Cherie Gil pumanaw dahil sa cancer: "Cherie fought bravely against her illness with grace and strength."

Cherrie Gil nabisita at nakausap pa ng kaibigan at kapwa aktres na si Sharon Cuneta, ilang oras siya bago tuluyang namaalam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa opisyal na pahayag ng pamilya ni Cherie Gil nasawi ang aktres ng mapayapa matapos ang pakikipaglaban sa cancer.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pamamayapa ng aktres na si Cherie Gil.
  • Opisyal na pahayag ng pamilya ng aktres tungkol sa dahilan ng pagkasawi nito.

Pamamayapa ng aktres na si Cherie Gil

Larawan mula sa Facebook account ni Cherie Gil

Nitong Biyernes ay naglabasan sa social media ang tribute sa aktres na si Cherie Gil. Ito ay dahil umano namayapa na ang aktres na hindi pa tukoy ang dahilan. Isa sa unang nagbahagi ng balita ay ang kaibigan niya at talent manager na si Anabelle Rama. Sinundan din ito ng trending post ni Sharon Cuneta tungkol sa aktres.

Ayon kay Sharon, binisita niya si Cherie Gil sa New York. Ito ay nakausap niya pa ilang oras bago ito tuluyang nasawi. Si Sharon makikita sa larawan na kaniyang ibinahagi sa post tungkol kay Cherie Gil na lumuluha itong nakikipag-usap sa isang taong nakahiga sa hospital bed.

Hindi man tinukoy ni Sharon kung si Cherie ang nasa larawan, ikinuwento niyang sinabi ng aktres ang tungkol sa puno sa labas ng apartment nito na daan daw niya papuntang langit. At ilang oras nga matapos ang kaniyang pagbisita kay Cherie, nakatanggap ito ng tawag na ang aktres umano ay namayapa na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I flew to New York early yesterday with a heavy heart, still forcing it to hang on to that sliver of hope of God performing a miracle, allowing you to pull through this. I am eternally grateful to Him for giving us the few hours we spent together. The love and words yet again exchanged in person, the knowledge that the friendship forged when we were very young was stronger and would only keep getting so.”

“You told me about your tree to heaven outside of your apartment window, which I didn’t get to see. We said “I love you” & I said I’d see you again today and you raised both arms and gave me two thumbs up. Then, barely eleven hours after I left you, I was awakened by his call saying you had passed.”

Ito ang bahagi ng IG post ni Sharon.

Dahilan ng pagkasawi ng aktres

Kahapon sa isang official statement na inilabas ng pamilya ni Cherie Gil at ibinahagi ng anak niyang si Jay Eigenmann sa Instagram ay nakumpirma na ang pagkasawi ng aktres. Si Cherie ay nasawi nitong August 5 matapos ang pakikipaglaban sa sakit na cancer.

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who expressed their concern for Cherie during this difficult time.”

“It is with heartfelt sorrow that we announce that Cherie passed away peacefully in her sleep on August 5th at 4:48 am EST after a brave battle against cancer.”

Ito ang simulang bahagi post ng official statement ng pamilya ni Cherie Gil tungkol sa pagkasawi ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa rin sa statement, si Cherie Gil ay nasawi dahil sa rare form ng endometrial cancer. Ang endometrial cancer ay isang uri ng sakit na kung saan may nabubuong malignant cancer cells sa tissue ng endometrium o bahagi ng uterus ng babae.

Base sa National Cancer Institute, ang obesity at pagkakaroon ng metabolic syndrome ay maaring makadadag sa tsansa ng pagkakaroon ng sakit sa mga babae. Ganoon rin ang pag-inom ng gamot sa breast cancer na tamoxifen. Pati na rin ang pagtetake ng estrogen na walang halo o kasabay na progesterone.

Sa kaso ni Cherie Gil, siya ay na-diagnosed na nagtataglay ng cancer nito lang Oktubre noong nakaraang taon. Ito ay matapos siyang mag-desisyon na tumira na sa Amerika for good at para mas maging malapit sa mga anak niya. Ito rin ang paliwanag ng mga post niya sa Facebook na siya ay nagpakalbo na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Cherie Gil

Si Cherie Gil ay nagpagamot sa Memorial Sloan-Kettering Cancer Center sa New York. At personal niya umanong hiling sa kaniyang pamilya na panatilihing pribago ang kondisyon niya. Pero sa likod ng sakit ay hindi umano nawala ang trademark sass na kilalang kontrabida. At siya ay namayapa na pinaliligiran ng kaniyang pamilya at mahal sa buhay.

“It was her request that her diagnosis be kept private, and as a family we supported her in this decision. Cherie fought bravely against her illness with grace and strength. Despite her struggles, she always managed to exude courage and never lost her trademark sass, wit, infectious humor, or her larger-than-life personality. She spent her last days surrounded by family and loved ones.”

Ito ang sabi pa ng official statement ng pamilya ni Cherie Gil tungkol sa kaniyang pagkasawi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Cherie Gil

Ang pamangkin ni Cherie Gil at kapwa aktor niyang si Gabby Eigenmann ay nag-post ng mga throwback photos ng aktres at kapatid nitong si Mark Gil. Sa caption ng post ni Gabby ay nagpasalamat sa Diyos sa pagpapahiram sa tiyang si Cherie at amang si Mark Gil. Si Mar Gil ay nasawa noong 2014 ng dahil naman sa sakit na liver cirrhosis.

“Posting these pics is so hard.. you guys are together again. I love you with all my heart.. Thank you Lord for sharing them with us.. I love you TITA.”

Ito ang caption ng post ni Gabby tungkol sa pagkasawi ng tiyahin at aktres na si Cherrie Gil.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement