Chynna Ortaleza sumailalim sa colonoscopy. May paalala rin siya sa kaniyang mga fans at followers sa social media.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Chynna Ortaleza at kaniyang colonoscopy experience
- Ano ang colonoscopy
- Paalala ni Chynna matapos ang naging karanasan
Chynna Ortaleza at kaniyang colonoscopy experience
Sa kaniyang Instagram account kahapon ay ibinahagi ng aktres na si Chynna Ortaleza na siya ay sumailalim sa colonoscopy.
View this post on Instagram
Ano ang colonoscopy?
Ayon sa Mayo Clinic, ang colonoscopy ay isang clinical procedure kung saan may isang mahaba at flexible tube na ipinapasok sa rectum. Sa dulo ng tube na ito ay may maliit na video camera na kukuha ng view sa loob ng colon ng taong sumasailalim sa procedure.
Layunin ng colonoscopy na ma-detect ang mga pagbabago o abnormalities sa large intestines o colon ng isang tao, ganoon rin sa kaniyang rectum. Isang paraan rin ang colonoscopy para makakuha ng tissue samples na kinakailangan sa biopsy.
Sa pagsasawa rin ng colonoscopy ay maaring makita ang mga polyps o abnormal tissue sa colon o large intestine para maalis ito.
Sa tulong rin ng colonoscopy ay malalaman ang mga posibleng dahilan ng abdominal pain, rectal bleeding, chronic constipation, chronic diarrhea at iba pang intestinal problems na nararanasan ng isang tao. Ito rin ay paraan para ma-screen ang isang tao kung siya ay may colon cancer.
Health problem ni Chynna Ortaleza
Image from Chynna Ortaleza’s Instagram account
Matatandaang nitong nakaraang taon ay ibinahagi ng aktres kung paano bumaba ang timbang niya mula 102 lbs sa 86 lbs noong magkaroon ng pandemic. Nakaranas rin siya ng problema sa kaniyang tiyan, pagdumi at pananakit sa kaniyang tagiliran.
Noong una ay na-detect na may intolerance lang si Chynna sa mga pagkaing may gluten, dairy, eggs at corn. Ang mga ito ay tinigilan niyang kainin para matigil ang mga sintomas na nararanasan niya.
Pero para makasigurado ay sumailalim sa colonoscopy si Chynna. Ang pagsailalim sa procedure na ito ayon sa aktres ay nakabawas sa anxiety na kaniyang nararanasan.
Dagdag pa niya ay very proud siya sa kaniyang sarili. Dahil para maisagawa ng maayos ang colonoscopy ay kailangang hindi kumain ng pasyenteng gagawa nito isang araw bago ang procedure. Tanging tubig lang at iba pang clear liquids ang maaari niyang i-intake.
Sabi pa ng aktres sa kaniyang naging karanasan ay napatunayan niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng health insurance.
“It was a fairly eventful 2 days. Proud of my excellent prep providing my doctors an awesome view.. Very little anxiety going into my very first colonoscopy too. Was able to prove to myself that I can dunk lots of liquid into my system, that the mind is stronger than hunger pangs, that health insurance & Philhealth is IMPORTANT (do not ever make it your least priority..”
BASAHIN:
Masama ang tiyan? 10 na pagkain na dapat kainin kapag may LBM
STUDY: Low-meat o meat-free na diet ay maaaring magpababa ng tiyansa sa pagkakaroon ng cancer
13 natural home remedies para sa pagtatae
Paalala ni Chynna matapos ang naging karanasan
Image from Chynna Ortaleza’s Instagram account
Payo pa ni Chynna, prevention is better than cure talaga. Hindi dapat binabalewala ang mga sakit at sintomas na nararamdaman sa iyong katawan. Ito ay dapat na pinatitingnan tulad ng colonoscopy na pinagdaanan niya.
Aniya, ang colonoscopy ay makatutulong na mailigtas ang buhay ng isang tao. Lalo na yung may edad na at madalas na nakakaranas ng problema sa digestive system o panunaw nila.
“Again, please.. never ignore pains & red flags in your system. Pain is a friend & your body’s way of allowing you to care for it. This colonoscopy has allowed us to rule out Chrons, UC & Colorectal Cancer. ❤️”
“In case you or your loved one is 50 years old & do not feel anything in your digestive system, PLEASE take time & get screened because polyps can still form without you knowing & develop into cancer. A colonoscopy will help save your life. 🙏🏻”
Sa huli ay pinasalamatan ni Chynna ang mga taong nasa likod ng matagumpay na procedure na kaniyang ginawa. Ito ay ang kaniyang mga doktor na inalalayan siya mula noong nag-uumpisa palang siyang makaranas ng sintomas hanggang sa maisagawa na ang colonoscopy sa kaniya.
Pinasalamatan rin ng aktres ang kaniyang pamilya. At kung paano nakatulong ang paulit-ulit na pagbabanggit niya ng mga bible verses para maisagawa ng matagumpay ang procedure.
“Family is my stronghold & the Lord is my rock. I kept on repeating one of my memory verses throughout the process & He filled me with gratefulness, joy, peace and the courage to fight.”
Hindi man idinetalye ni Chynna ang naging resulta ng colonoscopy na kaniyang pinagdaanan sa kaniyang IG post ay sumagot naman ang aktres sa tanong ng kaniyang mga followers.
Base sa mga sagot ni Chynna, natukoy na siya ay hindi nakakaranas ng IBD o inflammatory bowel disorders. Wala rin siyang allergic reactions sa mga pagkain bagamat mayroon talagang pagkain na hindi kayang i-tolerate ng kaniyang tiyan.
Nag-comment din sa kaniyang post ang mister niya at band vocalist na si Kean Cipriano. Ito daw ay proud sa naging katapangan ng misis. Sinagot naman ito ni Chynna ng pasasalamat sa naging suporta nito sa kaniya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!