Mommy nagnanais ka bang mapag-congenital anomaly scan, narito ang presyo ng congenital anomalyscan price sa ilang ospital at diagnostic clinic sa Metro Manila.
Mababasa sa artikulong ito:
- Presyo ng congenital anomaly scan sa ilang ospital
- Mga ospital kung saan mayroong congenital anomaly scan
- Ibig sabihin ng congenital anomaly scan
Ano ang Congenital Anomaly Scan?
Larawan mula sa iStock
Bilang magulang ninanais natin na lumaking normal ang ating mga anak o walang birth defects kapag ipinanganak. Ngunit may iba sa atin na hindi napagbibigyan na maranasan ito. Mabuti na lang sa tulong ng teknolohiya ay nabuo ang tinatawag na congenital anomaly scan. Ito ang pregnancy scan na isinasagawa sa 18-20 weeks ng pagbubuntis na ang goal ay matukoy kung may abnormalities ba ang sanggol na ipinagbubuntis.
Ayon sa pag-aaral, ang congenital abnormalities at birth defects ay maaaring makaapekto sa 2-3% ng lahat ng pagbubuntis. Karamihan sa mga ito ay maituturing na minor abnormalities. Habang ang iilan naman ay maituturing na major defects na kailangan ng agarang gamutan o solusyon. Maaari ring magkaroon ng special arrangement sa panganganak o postnatal treatment.
Paano ito isinasagawa?
Ang pagsasagawa ng congenital anomaly scan ay tulad din ng pagsasagawa ng ultrasound scan upang malaman ang kasarian o gender ni baby. Isinasagawa ito sa tulong ng sonographer. Bagama’t kumpara sa ultrasound scan, ang congenital anomaly scan ay mas detalyado o mas tinitingnan ang bawat bahagi ng katawan ng lumalaking sanggol sa sinapupunan. Ang mga bahagi o structures ng katawan na tinitingnan sa congenital anomaly scan ay ang sumusunod:
Larawan mula sa iStock
- Ulo at utak ni baby
- Mukha
- Spine
- Puso
- Diaphragm
- Tiyan
- Abdominal wall
- Kidney, Bladder
- Extremeties (Femur at humerus length)
- Placenta, umbilical cord
- Amniotic fluid
- Uterine artery
Ito’y sa paunang ulat ni Irish Manlapaz. Basahin ang buong ulat rito.
BASAHIN:
Mga sakit na maaaring matukoy sa pamamagitan ng Congenital Anomaly Scan
Maaari bang magkamali ang ultrasound sa gender at due date ni baby?
Congenital anomaly scan: Bakit ito mahalagang gawin ng buntis?
Ang mga congenital abnormalities na maaaring matukoy ng congenital anomaly scan?
- Spina bifida
- Anencephaly
- Hydrocephalus
- Congenital heart disease
- Gastroschisis
- Major kidney problems
- Major limb abnormalities
- Diaphragmatic hernia
- Cleft lip and palate
- Down’s syndrome o Trisomy 21
Price range ng congenital anomaly scan sa ilang ospital sa Metro Manila
Larawan mula sa iStock
1. The Medical City
Address: Ortigas Ave, Pasig, Metro Manila
contact number: (02) 8988 1000
Congenital anomaly scan price: 4,400
2. Hi-Precision Diagnostics
Customer Care Hotline: 8741-7777
Congenital anomaly scan price: 2,800
*Know there locations and branches here
3. Makati Medical Center
Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, 1229
Contact number: 02) 8888 8999
Congenital anomaly scan: 4,000
4. ManilaMed – Medical Center Manila
Address:850 United Nations Ave, Paco, Manila, Metro Manila
Contact number: 8523 8131
Congenital anomaly scan price: 4,988
5. Manila Doctors Hospital
Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila
Contact number: (02) 8558 0888
Congenital anomaly scan: 5,577
6. St. Luke’s Medical Center Quezon City
Address: 279 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City, 1112 Metro Manila
Contact number: (02) 8723 0101
Congenital anomaly scan: 5,577
7. Fatima Medical Center
Address: 120 MacArthur Highway, Valenzuela, 1440 Metro Manila
Contact number: (02) 8291 6538
Congenital anomaly scan price: 2,310
Address: 23 Sumulong Hwy, Sta. Cruz, Antipolo, 1870 Rizal
Contact number: (02) 8727 8845
Congenital anomaly scan price: 2,310
Tawagan ang kanilang mga hotline para sa iba pang detalye.
Halaga nang pagsasagawa ng congenital anomaly scan
Isinasagawa ito sa pagitan ng 18 to 24weeks ng pagbubuntis. Tinatawag din itong Second Trimester Fetal Development Anomaly Scan o 20-week ultrasound scan. Sa pamamagitan nito maaaring malaman ang development ng baby sa loob ng sinapupunan ng nanay. Dahil sa scan na ito maaaring matukoy agad ang kundisyon ni baby at maaaring maagapan ang mga sakit o kumplikasyon ni baby. Gayundin, maaaring maihanda ka nito sa anumang kundisyon ng iyong anak kapag siya’y naisalang na.
Source:
themedicalchambers
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!