. And that is the goal.”

Sinulat ni

Nichole Samson