Lahat ng magulang ay gustong maging magaling ang kanilang mga anak. Ngunit paano nga ba masasabing high achiever ang inyong anak? Ito ba ay sa dami ng trophy o awards na makukuha niya sa school? O sa amount ng effort na ibinibigay niya sa tuwing may gagawin?
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dapat ma-develop ng inyong anak para maging achiever
- 5 paraan para matulungan ang anak na maging magaling
Mga dapat ma-develop ng inyong anak para maging achiever
Iba’t iba ang pagpapakahulugan ng parents sa salitang achievement lalo na kapag tungkol sa galing ng anak. Ngunit sabi nga ng ilan, hindi ito palaging masusukat sa pagkapanalo o pagiging Top sa school kundi tungkol ito sa amount ng effort na ibinibigay ng bata para maging magaling.
Larawan kuha ni Pixabay ng Pexels
Narito ang ilan sa mga dapat ma-develop sa inyong anak na lalaki upang siya ay maging magaling:
Dapat na maging internally driven ang motibasyon ng inyong anak. Hindi ito dapat nakabase sa parental threats, lost power struggle, at middle-of-the-night panic attacks. Kung made-develop ng inyong anak ang kaniyang motibasyon, mas mabuting maging personal ito sa kaniya.
-
Importanteng ma-define ng inyong anak ang success nang hindi nalilimita sa social standard.
Mahalagang malaman niya na hindi ito nakikita lang sa pagkakaroon ng magandang grado, pagpasok sa magandang kolehiyo, pagkakaroon ng magandang trabaho, at pagkita ng malaking pera.
-
Ang pinakamahalagang goal ay makilala ng inyong anak ang set of values niya.
Once na may own concept na siya ng achievement ay unti-unti na ring kusang made-develop ang kaniyang motivation.
Ang sense of pride ay ang mararamdaman ng inyong anak habang unti-unti niyang binubuo ang “better version” ng kaniyang sarili. Para itong inner voice na tutulong sa kaniyang makilala ang kaniyang sarili, ang kaniyang mga paniniwala, at kung anong gusto niyang ma-achieve sa buhay.
-
Ang authentic pride ay hindi tungkol sa pakiramdam na mas magaling ang inyong anak kompara sa iba.
Kapag genuinely proud ang inyong anak, maa-appreciate niya ang lahat ng tumulong sa kaniya na ma-achieve ang kaniyang goal at maging magaling.
Importanteng malaman ng inyong anak ang halaga ng accountability sa mga desisyong gagawin. Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng confidence na lumabas sa kanilang comfort zone at i-pursue ang mga goal na in line sa kanilang values. In addition, matutuklasan nila ang kanilang mga kakayahan at magiging proud sa mga kayang gawin.
Larawan kuha ng Rodnae Productions mula sa Pexels
BASAHIN:
Matatakuting bata ang anak? Subukan ang 5 tips na ito para sa kanya
4 basic anger expressions para matulungan na i-manage ang galit ng bata
5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro
5 paraan para matulungan ang anak na lalaki na maging magaling at achiever
Narito ilang dapat tandaan kung nais tulungan ang inyong anak na maging magaling:
Dapat na i-encourage ang inyong mga anak na gumawa ng mga bagay na ikaka-proud niya. Dapat nakasentro ito sa kaniyang pride at hindi sa pride ng magulang.
Halimbawa, tinatamad gumawa ng assignment ang inyong anak, maaari mong sabihing, “kung proud ka diyan, sige lang.” In that way, kusang maiisip ng inyong anak kung ano ba ang mga bagay na dapat niyang ika-proud at hindi.
Ang kagandahan sa ganitong approach, ay maipapaunawa mo sa inyong anak na gusto mong gawin niya ang mga bagay na makakabuti sa kaniya sa paraan na ikaka-proud niya.
Mabisang paraan para matulungang maging magaling ang inyong anak kung tutulungan siyang magkaroon ng mataas na confidence.
With this, tataas ang tiwala niya sa kaniyang sarili na magagawa niyang ma-achieve ang goal na nais abutin. Ipaalala sa inyong anak na naniniwala kayo na sila ay magaling. Maaari ring ipaalala sa kanila ang mga past achievements para ma-motivate sila na kayanin ang present challenges.
Larawan kuha ni Karolina Gabowska mula sa Pexels
-
Ipaliwanag kung bakit kailangan nilang gawin ang isang bagay
Mahalagang naiintindihan ng inyong anak kung anong maidudulot ng bagay na kailangan nilang gawin. Halimbawa sa paggawa ng assignment, makakatulong kung ipapaliwanag mo sa kaniya ang halaga ng paggawa nito at ang consequences kung hindi niya ito gagawin.
Iwasang ikompara sila sa ibang bata. Mas mahalagang matutunan ng inyong anak na maging mas magaling para sa kanilang sarili.
Sa bawat pagkakataon na mayroon silang gagawin, dapat na balikan kung paano nila ginawa ang mga dating gawain at mula roon ay mas galingan pa nila.
Mabuting bata pa lang ay marunong nang mag set ng goal ang inyong mga anak. Turuan sila kung paano i-manage ang kanilang oras sa loob ng isang araw. Halimbawa, ipaalala sa kanila na gumawa muna ng assignment bago manood ng tv o maglaro.
Mahalaga ang gabay ng magulang para maging magaling ang anak. Ngunit huwag ding kakalimutan na hayaang ma-enjoy ng inyong anak ang kaniyang learning development.
Huwag masyadong i-pressure na matutunan na niya ang lahat sa maikling panahon. Importante ang open communication sa pagitan ng magulang at anak. At ang suporta at pagmamahal ng parents ang isa sa pinakalamakas na force na magmomotivate sa mga anak na maging magaling.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!