Cellulitis strep infection on leg ng dahil sa pagpapa-pedicure, muntik ng ikamatay ng isang babae.
Cellulitis strep infection on leg dahil sa pedicure
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang hindi makakalimutang karanasan sa pagpapa-pedicure. Babae nagkaroon ng impeksyon sa binti na muntik niya pang ikamatay.
Ayon sa 35-anyos na netizen, June 22, 2018 ng siya ay magpa-pedicure sa isang grade A salon sa Winston Salem, North Carolina. Kinabukasan ay bigla nalang siyang nakaranas ng panginginig at panlalamig. Sinabayan din ito ng pagsusuka at pangka-hilo. Hanggang ng sumunod na araw ay hirap na siyang maglakad at namamaga na ang binti niya.
Dahil sa pamamaga ng binti na sinabayan ng panghihina ay kinailangan ng dalhin sa ospital ang nasabing netizen. At doon niya nalaman na siya pala ay nakakaranas na ng cellulitis na dulot ng strep infection. Ang impeksyon pumasok umano sa kaniyang katawan sa pamamagitan ng callus cutter na sumugat sa paa niya.
“I am ambulanced to the Emergency Room to find out I am toxic and have a serious case of cellulitis caused by a strep infection in my blood stream caused by the scrapes on the outside of my heel from the the callus cutter.”
Ito ang pahayag ng netizen tungkol sa naging karanasan niya.
Dagdag pa niya dahil sa impeksyong natamo, ay na-ospital siya ng dalawang linggo. At kailangang uminom ng gamot ng tatlong buwan.
Ano ang cellulitis?
Ayon sa MayoClinic.org, ang cellulitis ay isang seryosong impeksyon sa balat dulot ng streptococcus o staphylococcus bacteria. Ito ay madalas na tumatama sa balat sa bandang ibaba ng binti. Ngunit maari rin naman itong makaapekto sa ibang bahagi ng katawan tulad ng braso at mukha.
Sa una ang apektadong balat ng cellulitis ay mamamaga, mamumula, masakit at mainit kung hahawakan. Kung ito ay mapabayaan, ang impeksyong mula sa balat ay maaring pumasok sa bloodstream at kumalat sa buong katawan. At ito ay maaring magdulot ng mas malalang kondisyon at komplikasyon na maaring makamatay.
Ang impeksyong dala ng cellulitis ay maaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng open wound o sugat sa balat. Sa kaso ng netizen ang impeksyon ay pumasok sa sugat na dulot ng pagkakakayod ng kalyo niya sa paa.
Iba pang panganib na paggamit ng maduming tools sa pagpapalinis ng kuko
Ngunit hindi lang ito ang maaring maging epekto ng paggamit ng maduming tools sa ating balat lalo na sa ating mga daliri tuwing nagpapa-pedicure o manicure.
Ayon nga sa isang pag-aaral na nai-feature sa CDC o Center for Disease Control ay 97% ng mga nail salon ang may taglay ng bacteria na kung tawagin ay M. fortuitum. Ito ay isang bug na nagdudulot ng boils o pigsa sa balat.
Maari ring makakakuha ng fungal infections ang isang tao mula sa mga salon. At iba pang viruses na maaring kumalat sa buong katawan. Ito ay ayon naman kay Dr. Rebecca Pruthi, isang board certified podiatric physician at surgeon sa New York City.
“Fungal infections may infect the skin, like with athlete’s foot, or the nails, which can be extremely difficult to get rid of”, sabi ni Dr. Pruthi.
“You can also contract viruses from nail salons—the result of which may be plantar warts, caused by HPV. Plantar warts are not only unsightly, but they can become very painful and can spread to other parts of the body”, dagdag pa niya.
Image from Unsplash
Ayon naman kay Dr. Aaron E. Glatt, isang infectious disease specialist, maliban sa skin infections ay mataas din ang tiyansa na makakuha ng blood-borne diseases mula sa pagpapamanicure.
“Cutting into skin could cause secretions such as blood to get on nail instruments, and if another customer is exposed to that blood—if they get a cut in their skin, for example, and contaminated blood enters that cut—this is a potential route of transmission for diseases, theoretically including hepatitis or HIV.” Ito ang paliwanag ni Dr. Glatt.
Para makasigurado
Kaya naman para makaiwas sa mga nasabing impeksyon ay dapat siguraduhing malinis ang mga tools na ginagamit sa balat o daliri mo. Para makasigurado ay magdala nalang ng sarili mong tools kung ikaw ay magpapalinis ng iyong kuko. Ngunit dapat ding siguraduhin na ang mga ito ay malinis at disinfected.
Kung gusto mo namang maalis ang kalyo mo sa paa o kamay, mas mabubuti kung imo-moisturize ito at saka dahan-dahaning tanggalin. Makakatulong din ang pagbabad sa iyong paa o kamay na may kalyo ng 20 minutos gabi-gabi sa maligamgam na tubig. Ito ay upang lumambot at mas madali itong tanggalin.
Source: Mayo Clinic, Medical News Today
Photo: Freepik
Basahin: Babae, muntik nang maputulan ng daliri dahil sa impeksyon mula sa manicure
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!