Nakita sa panibagong COVID-19 study na ang vaping o paggamit ng e-cigarette ay nakakapagpataas ng tyansa na magkaroon ng nasabing virus.
COVID-19 vaping study: Mas mataas ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga gumagamit nito
Ang pag-aaral na ito ay nakalimbag sa online site na Journal of Adolescent Health. Pinag-aralan rito ang epekto ng COVID-19 sa mga taong madalas gumagamit ng vape lalo na ngayong may banta ng nakamamatay na virus.
Masamang epekto ng vape | Image from Unsplash
Kabilang sa pag-aaral na ito ang mga kabataang isinailalim sa COVID-19 test. Nakita na ang mga taong gumagamit ng e-cigarette o vape ay 5-7 times na maaaring magkaroon ng COVID-19 kumpara sa mga hindi gumagamit nito.
Kinuhaan ng data ang 4,351 na participants na mula edad 13 to 24. Tinanong sila sa mga ginagamit na sigarilyo. Kung ito ay vape ba o sigarilyo na nabibili sat tindahan.
Ayon sa senior author ng nasabing pag-aaral na si Bonnie Halpern-Felsher, PhD, ang mga kabataang gumamait nito ay kailangang mag-ingat. Ito ay dahil madali silang kapitan ng COVID-19 dahil may epekto sa pagsira ng iyong lungs ang paggamit ng vape.
“Teens and young adults need to know that if you use e-cigarettes, you are likely at immediate risk of COVID-19 because you are damaging your lungs.”
Nagbigay rin ng pahayag ang lead author ng pag-aaral na si Shivani Mathur Gaiha, PhD tungkol dito. Ayon sa kaniya, inaakala ng mga bata ay hindi na sila makakapitan ng COVID-19 dahil sa kanilang edad.
“Young people may believe their age protects them from contracting the virus or that they will not experience symptoms of COVID-19, but the data show this isn’t true among those who vape,”
Ngunit malinaw sa nakuhang data na maaaring maging mataaas ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga gumagamit nito.
“This study tells us pretty clearly that youth who are using vapes or are dual-using [e-cigarettes and cigarettes] are at elevated risk, and it’s not just a small increase in risk; it’s a big one.”
Napag-alaman ng ang mga kabataang gumagamit ng sigarilyo at e-cigaretter ay 5 to 7 times more likely na magkaroon ng COVID-19
Samantala, kailangan pa ng mamalim na pag-aaral para ito.
Masamang epekto ng vape | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
COVID-19 vaping study | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
Science Daily
BASAHIN:
COVID-19 natagpuan sa frozen seafood sa China
Mas mataas nga ba ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga matatangkad?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!