Bilang pagsunod sa abiso na Total Lockdown ang buong luzon, pansamantalang itinigil din muna ang public mass gathering sa mga simbahan. Narito ang church guidelines for coronavirus o COVID-19 dito sa Pilipinas.
Church guidelines for coronavirus | Image from South China Morning Post
Pastor at mga dumalo sa misa nahawa sa coronavirus
Matapos wisikan ng tubig na may asin ang mga bibig ng mga dumalo sa isang simbahan sa South Korea, agad rin silang nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19.
Dumagdag sa listahan ng mga nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga dumalo sa mass gathering ng Grace River Church. Ito ay sa probinsya ng Gyeonggi sa South Korea.
Napag-alaman kasi na winisikan sila isa-isa sa bibig ng tubig na may asin nang hindi dini-disinfect ang tip ng spray bottle. Matapos wisikan ang isa, susunod naman ang kasunod.
Ito ay sa paniniwala nila na mapipigilan ang pagkalat ng virus dahil sa asin na may tubig.
Ang mass ay dinaluhan ng halos 100 na tao noong March 1 at March 8. At sa gitna ng kanilang simba, dito sila winisikan isa-isa ng tubig na may asin.
Ngunit ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng COVID-19 ng 46 na taong dumalo dito. Kasama na ang isang pastor at ang kanyang asawa.
Ayon kay Lee Hee Young, head ng Gyeonggi Province’s coronavirus task force,
“It’s been confirmed that they put the nozzle of the spray bottle inside the mouth of a follower who was later confirmed as a patient, before they did likewise for other followers as well, without disinfecting the sprayer,”
Dahil sa pangyayaring ito, ito ang naging dahilan ng mabilis na pagkalat ng virus sa loob ng simbahan.
Samantala, ang mga umattend naman ng mass ay isinailalim lahat sa pag-aaral. At ang nasabing simbahan ay pansamantalang isinara muna.
Church guidelines for coronavirus
Nagkansela ng public mass gathering ang Roman Catholic Diocese of Pasig. Ito ay nagsimula noong March 14.
https://www.facebook.com/pasig.diocese/photos/a.178584525828926/1108741992813170/?type=3&theater
Kasama ring nagkansela muna ng public mass gathering ang Roman Catholic Diocese of Cubao. Ito ay nagsimula noong nakaraang March 14. Ngunit gaganapin pa rin ng pribado ang Holy Mass araw-araw at ito ay mapapanood sa livestream nila sa kanilang facebook page. Simula noong March 14, 8 AM.
Ayon naman sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang desisyon ng pagkansela ng misa ay nasa desisyon ng mga local dioceses.
Pero dagdag ni CBCP Archbishop Romulo Valles nirerekomenda niyang pansamantalang itigil muna ang mga mass gathering sa mga simbahan. Ngunit ito ay laging buksan para sa mga taong gustong magdasal.
“We also encourage the bishops, religious, and the clergy to spend time in silent adoration of the Blessed Sacrament for the safety of our flock and the healing of the sick. We continue to minister to the sick by offering them the Sacrament of the Anointing of the Sick but following the necessary precautions proposed by the DoH,”
Image from CBCP Episcopal Commission on Family and Life
Ngunit panandalian muna nilang ititigil ang lahat ng holy mass at public activities mula March 14 hanggang March 20.
Nakiusap rin si Archbishop Valles na laging patunugin ang mga kampana ng bawat simbahan tuwing 12 noon at 8 PM at magdasal ng Oratio Imperata.
Source: South China Morning Post, CNN Philippines
BASAHIN: Pre-natal Visit: Mga dapat gawin para magiging safe sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!