Parokya ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda mas gusto ang maging hands-on sa kaniyang mga anak bilang father, kaysa maging busy sa pagbabanda. Pagdating sa idol niya sa pagiging ama, Chito si Gary V daw ang hinahangaan.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Chito Miranda on Gary Valenciano as a father
- Bakit mas gusto ni Chito Miranda na maging hands-on dad sa mga anak kaysa sa pagbabanda.
Chito Miranda on Gary Valenciano as a father
Marami ang umiidolo kay Chito Miranda lalo na pagdating sa mga kanta niya at bilang lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar. Pero ngayong siya ay may dalawa ng anak na sina Miggy at Cash, siya naman ay may iniidolo rin pagdating sa pagiging ama.
Ito ay ang tiyuhin niya at singer na si Gary Valenciano na talaga naman daw hinahangaan at nirerespeto ni Chito. Ito ang pahayag niya sa panayam sa kaniya ni Bianca Gonzalez na tampok sa YouTube channel ng Cinema One.
“He is such a great dad na sobrang bait ng mga anak niya. Kahit na may sariling kalokohan ‘yong mga anak niya… you don’t feel na they are not being controlled or smothered by.”
“Napakabait niya lang. It’s always refreshing sa soul kapag kausap mo siya. He has so much love to give. It is just so comforting.”
Ito umano ang nakikita ni Chito kay Gary V bilang isang ama na hinahanggan niya.
Bakit mas gusto ni Chito Miranda na maging hands-on dad sa mga anak kaysa sa pagbabanda
Kuwento pa nito, ang goal niya sa ngayon ay maging stay at home dad. Kasi gusto talaga niya ang maging hands-on at present sa tabi ng mga anak habang sila ay lumalaki. Sa ngayon daw, sa totoo lang ay hindi niya na nai-enjoy ang pagbabanda dahil sa very demanding ang schedule nito. Isang bagay na ayaw niya dahil mawawalan siya ng oras sa mga anak niya.
“This is my goal eh to be a stay at home dad. I love being in a band but the reason is that I hate the schedule of the band. It is because I want to spend time with my kids.”
Chito as a dad
Dagdag pa ni Chito, sa pagbabanda may mga tours na kailangang gawin kaya hindi maiiwasan na malayo siya sa pamilya niya. Bagamat alam niyang ang misis na si Neri ay makaka-survive naman kahit malayo siya. Pero pagdating sa mga anak niya parang hindi na kaya ni Chito lalo na’t pagbabahagi niya, siya ang mismong nagpapaligo sa 5-years-old niyang anak na si Miggy.
“I know Neri will be fine kahit matagal akong wala for a tour. She is busy also. Even though she misses me, alam ko kaya niyang i-survive. Pero ‘yong kids ko kasi parang sobrang gusto kong to be present for them eh. That’s the only factor why I hate being in Parokya. Because the schedule of Parokya is so demanding.”
“That is the kind of dad na ako na hangga’t maari, gusto ko ako talaga ‘yong nandiyan to bring them wherever they want to go. Gusto ko talaga nandiyan ako. Ako nagpapaligo kay Migs. Kay Cash si Neri kasi mas magaling siya sa newborns. Pero ako gusto ko talaga sobrang hands-on ako sa lahat pati sa online school.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Chito Miranda tungkol sa kung anong klaseng father siya.
Kuwento pa niya, may pagkastrikto rin naman daw siya. Tulad na lang sa paggamit ng gadgets ng anak niyang si Miggy na aminado si Chito na mini me niya pagdating sa pag-uugali. Ito rin daw ang pansin ng misis niyang si Neri na itinatawa na lang daw ni Chito.
“Sabi ni Neri, little Chito talaga si Miggy pati ‘yong kapilyuhan. Natatawa ako kasi when you ask him to do something kukuwestyunin niya muna kung bakit kailangan niyang gawin.”
Ito ang natatawang kuwento pa ni Chito.
BASAHIN:
Chito Miranda kung papaano napasagot si Neri Naig: “Trinato ko siya bilang prinsesa”
Heart Evangelista sa basher na tinawag siyang gold digger: “I don’t need anyone to survive.”
Chito as a husband
Pagdating naman sa pagiging mister, naniniwala daw si Chito sa kasabihang “happy wife, happy life”. Bagamat hirit niya mas mabuti sana kung “happy spouse, happy house” din.
Pero sa pagsasama nila ni Neri, ipinapaubaya niya ang majority ng decision making na kailangang gawin. Dahil maliban sa lusot siya sa oras na mali ang desisyong ginawa ng misis niya, mas may oras siya na maging hands-on dad sa mga anak niya.
“If you have an argument, let her win. If anything goes wrong it’s her fault, desisyon mo ‘yan. Most of the time, she is right naman. Kaya sige kung ano gusto mo ayan ang masusunod. I let her run the show. It is easy to be at home and let Neri handle everything.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Chito tungkol sa masaya niyang buhay may asawa at ama.