X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Heart Evangelista sa basher na tinawag siyang gold digger: “I don’t need anyone to survive.”

5 min read
Heart Evangelista sa basher na tinawag siyang gold digger: “I don’t need anyone to survive.”

Ibang netizens itinama ang nang-bash kay Heart, ang sabi nila baka “goal digger” not “gold digger” ang aktres

Heart Evangelista may class na sinagot ang basher niyang tinawag siyang gold digger.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Sagot ni Heart Evangelista sa basher na tinawag siyang gold digger
  • Pagsasama ni Heart at Chiz at ang take nila tungkol sa isyu ng pera sa pagitan ng mag-asawa

Sagot ni Heart Evangelista sa basher na tinawag siyang gold digger

Isang basher na naman ang hindi pinalampas na sagutin ng fashion icon na si Heart Evangelista. Kahapon sa Twitter ay minention ng Twitter user na si Basher Ng Bayan si Heart at sinabing ito raw ay gold digger.

“Si [Heart Evangelista] is a gold digger is a fact.”

Ito ang sabi ng Twitter user.

Si Heart agad namang sinagot ang naturang basher na may class na lagi niya namang ginagawa. Ang sagot niya ay may kasamang pangi-empower sa mga kababaihan.

“I don’t need anyone to survive. I am a woman and a woman can be or do anything she wants if she wills it. Remember I said that.”

Ito ang diretsahang sagot ni Heart sa basher na tinawag siyang gold digger.

heart evangelista basher

 

Ang mga netizens agad rin namang to the rescue kay Heart. May sagot din sila sa paratang ng basher ng kilalang fashion icon sa ngayon.

Pagtatama ng isang netizen sa tweet ng basher ay baka nagkakamali lang ito. Dahil hindi tulad ng paratang niya si Heart ay hindi umaasa sa bigay ng kaniyang asawa.

“Baka goal digger. Heart never asked anything from any man but if she asks from his husband, thats because they are husband and wife not because she’s a gold digger.”

Payo naman ng isa pang Twitter user kay Heart, deadma sa mga nega niyang basher. Dahil si Heart ay isang incredible woman na hinahangaan niya.

“Don’t pay any attention to hate. You’re an incredible woman and I admire & love you so much. You have done and continue to do so much, don’t let the haters get to you.”

Ito ang sabi naman ng isa pang Twiitter user.

Ang sabi naman ng ibang netizen, malamang very happy ang basher dahil pinansin ito ni Heart. Kasunod ng pagtatanggol kay Heart na rich naman daw na bago pa makapangasawa.

“Saya nyan napansin sya hehe. Heart is already rich even before she married his husband.”

Iba pang hateful comments at pangba-bash kay Heart

Heart Evangelista sa basher na tinawag siyang gold digger: I dont need anyone to survive.

Image from Heart Evangelista Instagram

Maliban sa kaniyang nagagandahan at nagmamahalang outfit, kilala rin si Heart sa pagsagot sa mga basher niya. Nito ngang nakaraang buwan ay hindi niya pinalampas na sagutin ang isang netizen na nagkomento na para siyang baliw sa pagdadamit dahil walang anak na pinag-aabalahan.

“Para ka ng nababaliw, wala kasing anak na pagkaabalahan.”

Ito ang komento ng isang netizen sa Instagram video ni Heart na nagbibigay ng fashion tips sa kaniyang followers. Si Heart hindi pinalampas ang negative comment na ito ng naturang basher. Ito ang may class ngunit may hagupit na sagot ni Heart sa kaniyang basher.

“UL*L. The only word your vocabulary can attain.”

Samantala, hindi lang ito ang pangbabash na natanggap ni Heart mula sa mga netizens.

Sa kaniyang YouTube channel kung saan ipinakita niya ang naging mini honeymoon nila ng mister na si Chiz Escudero noong nakaraang taon ay may isang netizen na may alegasyon na wala raw umanong kakayahang magkaanak si Heart Evangelista.

Sa kaniyang Twitter account ay minsan naring nagbigay si Heart ng statement niya tungkol sa hindi matapos-tapos na komento ng mga netizens sa hindi niya pagkakaroon ng anak. Ayon sa aktres, nasasaktan siya sa tuwing nakakabasa ng comments tungkol sa pagbubuntis. Sa ngayon ay kontento siya sa buhay niya at ang pagkakalooban ng anak ay bonus nalang.

“Ok na sana lahat, stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Also may I add, life is good. People I love are fine and everything else in between is ok so bonus na lang if I do conceive again. It’s my body.”

Ito ang sabi ni Heart tungkol sa isyu ng pagbubuntis at pagkakaroon niya ng sariling anak.

BASAHIN:

Heart Evangelista sinabihan ang basher na nagtatanong kung bakit ‘di pa siya nabubuntis: “not your uterus”

Heart Evangelista sa bagong bili niyang Hermès bag: “This is declared to my husband and I worked hard for it so wala na siyang magagawa.”

Tom Rodriguez inaming divorced na kay Carla Abellana: “I truly wish she finds the happiness she is searching for.”

Heart at Chiz pagdating sa usaping pera

heart evangelista and chiz escudero basher

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Pagdating naman sa usaping pera, ay minsan naring binigyan linaw ni Heart at Chiz ang isyung ito sa kanilang pagsasama. Si Chiz aminadong kumikita ng sarili niyang pera si Heart pero hindi ito isyu sa kaniya at sa pagsasama nila.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

“By tradition, usually men provide pero sa mundo ngayon hindi na rin kasi may mga sitwasyon na mas maraming kinikita ‘yong babae tulad mo. Hindi naman masama, kawalan o sampal sa lalaki.”

Ito ang sabi ni Chiz kay Heart sa isa sa mga adulting vlogs nila.

Sa parehong vlog episode ay sinabi rin ni Chiz na binibigyan niya pa rin ng allowance si Heart kahit ito ay kumikita ng sarili niyang pera. Ito ay para naman daw sa basic needs ni Heart at hindi para sa mga luxuries o luho niya.

“A lot of people asked this. Even if I’m earning my own money, do you still give me allowance?”

Ito ang tanong ni Heart kay Chiz.

 “Yes. For basics, not for the luxuries.”

Ito naman ang sagot ni Chiz na agad sinundan ni Heart.

“Yes, he does give me allowance. For essentials, like food, especially when I travel with a lot of people ganyan, and gas. Tsaka may konting leeway naman siya, pang-Zara Zara lang ba so happy tayo diyan.”

Ito ang natatawang sabi pa ni Heart.

Twitter

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Heart Evangelista sa basher na tinawag siyang gold digger: “I don’t need anyone to survive.”
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.