Nakakasama ba sa baby ang paggamit ng cellphone habang buntis?

lead image

Ayon sa isang pag-aaral ang paggamit ng cellphone habang buntis ay maaaring makapagdulot ng problema sa pag-uugali ng bata kapag lumaki na ito.

Ang mga mobile phone at iba pang gadgets ay importanteng parte na ng araw-araw nating mga buhay. Ikaw man ang nagdadalantao o may anak na, siguradong importante sa iyo ang paggamit ng cellphone. Pero mommy, alam mo ba na ang paggamit nito ay maaaring may masamang epekto sa baby mo?

Paggamit ng Cellphone Habang Buntis: Mga Masamang Epekto, Ayon Sa Eksperto

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Epidemiology and Community Health, ang exposure sa cellphone habang buntis o pagkatapos manganak ay maaaring magpataas ng risk na ang bata ay magkakaroon ng problema sa pag-uugali. Kabilang na dito ang hyperactivitiy, inattention o problema makibagay sa mga ibang bata.

Pero importanteng linawin na, ayon sa mga ibang eksperto, may mga limitasyon ang pagsusuring ito. Ayon kay Leek Kheifets, PhD isang propesor ng epidemiology sa UCLA, may mga teorya ukol dito, pero hindi pa lubos naiintindihan ng mga scientsist it. Aniya, ang exposure ng sanggol sa sinapupunan sa radiation ay mababa lamang, kaya mahirap sabihin kung gaano makakapekto ang paggamit ng cellphone habang buntis. 

Iba Naman Ang Opinyon ng Eksperto at Manunulat na si Devra Davis

cellphone use

Pero ayon naman sa eksperto at manunulat na si Devra Davis, importanteng mag-ingat ang mga magulang sa panganib na dala ng radiation ng cellphone habang buntis. Si Davis ang may akda ng librong Disconnect: The Truth about Cell Phone Radiation, What the Industry Has Done to Hide It, and How to Protect Your Family. Siya rin ang founder ng Environmental Health Trust, isang organisasyon na nagbibigay alam sa publiko ng mga iba’t ibang panganib sa paligid natin. 

Babala ni Davis: Ang mga buntis ay dapat talagang maging maingat na hindi ma-expose sa anumang radiation, hindi lamang sa cellphone. Sabi pa niya na may mga babala na nakasulat sa ibang cellphones na hindi ito puwede idikit sa tiyan ng buntis. Sabi ni Davis mainam na daw na doble ingat, kahit na hindi pa lubusang nadidiskubre ng mga eksperto ang talagang mga panganib nito. It’s better to be safe than sorry, sabi niya

Tama nga naman, ‘di ba mga mommies? Pag dating sa safety at health ng baby natin, mabuti na lubos ang pag-iingat.

Paggamit ng Cellphone Habang Buntis: Safety Tips Na Dapat Malaman

cellphone habang buntis

Imbis na maglaro sa cellphone habang buntis, bakit hindi magbabasa na lamang para makaiwas sa radiation? | image courtesy: shutterstock

Narito ang mga tips para sa mga mommy para mabawasan ang paggamit ng cellphone habang buntis. 

  • Gumamit ng landline sa bahay o opisina. 
  • Patayin ang phone kapag hindi naman masyado ginagamit dahil naglalabas pa din ito ng radiation kahit hind mo hawak. 
  • Kapag naiinip, ugaliing magbasa ng libro, mag-drawing, o kahit anong activities na hindi kailangan ng gadgets.
  • Kapag mahina ang signal, dahil mas tumataas ang radiation nito kapag ganito.
  • Ugaliing gumamit ng headset o earphones para mailayo ang cellphone sa iyong katawan.
  • Ang pagbulsa ng phone sa damit pangitaas o pantalon ay hindi makakabuti dahil mataas ang exposure sa radiation kapag ganito.

Ano pa ang mga paraan para mabawasang magbabad sa cellphones mga mommy? Ipaalam sa amin sa comments sa ibaba.

 

Isinalin mula sa orihinal na Ingles ni Bianchi Mendoza. 

sources: Web MDMercola

BASAHIN: Bakit pabago-bago ang due date ng buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

Prutha Soman