Nakakasama ba sa baby ang paggamit ng cellphone habang buntis?

"Kaka-cellphone mo yan!" May epekto ba talaga ang paggamit ng cellphone habang buntis? Ating alamin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bahagi na ng ating buhay ang ating mga mobile phone at iba pang gadgets. Habang buntis man o hindi, siguradong importante sa iyo ang paggamit ng cellphone.

Pero mommy, alam mo ba na ang paggamit nito ay maaaring may masamang epekto sa baby mo? Alamin kung ano ang mga posibleng epekto ng paggamit ng cellphone habang buntis!

Sa panahon ngayon, may isang bagay na laging nakadikit sa ating katawan – ang ating mga cellphone.

Hindi natin maikakaila ang kahalagahan ng ating cellphone at iba pang gadgets tulad ng laptops at tablets sa ating buhay. Ginagamit natin ito sa trabaho, sa pag-aaral ng ating mga anak, sa pagkalap ng impormasyon, at ang pinakaimportante, para manatiling konektado sa ating mga mahal sa buhay.

Pero kung ikaw ay buntis, dapat mo ring isaalang-alang ang kapakanan ng isa pang nakakakabit sa iyo – ang iyong baby.

May mga pag-aaral kasing nagsasabi na may masamang epekto sa sanggol sa iyong sinapupunan ang madalas na paggamit ng cellphone habang buntis.

Paggamit ng cellphone habang buntis: ayon sa mga eksperto

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Epidemiology and Community Health ang exposure sa cellphone habang buntis. Kahit pagkatapos manganak ay maaaring magpataas ng posibilidad na ang bata ay magkaroon ng problema sa pag-uugali. Kabilang na dito ang hyperactivity, inattention o problema makibagay sa mga ibang bata.

Pero importanteng linawin na, may mga limitasyon ang pagsusuri ng paggamit ng cellphone habang buntis.

Ayon kay Leeka Kheifets, PhD isang propesor ng epidemiology sa UCLA; may mga teorya na, pero hindi pa napapatunayan ito dahil mababa ang exposure ng radiation sa fetus sa mga pag-aaral na isinagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya mahirap tukuyin kung paano naiimpluwensiyahan ng paggamit ng cellphone ang development ng sanggol.

Sa isa pang pag-aaral, sinasabing maaaring may kaugnayan ang paggamit ng cellphone sa low birth weight o maagang panganganak, pero wala pa ring sapat na data na makakapagpatunay nito.

Iba naman ang opinyon ng eksperto at manunulat na si Devra Davis

Pero ayon naman sa eksperto at manunulat na si Devra Davis, importanteng mag-ingat ang mga magulang sa panganib na dala ng radiation ng cellphone habang buntis.

Si Davis ang may akda ng librong Disconnect: The Truth about Cell Phone Radiation, What the Industry Has Done to Hide It, and How to Protect Your Family. Siya rin ang founder ng Environmental Health Trust, isang organisasyon na nagbibigay alam sa publiko ng mga iba’t ibang panganib sa paligid natin.

Babala ni Davis: dapat maging maingat ang mga buntis na hindi ma-expose sa anumang klase ng radiation. Hindi lamang sa mga cellphone. Sabi pa niya na may mga babala na nakasulat sa ibang cellphones na hindi ito puwede idikit sa tiyan ng buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, mas mainam na umano na magdoble ingat kahit na hindi pa lubusang nadidiskubre ng mga eksperto ang talagang mga panganib nito.

Tinanong din namin ang opinyon ni Dr. Patricia Kho, isang OB-gynecologist mula sa Makati Medical Center.

Aniya, wala pang pag-aaral ang nakakakumpirma na mayroong masamang epekto ang paggamit ng cellphone habang buntis.

“Walang study ang nagsasabi na ‘yung cellphone o laptop ay nakakasama sa pregnant. Hindi pa po kasi natin alam ano yung allowable limit of radiation that will harm us and the baby. Pero ‘di pa talaga tayo masyadong sure diyan.”

Paano ba nakakasama ang paggamit ng cellphone habang buntis?

Ang mga bagay na gumagamit ng wireless internet connection gaya ng cellphones, laptops o tablets ay nag-e-emit ng isang klase ng enerhiya na tinatawag na electromagnetic waves. Sa paggamit ng mga bagay na ito, nakakapasok ang radiation sa ating katawan.

Pero maaari mo ring makuha ang radiation mula sa ibang bagay, sa sikat ng araw, sa inyong microwave, X-ray, maging ang pagsakay sa eroplano. Hindi maiiwasan na makatanggap ang ating katawan ng radiation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit masyadong mataas ang halaga ng radiation. Maaari itong magdulot ng pagkasira ng tissue at DNA sa ating katawan, at sa ibang pagkakataon, maaring maging sanhi ng sakit na cancer.

Kaya hindi nirerekomenda sa mga buntis ang madalas na pagsasailalim sa X-ray. Sapagkat maaari itong magdulot ng masamang epekto sa iyong pinagbubuntis.

Subalit sa kaso ng mga cellphone, nag-e-emit ito ng non-ionizing radiation. Ibig sabihin ay mababa lang ang grado ng electromagnetic waves na nilalabas nito. Tulad ng nabanggit, wala pang pruweba na nakakasama sa buntis ang ma-expose sa ganitong level ng radiation.

Wala ring guidelines na inilabas ang The American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) tungkol sa paggamit ng cellphone habang buntis. Maging ang World Health Organization (WHO), wala ring naiulat na masamang epekto sa kalusugan ng paggamit ng cellphone.

Pero paano kung hindi ang mismong cellphone ang problema ngunit ang sobrang paggamit nito?

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Shanghai Jiao Tong University School of Medicine, sinasabi na maaaring makaapekto ang sobrang screen exposure o paggamit ng cellphone, laptop o tablets sa pagkakaroon ng respiratory allergies gaya ng asthma, halak at allergic rhinitis sa mga batang lalaki.

Subalit hindi naman ang cellphone ang mismong salarin dito kundi ang mga unhealthy habits ng mga ina. Gaya ng pagpupuyat, kakulangan sa ehersisyo at pagbababad sa harap ng screen o sobrang paggamit ng kanilang mga telepono.

Cellphone habang buntis – mga pwede mong gawin para maprotektahan ang iyong anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto sa puyat at cellphone habang buntis | Larawan mula sa Freepik

Ayon kay Doctor Patricia, may makakabuti kung lilimitahan mo ang paggamit ng iyong cellphone habang buntis. Para makaiwas na rin sa mga posibleng masamang epektong maidulot nito sa iyong sanggol.

Nirerekomenda niya ang paggawa ng ibang bagay para mabawasan ang paggamit ng cellphone.

“Para sigurado, huwag naman yung masyadong excessive, i-limit niyo (ang paggamit). May few studies kasi na nagsabing kapag masyadong nakadikit ang cellphone sa body mo baka merong miniature amount of radiation. Possibly it made lead to side effects. Huwag masyadong nakadikit sa cellphone o laptop. You can do other things like read a book. Gawa rin kayo ng ibang bagay.” 

Tandaan

Narito ang ilang bagay na dapat tandaan ng mga nanay para maprotektahan ang kanilang sanggol habang gumagamit sila ng cellphone:

  • Patayin ang cellphone kapag hindi naman masyado ginagamit dahil naglalabas pa din ito ng radiation kahit hindi mo hawak.
  • Kapag naiinip, ugaliing magbasa ng libro, mag-drawing, o kahit anong gawain na hindi nangangailangan ng gadgets. Pwede kang maglakad-lakad sa iyong bahay para madagdagan ang iyong ehersisyo.
  • Huwag ilagay ang cellphone sa ilalim ng iyong unan kapag natutulog. Ipatong mo na lang ito sa tabi ng iyong kama.
  • Ugaliing gumamit ng headset o earphones para mailayo ang cellphone sa iyong katawan.
  • Huwag ilagay sa damit (sa bulsa o bra) ang iyong cellphone para mabawasan ang radiation.
  • Iwasan ang magpuyat dahil sa pagbababad sa iyong cellphone.
  • Huwag gumamit ng cellphone kapag nagmamaneho o kaya naglalakad para makaiwas sa mga aksidente.
  • Gumamit ng landline sa bahay o opisina.
  • Huwag na huwag mong ilalagay o ipapatong ang iyong telepono sa iyong tiyan.

Bagamat hindi napatunayan na may masamang epekto ang paggamit ng cellphone habang buntis. Wala namang masama kung magiging mas maingat lalo na para naman ito sa kapakanan ng iyong anak.

Ano pa ang mga paraan para mabawasang magbabad sa cellphones mga mommy? Ipaalam sa amin sa comments sa ibaba.

If you want to read the english version of this article, click here.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Prutha Soman