Alam niyo ba na may ilang mga lalaki na gustong nangangaliwa ang kanilang asawa?

lead image

Ano ba ang tinatawag na cuckolding fetish, at bakit mayroong mga lalaki na gusto kapag nangangaliwa ang kanilang mga asawa?

Kung tatanungin mo ang karamihan ng mga lalake, siguradong hinding-hindi sila papayag na mangaliwa ang kanilang asawa. Karamihan sa atin ay naniniwalang mahalaga ang pagiging loyal, at marami ring taong seloso pagdating sa kanilang mga asawa. Ngunit alam niyo ba na mayroong tinatawag na cuckolding fetish, o isang sexual fetish kung saan gusto ng mga lalake na nangangaliwa ang kanilang mga asawa?

Bukod dito, gusto rin nilang nagkkwento sa kanila ang kanilang mga misis. Para sa kanila, nakakadagdag ito sa kanilang excitement at arousal.

Ano ang cuckolding fetish?

Ang cuckolding ay nagmula sa salitang cuckold, na ang ibig sabihin ay isang lalake na nangangaliwa ang asawa. Para sa mga taong may fetish sa cuckolding, gusto nilang nangangaliwa ang kanilang asawa. Nagbibgay ito ng excitement sa kanila, at sila pa mismo ang napapakwento ng mga sexual escapades sa kanilang misis.

Ayon sa mga mayroong ganitong fetish, may consent o pahintulot na mangaliwa ang kanilang mga asawa. At kahit na maraming kinakasawa ang kanilang mga misis, hindi raw nito ibig sabihin ay maghihiwalay sila. Ang kabaligtaran nga raw ang nangyari, at lalo pa raw tumibay ang kanilang pagsasama dahil dito.

Ang kuwento ni Ben

Si Ben, isang computer systems administrator, ang nagsabi sa kaniyang asawa na interesado siya sa cuckolding. Ayon sa kaniya, exciting raw panoorin ang kaniyang asawa na nakikipagsex sa iba. At dagdag pa niya, gustong-gusto raw niyang nakikita ang kaniyang asawa na masaya, at satisfied sa sex, kahit na ibang lalake ang kasama niya.

Madalas rin daw silang mag-usap ng kaniyang asawa, at open ang kanilang communication tungkol dito. Napatibay pa raw nito ang kanilang samahan, at kampante siya na hindi siya iiwan ng kaniyang misis.

Aniya, mayroon daw mga pagkakataon na siya ay nagseselos, o nakakaramdam ng takot na baka iwanan siya ng kaniyang asawa. Pero paglaon ay nawala rin ang mga pangamba na ito, at may tiwala naman daw sila sa isa't-isa.

Ang kuwento ni Oscar

Si Oscar naman ay isang marketing manager. Mayroon daw silang long-distance relationship ng kaniyang fiancée, at dahil dito hindi sila madalas na nakakapagkita para mag-sex. Minsan raw ay sinubukan ng kaniyang fiancée na magkwento tungkol sa isang nakaraang sexual experience niya, at na-excite dito si Oscar. Doon na nagsimula ang pag-explore nila ng kaniyang cuckolding fetish.

Ayon kay Oscar, hindi naman daw naging problema ito sa kanila, dahil mayroon silang long-distance relationship. Mas sexually active raw talaga ang kaniyang fiancée, at hinahayaan niyang makipag-sex ang fiancée niya sa ibang mga lalake para ma-satisfy ang kaniyang pangangailangan.

Iba-iba ang sexual fetish ng mga tao. May kaniya-kaniyang 'kink' at 'turn-ons' ang lahat, at normal lang na ang gusto ng isa ay maging kakaiba para sa iba. Ang mahalaga ay magkaroon ng consent, at pag-usapang mabuti ang ganitong mga bagay. Basta't walang masasaktan, at walang makakasakit, hindi naman siguro magiging problema kung mayroon kang cuckolding fetish.

 

Source: Men's Health

Basahin: Jackie Chan admits to cheating on his wife and abusing his son in new book

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!