Marjorie Barretto, super proud sa kay Claudia na college graduate na: "Thank you for making me so happy."

Si Marjorie ay super proud at happy sa naging pagtatapos ng anak na si Claudia sa kolehiyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Claudia Barretto nag-thank you sa kaniyang ina na si Marjorie Barretto sa naging graduation nito sa college.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Claudia Barretto graduation
  • Pagbati ng mga celebrities’ kay Claudia.

Claudia Barretto’s graduation

Graduate na sa kolehiyo ang isa sa mga anak ng aktres na si Marjorie Barretto. Ito ay ang pangalawa nilang anak ng actor na si Dennis Padilla na si Claudia. Siya ay naka-graduate ng kursong BS Psychology sa Ateneo de Manila University.

Si Claudia ibinahagi ang very important milestone na ito sa buhay niya sa Instagram. Kalakip ang kaniyang mga larawan sa ginanap niyang graduation ay may short but sweet message si Claudia para kaniyang inang si Marjorie Barretto.

“Can’t thank you enough @marjbarretto.”

Ito ang mensahe ng pasasalamat ni Claudia sa inang si Marjorie na mag-isang tumaguyod sa kanilang magkakapatid.

Si Marjorie may reply naman sa post na ito ng anak. Ayon sa aktres, sobrang proud siya sa pagtatapos ng anak sa kolehiyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I love you so much, Claui. Thank you for making me so happy and proud.”

Ang aktres at kapatid ni Claudia na si Julia ay napapalakpak sa pagka-proud rin sa kapatid at binati rin ito sa naging graduation niya sa kolehiyo.

Si Marjorie may mensahe rin na ibinigay sa anak na si Claudia. Maliban sa pagiging one proud mom sa achievement ng anak ay sinabi niya rin magpapatuloy ang pagsuporta niya dito.

“Congratulations Claudia! I will never forget how happy you made me feel today. I am so proud of you. You are so ready for this new chapter in your life. I will always be behind and beside you. I love you, I love you, I love you! Thank you, Lord!”

Ito ang sabi ni Marjorie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Marjorie Barretto

Samantala, ang panganay niyang si Dani Barretto ay hindi lang ang kapatid niyang si Claudia ang kinongratulate. Pati ang kaniyang inang si Marjorie ay binati niya rin sa naging matagumpay na pagpapatapos nito sa kapatid.

Dani Barretto: Congratulations to you too Mom!

Pagbati ng mga celebrities kay Claudia

Ang iba pang celebrity friends ng aktres ay bumati rin sa pagtatapos ni Claudia at sa kaniyang bilang isang mahusay na ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iza Calzado: Congratulations Claudia and Ate Marj!

Jackie Forster: Congratulations. Claudia and good job mama @marjbarretto

Neri Naig-Miranda: Congratulations Claudia and congratulations din sayo, Ate!!

Coney Reyes: You have every reason to be proud. Congratulations, dear Marj and of course to Claui! The best is yet to come. God bless!

Almira Muhlach: Congratulations to Claudia and of course the proud mom!

Larawan mula sa Instagram account ni Marjorie Barretto

Relasyon ni Dennis Padilla sa mga anak niya

Si Dennis Padilla ay wala pang IG post tungkol sa pagtatapos ng anak niyang si Claudia. Pero nitong mga nakaraang ay maraming post si Dennis tungkol sa anak. Tulad nalang sa naging birthday ni Claudia nitong Hulyo kung saan bumati ang actor at sinabing miss niya ang anak. Pero si Claudia walang sagot o reply sa ama.

Dennis Padilla: Dear Claui. Time flies. Miss you anak. Happy bday anak. God bless you more Claui. Love you.

Nitong Hunyo ay may open letter na ipinost ang anak na lalaki ni Dennis at Marjorie na si Leon. Doon ay direkta niyang sinabi sa ama ang nararamdaman nilang magkakapatid. Ayon sa kaniya, nasasaktan niya sa ginagawang pananakit sa kanila ng ama sa publiko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’ve been contemplating whether I should write this to you and if this is even the best way to do so. But it seems that social media is your preferred way to reach us so may be I can try it too.”

“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father?”

“Your words have the power to destroy your children, papa.”

Ito ang bahagi ng open letter ni Leon sa ama.

Dagdag pa niya, maraming beses na niyang nakitang nasaktan ang mga kapatid niyang babae sa mga maling kuwentong kumakalat tungkol sa kanila. Kaya naman bilang isang lalaki ay nais niyang protektahan ang mga ito sa ngayon.

“For years I watched my sisters get torn into pieces because of your false narratives and not once did they ever explain their side nor speak negatively about you in public.”

“It’s exhausting, papa. As the only man in the family, this is me stepping up to protect my sisters.”

Si Dennis hindi naman pinalampas na sagutin ang anak at sinabing nami-miss niya lang ang mga ito. Ayon sa actor pinagsisihan niya na rin umano ang anumang nagawa niyang mali sa mga anak niya.

“I am sorry, Leon. Miss ko lang kayo. I have regretfully made mistakes in my life. I may not have been there for you but I always had you in my heart.”

“If I could have but one wish, I would love to spend some time with you. After all, there is not much more to life than that.”

Ito ang sabi pa noon ni Dennis Padilla sa anak niyang si Leon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement