Sexy na katawan at tone abs, ito ang ibinida ni Coleen Garcia sa kaniyang pinaka-latest na Instagram post. Netizens napa-wow na lang sa mabilis na pagbalik ng dating katawan ng actress-TV host.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagpapayat ni Coleen Garcia matapos manganak
- Advice sa mga nanay kung paano magpapayat matapos manganak
Coleen Garcia postpartum body/ Image from Coleen Garcia’s Instagram account
Coleen Garcia postpartum sexy body
Nitong Setyembre 10 ay isinilang ni Coleen Garcia ang panganay nilang anak ng mister na si Billy Crawford. Ito ay isang baby boy na pinangalanan nilang Amari. Bilang isang first-time mom ay inamin ni Coleen na siya ay nahirapan sa panganganak. Pati na sa pag-aalalaga sa kaniyang unico hijo. Pero sa pinaka-latest na Instagram post ng aktres may isang bagay siyang nagawa ng mabilis na maraming mommy ang nangangarap na ma-achieve. Ang maibalik sa dating kaseksihan ng kaniyang katawan tulad ng bago pa lang itong magbuntis. Dagdag pa ang tone abs nito na mapapa-sana all ka nalang talaga pagkakita mo.
Ayon sa Instagram post ni Coleen, na-achieve niya ito sa pamamagitan ng pag-iexercise na ginagawa niya 30 minutes at a time. Habang binabantayan ang kaniyang baby Amari. Dagdag pa ng aktres ito na ang new normal para sa kaniya. At ngayon lang ulit siya nakapag-suot ng leggings na huli niyang nagawa noong nasa first trimester palang siya ng pagbubuntis kay Amari.
“Doing things 30min at a time while keeping my eyes glued to the baby monitor—all part of my new normal 🙃 Also managed to put leggings on for the first time since my first trimester lol”
Ito ang pahayag ni Coleen Garcia sa kaniyang Instagram post.
View this post on Instagram
Reaksyon ng mga netizens
Ang mga netizens, napa-wow at napa-sana all nalang sa post na ito ni Coleen.
“Wow❤️❤️❤️ after i gave birth my body wasnt like that!!! Hard work really pays off!”
“Grabe parang Hindi nanganak! 😍 Sexy na ulit amazing 🤩 👏🏻😍”
“Parang d na nganak..how to be you po💪”
“Woaah i gave birth 4months ago but my tummy wasn’t like that .. life is so unfair 😭🤣😅”
Pati nga celebrity mommies ay na-amaze sa mabilis na pagbabalik-alindog ni Coleen. May isa nga sa mga netizen ang nagtanong kung paano na-achieve ito ni Coleen. Ang sagot ng aktres ay sa pamamagitan ng breastfeeding at pabiro pang sinabi na ito ay na-achieve niya rin sa tulong ng tamang anggulo.
Pero paano nga ba magpapayat ng safe pagkatapos manganak? Narito ang ilang tips na makakatulong sa inyo mga mommies.
BASAHIN:
STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak
Ano ang postpartum preeclampsia? Mga mahalagang impormasyon tungkol dito
16 na bagay na dapat malaman ng mga bagong panganak na nanay
Safe pampayat tips pagkatapos manganak
Ang unang dapat isaisip ng mommies na nagnanais na mawala agad ang kanilang baby weight ay ang pagiging realistic. Dahil ayon sa isang 2015 study, inaabot ng isa hanggang dalawang taon pagkatapos manganak bago makapag-lose ng 10 pounds o 4.5 kilograms ang karamihan ng mga babae. Para magawa ito ay kailangan ng good eating plan at pag-i-exercise. Dapat din bago gumawa ng mga adjustments o kahit anumang pampayat regime ay dapat may go signal ito mula sa iyong doktor.
Hindi rin dapat bigla-biglang mag-crash diet. Dahil ang iyong katawan ay kinakailangan ng good nutrition para sa iyong healing at recovery.
Ang ilan sa mga paraan na maaari mong gawin upang safe na maalis ang iyong baby weight pagkatapos manganak ay ang sumusunod:
1. Magpasuso hanggang kaya.
Ayon sa mga pag-aaral, ang breastfeeding ay makakatulong sa pagpapayat ng isang babaeng bagong panganak. The best din ito para sa iyong baby. Dahil rekumendasyon ng World Health Organization o WHO ay makakabuti ang exclusive breastfeeding para sa unang 6 na buwan na iyong sanggol. Ito’y dahil nagtataglay ang breastmilk ng nutrients na kailangan ni baby para sa kaniyang healthy growth and development. Nagtataglay rin ito ng antibodies na nakakatulong sa paglaban ni baby sa mga virus, bacteria at mga sakit. Binabawasan rin nito ang tiyansa ng isang sanggol na magkaroon ng asthma, obesity, type 1 diabetes, respiratory disease, ear infections, sudden infant death syndrome (SIDS), at gastrointestinal infections. Pinapababa rin nito ang tiyansa ng isang ina na makaranas ng high blood pressure, type 2 diabetes, breast cancer, at ovarian cancer.
2. I-monitor ang iyong calorie intake.
I-monitor ang iyong calorie intake sa pamamagitan ng pagkakaroon ng food diary o kaya naman ay gumamit ng mobile calorie tracking app. Siguraduhin lang na sapat na amount ng calories ang nako-consume mo araw-araw. Kumain lang ng mga masusustansiyang pagkain at siguraduhing sapat lang ang laki o dami nito na kailangan ng iyong katawan.
3. Kumain ng mga pagkaing rich in fiber.
Ang mga pagkaing rich in fiber tulad ng grains at vegetables ay makakatulong sa iyong pagpapayat. Dahil sa ang mga ito ay nagbibigay sa ‘yo ng mas matagal na feeling ng kabusugan. Sapagkat pinapabagal nito ang iyong digestion at binabawasan ang iyong hormone levels ayon sa isang 2015 study.
4. Kumain ng protein-rich foods.
Ang pagkain na rich in protein ay nakakatulong para ma-boost ang iyong metabolism. Binabawasan rin nito ang iyong appetite sa pagkain, pati na ang iyong calorie intake.
Ang mga pagkaing rich in protein ay ang sumusunod:
- lean meats
- eggs
- low mercury fish
- legumes
- nuts and seeds
- dairy
Food photo created by freepic.diller – www.freepik.com
5. Iwasang kumain ng matatamis na pagkain.
Ang mga matatamis na pagkain lalo na ang nagtataglay ng refined carbs ay may mataas na calorie level. Nagpapataas din ito ng tiyansa mong makaranas ng diabetes, heart disease, cancer, at cognitive decline. Kaya naman mabuting iwasan nalang ang mga ito. Ilan sa mga pagkaing matatamis na na dapat iwasang kainin ay ang sumusunod:
- sugary drinks
- fruit juice
- kahit anong uri ng refined sugar
- white flour
- sweet spreads
- cakes
- biscuits
- pastries
6. Iwasan ang pagkain ng mga highly processed foods.
Ang processed foods ay nagtataglay ng high amount of sugar, unhealthy fats, salt, at calories. Ang mga ito’y hindi healthy para sa iyong pagpapapayat. Kaya tulad ng matatamis na pagkain, dapat ding iwasan ang pagkain ng mga ito. Ilan sa halimbawa ng mga processed foods ay ang sumusunod:
- fast foods
- prepackaged foods
- chips
- cookies and baked goods
- candy
- ready meals
- boxed mixes
- processed cheeses
- sugary cereals
7. Mag-exercise.
Ang mga cardio exercises tulad ng walking, jogging, running, cycling, at interval training ay malaki ang maitutulong sa pag-buburn ng calories ng iyong katawan. Ini-improve din nito ang iyong heart health at binabawasan ang iyong tiyansa na makaranas ng diabetes at cancer.
Ayon sa CDC, ang aerobic exercise ay makakatulong rin sa fat loss at improvement ng iyong heart health. Dapat lang tandaan na ang iyong stomach at pelvic area ay kailangan ng oras para mag-heal at mag-recover. Lalo na kung ikaw ay nanganak sa pamamagitan ng cesarean delivery. Kaya para makasigurado, mabuting hingin muna ang go signal ng iyong duktor bago sumubok ng anumang uri ng exercise.
8. Manatiling hydrated.
Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay nakakatulong rin sa pag-aalis ng baby weight. Dahil sa ito’y nagbibigay sa ‘yo ng increase sense of fullness at nag-stimulate ng iyong metabolism.
9. Kumuha ng sapat na tulog hangga’t maaari.
Bagamat mahirap ay dapat kumuha ng sapat na tulog hangga’t maari. Dahil ang kawalan ng sapat na tulog ay nakaka-apekto sa iyong timbang. Para maisagawa ito ay dapat humingi ng tulong sa mga tao sa iyong paligid sa pag-aalaga sa iyong bagong silang na sanggol.
Source:
Healthline
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!