Sa paghahanap ng names para sa mga baby, madalas gusto ng mga mommy at daddy na cute at healthy itong pakinggan at banggitin. Isa ka rin ba sa mga mommy at daddy na naghahanap ng mga cute healthy baby names para sa iyong supling o magiging supling?
Maaari mong mabasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- 12 cute healthy baby names for a boy
- 12 names for girls that means healthy
Ang isa sa mga pinag-iisipan ng magulang ay ang pangalan na ibibigay sa kanilang magiging anak. Ilan sa paraang ginagawa ng mga magulang ang pagsubok na pagsamahin ang kanilang mga pangalan o maging ang pangalan ng kanilang magulang para sa kanilang anak.
Para sa lahat ng parents, isa sa mga gusto nating ma-achieve ay magandang kalusugan para sa inyong mga anak. Kaya naman pati sa pangalan ay may mga mommies at daddies na pinag-iisipan at nagsi-search related para sa good health ng mga baby.
Alamin dito ang mga names na pwedeng ipangalan sa inyong baby that means healthy.
12 cute healthy baby names for a boy
- Arnie – Nagmula ang pangalan na ito sa old english na pangalang Arnold, nangangahulugan itong “ruler as strong as an eagle”
- Jian – isang Chinese na pangalan na nangangahulugang “strong, healthy
- Kenji – Isang Japanese na pangalan na may kahulugang “healthy and strong” o “malusog at malakas
- Omar – ito ay nangangahulugang “long life”. Ang Omar din ay parehong may Hebrew at Arabic na pinagmulan.
- Salvio – nangangahulugan itong “cured” o gumaling, isang Latin na pangalan.
- Alaunus – Pangalan ng Sun God sa Gaulish. Nangangahulugan din itong prediction (hula), at revenge (paghihiganti). Ito rin ay may kaugnayan sa Greek god na si Apollo. Ang pangalang Alaunus ay nagpapahiwatig ng ‘brightness’ o ningning.
- Arpachshad – isang jewish na pangalan na nangangahulugang “healer or helper”. Ito rin ang pangalan ng isa sa mga anak ni Shem, pinakamatandang anak ni Noah. Maaari ding gamitin ang isa pang baryante nito na Arphaxad.
- Heka – Ang God of Heka ay isang ancient Egyptian god na may kaugnayan sa wellness, healing at health. Ang pangalan ding ito ay madaling i-spell.
- Hickey – ang pangalan na ito ay nagmula sa Israel at nangangahulugang healer o manggagamot.
- Ken – Panglalaking pangalan na mayroong iba-ibang pinagmulan. Sa Japanese, ang ibig sabihin ng Ken ay “strong and healthy boy” o malakas at malusog na lalaki.
- Melchi – Melchi-Shua ay pangalan na nagmula sa Israel. Sa Israeli, nangangahulugan ang pangalan na ito bilang “the king of health” or “a magnificent king”
- Wong – Ang pangunahing pangalan ng Chinese god na mayroong kapangyarihan ng pagpapagaling (healing)
-
Loading...You got lucky! We have no ad to show to you!
12 names for girls that means healthy
- Isa – isang German na pangalan na nangangahulugang “strong-willed” o malakas na loob
- Sadia – isang Portuguese na pangalan na nangangahulugang “healthy”
- Valentina – nangangahulugang “good health” o mabuting kalusugan
- Zoe – isang Greek na pangalangan na nangangahulugang “life” o buhay
- Keola – nangangahulugang ‘life’ o ‘alive’, nagmula ang pangalan na ito sa Hawaii.
- Riki – isang indian na pangalan na nangangahulugang ‘healthy and powerful”
- Airmed – Ang pangalang Airmed ay nagmula sa Irish Mythology. Ang babaeng may pangalang Airmed ay kilala sa kaniyang abilidad o kakayahan na manggamot ng mga tao sa panahon ng labanan o digmaan. Mayroon pang alamat na ang halamang gamot (healing herbs) ay umusbong sa kaniyang mga luha at nakagamot ng mga katawanag sugatan.
- Amethyst – nagamit ang amethyst sa paglunas at enchantment mula pa noon. Bilang ang Amethyst ay ang birthstone ng Pebrero, maaari itong magamit para sa isang batang babae na mula Pebrero.
- Brighid – tanda ng ‘strength and force’, ang pangalan ng goddess ng apoy (fire), verse, katalinuhan (intelligence) at paglunas (healing).
-
Eirny – Scandinavian na pangalan na nangangahulugang “new healing”
- Leigh – Maraming ibig sabihin ang Leigh. Sa Celtic, ang Leigh ay nagpapahiwatig ng “healer” o maggagamot. Ang pangalan na ito ay maaari ring i-spell bilang Leigha. Ito rin ay isang pang unisex na pangalan.
- Sirona – ang pangalang ito ay nabibilang sa Celtic healing goddess. Sa Eastern Gaul, ang pigura ng Sirona ay lumalabas sa mga carvings malapit sa mga German sulfur springs. Maging ang mga templo ay nakatayo malapit sa mga thermal springs at healing wells.
Mga mommies at daddies, ano at ano pa man ang maging pangalan ng inyong anak, inyong isaisip na upang manatili silang malusog, masaya at malayo sa sakit, malaki ang tulong ng pagkain ng mga masustansyang pagkain. Maging ang pagtulog ng tama sa oras.
Para sa iba pang idea about baby names, maaari mong basahin ang iba pa naming article tulad ng ‘Top Baby Names for 2022’, ‘Baby Names Para Sa Mga Parents Na Mahilig Sa Anything Korean’, at ‘Baby Names That Mean Lucky’.