TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bomba sumabog sa loob ng isang mall; 2 patay, 28 sugatan

3 min read
Bomba sumabog sa loob ng isang mall; 2 patay, 28 sugatan

Sa kasamaang palad, kabilang sa mga nasaktan sa nangyaring Cotabato City mall blast ang isang 4 na taong gulang na batang babae

Bago pa matapos ang nakaraang taon ay mayroong nangyaring trahedya sa isang mall sa Cotabato City. Sa nangyaring Cotabato City mall blast, 2 tao ang nakumpirmang patay, at nasa 28 ang sugatan, kabilang na ang isang 4-taong gulang na bata.

Sino ang may kagagawan ng karumaldumal na krimeng ito? At ano ang dahilan para dito?

Cotabato City mall blast: Natukoy na ang posibleng gumawa nito

Ayon sa mga ulat, nangyari daw ang pagsabog ng 1:59 ng hapon, noong bisperas ng Bagong Taon. Mayroon daw sumabog na IED o improvised explosive device sa labas ng South Seas Mall sa Cotabato City.

Base sa naging imbestigasyon ng mga pulis, may mga nakakita raw sa isang hindi kilalang lalaki na nasa lugar. Nagbaba raw ito ng isang nakabalot na kahon ilang segundo bago mangyari ang pagsabog.

Pinaghihinalaan na ang pagsabog ay kagagawan daw ng mga militanteng grupo na kaanib ng ISIS. Ang bomba raw ay ginawang paghihiganti ng militanteng grupo para sa ilan nilang miyembro na napatay ng militar.

Bukod sa sumabog na bomba sa mall, may natagpuan at narekober pang isang bomba ang mga awtoridad sa lugar.

Dahil sa nangyaring insidente, 2 tao ang kumpirmadong patay, at 28 ang sugatan, kabilang na ang 4-taong gulang na si Norlyn Biruar. Ang mga sugatan ay nadala agad sa ospital upang malapatan ng paunang lunas at magamot ang kanilang natamong pinsala.

Mahalaga ang kaligtasan ng ating pamila

Nakakalungkot na sa mismong simula ng bagong taon ay may mga taong gustong manakit ng kanilang mga kapwa. At para sa mga magulang, nakakatakot isipin na nangyayari ang mga ganitong bagay, kahit pa sa mall na inaakalang ligtas na lugar.

Kaya’t mahalaga sa mga magulang na alam ang kanilang gagawin kung sakaling may mangyaring sakuna sa labas ng kanilang tahanan. Heto ang ilan sa mga safety tips na dapat ninyong tandaan:

  • Maging mapagmasid sa paligid. Lumayo sa mga kahina-hinalang tao, at sa mga kahina-hinalang bag, kahon, o lalagyan.
  • Huwag hayaang lumayo ang inyong mga anak. Palagi silang bantayan, o kaya ay hawakan ang kanilang mga kamay upang hindi kayo magkahiwalay.
  • Kung sakaling mawala ang inyong mga anak sa mall, turuan sila kung saan dapat pumunta at sino ang mga taong hahanapin.
  • Magdala palagi ng cellphone na puwedeng gamitin upang humingi ng tulong.
  • Manood palagi ng balita, at alamin kung mayroon bang panganib ng mga pagsabog, sa inyong lugar. Mabuti na ang manatili sa bahay kung sakaling naglabas ng red alert ang gobyerno.
  • Tandaan, mahalaga ang kaligtasan ng iyong mga anak, at palaging isaalang-alang ang kanilang kaligtasan.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

 

Source: Mindanews

Basahin: Sanggol napugutan ng ulo habang nakasakay sa motor

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Bomba sumabog sa loob ng isang mall; 2 patay, 28 sugatan
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko