Close ba kayo ng inyong anak? Para magkaroon ng lifelong bond ang mga magulang at anak, kinakailangan ng matibay na koneksyon. Ang koneksyon kasing ito ang nagpapalakas pa ng parent-child relationship. Tignan ang ilan sa mga nakalistang signs kung strong nga ba ang connection ninyo ng anak.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 4 signs na strong ang connection niyo ng iyong anak
- tips para maging close sa anak
4 signs na strong ang connection niyo ng iyong anak
Healthy na maituturing ang parent-child relationship na may strong connection sa isa’t isa. Magandang pundasyon ito ng matibay na relasyon ninyong pamilya.
Kung ang mga magulang ay close sa anak, sila ang pangunahing tatakbuhan nito sa saya man o sa pagranas ng problema. Mayroong mabuting epekto rin ito sa health ng anak in terms of physical at mental.
Sa tingin mo ba ay close ka sa iyong anak o may strong connection kayo? Ito ang ilang signs na aming inilista:
1. Alam mo kung kailan niya kailangan ng katahimikan.
Ang koneksyon sa anak ay dapat kasama ang pag-alam sa kung kailan niya kailangang mapag-isa. Kung nararamdaman mong hindi niya kailangan ng kausap ay kilala mo ang anak mo.
Halimbawa ay alam mong sa paggising niya sa umaga ugali niyang hindi muna kumausap dahil gusto niya ng katahimikan.
2. Alam mo kung paano ang pakikitungo sa bawat anak mo o bata.
Kung ang parent ay may kaalaman sa kung gaano kasensitive ang anak, maituturing itong matibay na koneksyon. Aware ka dapat bilang magulang kung gaano karami o katagal ang atensyon na gusto ng bawat mga kapatid ng anak mo o bata na nakaksalamuha nila.
3. Alam mo kung paano patatawanin ang anak.
Maganda ang relasyon na napapatawa ang anak kung maayos lahat ng bagay. Mas maganda naman kung siya ay napapatawa mo kahit pa siya ay stressed o may bumabagabag sa kanya. Ibig sabihin, komportable ang kanyang loob sa iyo at alam mo ang kiliti niya.
4. Alam mo kung kailan nila kailangan ng advice at hindi
Maituturing din na strong bond kung alam mo na kung kailan kailangan ng anak mo ang iyong payo. Madalas, parating kailangan nila ng gabay ng mga magulang lalo sa mahihirap na sitwasyon.
Sa kabilang banda, mayroon din silang kaisipan na hindi nila kailangan ng tulong. Nais nilang solusyunan ang problema sa kanilang sariling kakayanan.
BASAHIN:
3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak
Matatakuting bata ang anak? Subukan ang 5 tips na ito para sa kanya
May anak na lalaki? 5 paraan para matulungan siyang maging achiever
4 tips para maging close sa anak
Napansin mo bang wala sa mga signs ang pasok sa relasyon ninyo ng anak mo? Ito naman ang ilang tips para bumuo muli ng bond o patibayin pa ang closeness ninyo ng pamilya:
1. Matutong alamin ang pagpoproseso nila sa mga bagay-bagay
Gaya sa unang sign, kailangang alam mo kung kailan niya gusto ang katahimikan. Iba-iba ang paraan ng mga bata sa pagpoproseso ng mga bagay sa paligid nila. Mayroong kaya agad sabihin ang mga bumabagabag sa kanilang isipan. Mayroon namang pinoproseso muna nang maayos ito.
Magandang respetuhin mo ang pag-iisa ng anak. Sa ganitong paraan, alam niyang ginagalang mo ang kanyang mga desisyon at maaaring kusa na siyan lalapit sa’yo para pag-usapan.
Halimbawa, ayaw niya munang makipaglaro sa ‘yo. Hayaan mo siya. Minsan kasi gusto niyang mag-explore mag-isa lalo na kung siya’y lumalaki na. Okay rin ang independent play para sa inyong mga anak dahil nade-develop dito ang kaniyang creativity.
2. Alamin kung gaano kasensitibo ang anak
Mahalagang malaman ang sensitivity ng anak. Dito mo kasi matatansya kung gaano siya dapat pinagtutuunan sa mga bagay-bagay tulad ng pananalita at pakikitungo sa kanya. Madalas kasi akala ng mga magaulang ay nagiging patas sila sa mga anak kung nabibigyan nila ito ng pantay na atensyon.
Sa reyalidad hindi ganito ang nangyayari. May kanya-kanyang sensitivity level ang bata, kaya nga kahit pa pantay ang pagbibigay ng pansin nararamdaman pa rin nila ang selos at lungkot. Mainam na alam ito ng parents para napaghahandaan nila kung paano makikitungo sa bawat bata.
3. Maging “happy pill” ng anak
Masarap sa pakiramdam para sa parents ang maging happy pill din ng kanilang anak. Ibig sabihin, sila ang pangunahing pinagmumulan ng saya lalo na kung may problemang kinahaharap.
Ugaliing pasayahin ang anak lalo sa mga panahon nasa down moments sila. Sa kanilang pagtanda ay madadala nila ito at magulang ang kanilang unang kakausapin sa oras na kailangan nila ng ligaya.
4. Bigyan siya ng kalayaan
Importanteng alam ng magulang kung kailan dapat maging independent ang anak. Maganda ang pagbibigay ng payo, pero maganda ring natuto silang tumindig sa sariling mga paa.
Parents, lahat naman ng mga katulad natin ay may connection sa ating mga anak pero mas iba pa rin kung iba ang bonding at deep connection niyo sa kanila.