LOOK: Donita Rose, ito na ang trabaho sa Amerika

Mula sa pagiging magaling na host at aktres, ano na ba ang bagong trabaho ni Donita Rose?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Donita Rose, isa nang chef sa Amerika. Tunghayan ang kaniyang kwento rito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit niya napagdesisyunang lisanin ang Pilipinas?
  • Donita Rose, chef na sa Amerika
  • Namimiss ba niya ang pag-aartista?

Maraming nangangarap na maging artista. Dahil bukod sa kasikatan at paghanga ng marami, kakabit rin nito ang malaking pera na kikitain mo. Marami na ang nagsabing nagbago ang buhay nila nang mag-artista sila.

Pero ang totoo, hindi habang-buhay ang pag-aartista. Maiksi lang ang buhay sa showbiz, kaya naman maraming mga artista ang umiisip ng “fall back” o mayroon silang plano para sa kanilang sarili kapag hindi na sila kumikita sa pag-arte.

Ito ang katotohanang hinarap ni Donita Rose. Nagsimula siyang makilala bilang isang aktres at sumikat pa sa Asya bilang isang VJ at TV host. Pero ngayon ay namumuhay na siya ng tahimik bilang isang chef sa America.

“Wala na talagang trabaho.”

Sa huling vlog na inupload noong August 2 sa The Wander Mamas, ang YouTube channel ng mga artistang nag-Amerika na rin na sina LJ Moreno-Alapag at Rufa Mae Quinto, ikinuwento ni Donita kung bakit siya nagdesisyong pumunta ng US.

Ani ng sikat ng host, Setyembre 2020, kalagitnaan ng pandemya nang bumalik siya sa Amerika para magtrabaho. Nang tanungin siya ng mga kaibigan niya kung bakit siya nagdesisyong iwanan na ang bansa, ang sagot niya ay,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wala na talagang trabaho sa Pilipinas.”

Kuwento ni Donita, dalawang taon na rin siyang nagkakaroon ng problema sa pera dahil sa nabawasan nga ang mga proyekto niyang ginagawa bilang isang artista.

Bagama’t mayroong properties si Donita, nauubos na rin ang savings niya sa mga binabayaran na nagpapatong-patong na, gaya ng bills at pambayad sa kaniyang 3-bedroom condo.

Noong pandemic, ang kaniyang 73-anyos na ina, na isang teacher sa Amerika, na ang nagpapadala ng pera sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“After a few times na nagpadala ng pera, I felt so bad. My mom is 73 years old. Ayoko naman na parang ganito na lang ang buhay ko,” aniya.

Bagama’t hindi naman nagrereklamo ang kaniyang ina sa pagtulong, dahil matagal rin namang sinuportahan ni Donita ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pag-aartista, hindi aniya masikmura na ang kaniyang nanay pa ang sumusuporta sa kaniya.

Nang nagpatuloy ang pandemya at nawalan na ng mga proyekto sa TV si Donita, kinuha niya itong sign para magbago ng plano. Wala pa mang siyang nakukuhang trabaho, nagdesisyon na siyang lisanin ang Pilipinas at lumipad papunta sa Amerika. Nanalig na lang ang aktres na mayroong plano ang Diyos para sa kaniya.

“I said, ‘Lord, I’m just going to move. I’m just going to trust that it’s your will.'” aniya.

Bago tuluyang umalis ng bansa, siniguro muna ni Donita na mababayaran niya lahat ng pagkakautang niya. Ibinenta niya ang kaniyang mga gamit. At ang 3-bedroom condo na kaniyang tinitirahan, ipinagpalit niya ito sa isang 1-bedroom unit na fully paid na.

“Iba ang nasa isip natin, iba ang nasa isip ni God. He works differently.” pahayag ni Donita.

Single mom na nawalay sa anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Bukod sa panibagong buhay sa ibang bansa, isa pang pagbabagong nangyari sa buhay ni Donita ay ang mahiwalay na siya sa kaniyang 16-taong gulang na anak na si JP.

Matatandaang ikinasal si Donita noong 2003 sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Eric Villarama. Pero naghiwalay rin sila at nafinalize ang kaniyang divorce noong 2016. Tumayo siyang single mom sa kanilang anak sa loob ng 8 taon.

Pero kuwento ni Donita, nang dumating sila sa Amerika ay nagpaalam na rin ang kaniyang anak kung maari ba siyang tumira ang kaniyang ama. Naging mahirap man ito para sa single mom, pinayagan at sinuportahan pa rin niya ang kagustuhan nito.

Aniya, isang buwan rin siyang nalungkot dahil sa pagkakawalay sa anak. “Pero nung nakuha ko na ‘yong sahod ko, nawala na ‘yong lungkot ko.” biro ni Donita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

BASAHIN:

#TAPMAM 2021: Ley Almeda – Ang nakaka-inspire na kwento ng isang dating single mom

Single moms raise great kids, just look at Coney Reyes and Vico

Donita Rose reveals why it didn’t work out with her ex-husband after 12 years of marriage

Chef Donita Rose

Ngayong pansamantalang nilisan ni Donita ang mundo ng showbiz, nakahanap naman siya ng trabaho sa isa pa niyang passion – ang pagluluto.

Siya ngayon ay ang corporate research and development chef ng Island Pacific, isang US-based brand na naglalayong ipakilala ang mga pagkain at kulturang Pinoy sa Amerika. Ito ang Pinoy version ng sikat na grocery na Trader Joe’s sa America.

Ang may-ari ng Island Pacific ay ang Pinoy na si Nino Jefferson Lim, asawa ng dating artista na si Krista Ranillo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Mayroon namang background si Donita sa industriyang ito, dahil nagtapos siya ng kursong Culinary Arts mula sa Academy for International Culinary Arts (AICA) noong 2012.

Masayang-masaya naman si Donita sa kaniyang bagong trabaho, dahil gusto talaga niyang makilala ang Filipino cuisine sa buong mundo. Bukod dito, magaan ring katrabaho ang mga kapwa Pilipino. Kuwento pa niya

“I can do whatever I want, I can work from home, I just need to deliver what I need to deliver.”

Dagdag niya, nagugulat nga ang mga kapwa niya Pinoy dahil kahit alam nilang artista siya dito sa’tin, walang kaartehang ipinapakita si Donita. Siya pa mismo ang nagtatapon ng basura at nagpupunas ng mga mesa sa kanilang office.

Namimiss pa rin ba niya ang showbiz?

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Aniya, hindi na mawawala ang pag-aartista sa kaniya, dahil lumaki na siya sa industriyang ito. Pero natutunan na rin niyang mahalin ang kaniyang pagtatrabaho at pamumuhay sa ibang bansa kahit mahirap.

“Showbiz is in our blood. ‘Pag may work tayo, parang hindi tayo nagwo-work. It’s so much fun.” aniya. “The thing about culinary is I love what I do, pero it’s really, really hard work.”

Patuloy pa rin naman si Donita sa pagtanggap ng mga side projects na may kinalaman sa showbiz sa America.

Sinulat ni

Camille Eusebio