TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

ALAMIN: Advantages at disadvantages ng cup feeding sa baby

5 min read
ALAMIN: Advantages at disadvantages ng cup feeding sa baby

Cup feeding sa baby mas inirerekumenda kaysa sa bottle feeding ng mga eksperto. Narito ang dahilan kung bakit

Cup feeding sa baby, narito ang mga advantages at disadvantages ng feeding method na ito.

Cup feeding sa baby

Ang cup feeding sa baby ay tumutukoy sa pagbibigay ng gatas sa sanggol gamit ang isang cup. Ayon sa World Health Organization o WHO, mas mainam na alternative method ito ng pagbibigay ng gatas sa mga sanggol na hindi makasuso ng breastmilk na dulot ng isa sa sumusunod na dahilan.

cup feeding sa baby

Image from Freepik

  • Ang baby ay premature o mahina kaya naman wala siyang lakas upang sumipsip ng gatas mula sa suso.
  • Nakakaranas ng hirap sa pagsuso ang isang sanggol. Maaring dahil sa sobrang antok, may inverted nipples ang ina, may tongue ties o iba pang latching problems.
  • Hindi pa well-established ang pagpapasuso lalo na sa unang 6 na linggo ng sanggol.
  • Ang ina ay kailangang umalis o bumayahe o kaya naman ay may cracked nipples at kailangan lang munang mag-express ng kaniyang gatas.

Advantages ng cup feeding sa baby

Bagamat mahirap ito kung titingnan kaysa sa pagpapadede sa isang bata gamit ang feeding bottle, ayon sa mga eksperto ay mas mainam ito at mas maraming advantages. Ang mga ito nga ay ang sumusunod:

  • Ang cup feeding sa baby ay maaring magsimula mula sa 29 weeks gestational age ng isang sanggol. O maaring gawin sa mga babies na ipinanganak ng premature at 7 months palang na ipinagbuntis.
  • Sa pamamagitan ng cup feeding ay mas makaka-feed ang baby sa paraan na komportable sa kaniya. Ito ay nag-iimprove ng oxygen saturation at mas physiologically stable.
  • Naiiwasan rin ang nipple confusion sa cup feeding hindi tulad ng sa bottle feeding. Kaya naman hindi ma-coconfuse ang sanggol kung siya ay i-brebreastfeed o pasususohin.
  • Mas madaling linisan ang mga cups kaysa feeding bottles. Hindi rin kailangan pang bumili nito dahil kahit anong cups ay maaring gamitin. Basta ito ay sasakto sa maliit na bibig pa ng sanggol.
  • Sa cup feeding ay naihahanda ang sanggol para sa breastfeeding. Dahil sa naii-encourage nito ang dila ng sanggol na lumabas o gumalaw para sa makakuha at makasipsip ng gatas.
  • Naiiwasan rin sa cup feeding ang teeth misalignment at abnormal development ng jaw ni baby. Ito ang dalawa sa sinasabing disadvantages o epekto ng pag-bobottle feed sa mga baby.
  • Nakakaiwas rin sa tooth decay ang mga sanggol sa cup feeding kaysa sa bottle feeding. Dahil ayon sa mga eksperto ang pagkababad ng mga ngipin ng sanggol sa artificial nipples ay nagdudulot ng tooth decay. At may posibilidad pang makagat nila ang artificial nipples at malunok na isang choking hazard.
  • Sa cup feeding ay naiiwasan ang over-feeding kay baby. Dahil kusang titigil ang baby sa pagkuha o pag-sip ng gatas sa oras na siya ay busog na.
cup feeding sa baby

Image from Global Health Media

Disadvantages ng cup feeding sa baby

May mga disadvantages rin ang cup feeding sa mga sanggol bagamat ang mga ito ay maaring maiwasan. Ito ay ang sumusunod:

  • Maaring makaranas ng aspiration o choking ang isang sanggol kung hindi ito magawa ng tama.
  • Mas matagal ang feeding ni baby.
  • May pagkakataong mas maraming gatas ang masasayang sa cup feeding.
  • Hindi ito nakakatulong na mas mapalakas ang milk supply ng isang ina.

Paano maisasagawa ng tama ang cup feeding

Para maturuan ng tamang paraan ng pagsasagawa ng cup feeding kay baby ay mas mainam na makipag-ugnayan sa isang health care professional. Ngunit bilang ideya at pangunang kaalaman, narito ang ilang mahahalagang impormasyon na magiging gabay sa pag-cucup feed kay baby.

cup feeding sa baby

Image from Breastfeeding Education video

  • Siguraduhing gising at alerto si baby kung siya ay bibigyan ng gatas sa pamamagitan ng cup feeding. Saka siya i-pwesto ng tila paupo o naka-upright position sa iyong kandungan. Lagyan siya ng bib o panyo sa kaniyang baba para maiwasang tumulo o kumalat ang gatas sa kaniyang katawan.
  • Gumamit ng maliit na cup na may makinis na bunganga. Maaring ito ay medicine cup shot glass o tea cup. Pupwede rin ang takip ng bote o dede ng mga sanggol.
  • Lagyan ng gatas ang cup na gagamitin. Huwag itong punuin. Maaring hanggang sa kalahati lang ng cup o 2/3 lang nito.
  • Kung kinakailangan ay ibalot sa blanket ang sanggol para hindi niya mahawi o askidenteng matabig ang cup.
  • I-puwesto ang bunganga ng cup sa ibabang labi ni baby. At bahagya itong itaas na kung saan maari ng maabot ng dila ni baby ang gatas.
  • Huwag itatapon o ibubuhos sa bibig ni baby ang gatas na laman ng cup. Hayaan siyang kusang kumuha rito gamit ang kaniyang dila. Mahalagang bahagyang galawin ang cup upang tumama sa lips ni baby ang gatas mula rito at hanggang sa ito ay maubos.
  • Kung bahagyang titigil si baby sa pag-sip ng gatas ay huwag tanggalin o ilayo ang cup sa kaniyang bibig. Maliban nalang kung siya ang kukusang lalayo o aayaw na dito.
  • Pa-dighayin o burn si baby matapos ang cup feeding.

 

Source:

Partner Stories
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

Breastfeeding Support, Healthline

Basahin:

Tips kung paano babalik sa breastfeeding pagkatapos ng bottle feeding

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • ALAMIN: Advantages at disadvantages ng cup feeding sa baby
Share:
  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko