Danica Sotto: "I tested positive for covid 2 weeks ago, two days after my booster shot."

Narito ang mga paalalang dapat sundin bilang proteksyon mula sa kumakalat na sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Danica Sotto ibinahagi ang naging karanasan ng maging positibo sa sakit na COVID-19. Maliban sa kaniya, dalawa niyang anak nagpositibo rin sa sakit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Karanasan ni Danica Sotto at kaniyang pamilya sa pagkakaroon ng sakit na COVID-19.
  • Mga natutunan ni Danica Sotto ng magpositibo sa kumakalat na sakit.

Danica Sotto and kids COVID experience

Image from Instagram

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng dating aktres na si Danica Sotto na siya at kaniyang mga anak ay nag-positibo sa COVID-19.

Kuwento ni Danica, dalawang linggo na rin ang nakakaraan matapos niyang malamang nahawaan siya ng sakit. Ito ay dalawang araw matapos niyang matanggap ang kaniyang COVID-19 booster shot.

Kaya naman akala niya noong una ang mga nararanasan niyang sintomas ay side effects lang ng bakuna. Pero nang mag-test siya lumabas na siya ay positibo na sa sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I tested positive for covid 2 weeks ago, two days after my booster shot. I thought side effects lang ng booster but when I woke up with sore throat and body aches I knew I had to take another test at ‘yon na nga nag-positive na.”

Ito ang kuwento ni Danica. Pagpapatuloy niya matapos ang dalawang araw ng malaman niyang positive siya sa COVID, sumunod na nagpakita ng sintomas ang mga anak niya.

Mabuti na nga lang daw at hindi nagpositibo ang mister niyang si Marc Pingris. Ganoon na rin ang mga kasambahay nila na siyang nag-asikaso sa kanilang bahay at mga kailangan habang may sakit siya.

“The kids started having symptoms 2 days after I had mine. They had sore throat, body aches and fever. Thankfully Marc and our helpers/angels at home were spared at wala na nagkasakit pa. I’m just so glad that it’s finally over! THANK YOU LORD!!!!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Laking pasalamat ni Danica na sa ngayon ay natapos na ang pakikipaglaban nila sa sakit. Sila ng kaniyang mga anak ay negative na sa COVID-19. Nagpasalamat din siya sa mga taong nagpapalakas ng loob niya noon at isinama siya at kaniyang mga anak sa mga dasal nila.

Mga natutunan ni Danica sa COVID-19 experience niya

Image from Instagram

Sa naging karanasan ay marami umanong natutunan si Danica. Ang mga natutunan niyang ito mahalagang maibahagi sa iba para na rin sa kaligtasan nila at dagdag na proteksyon mula sa kumakalat na sakit.

Ayon kay Danica, napakahalaga na magkaroon ng malusog na pangangatawan sa ngayon. Hinihikayat niya rin ang lahat na magpabakuna para sa dagdag na proteksyon at mas mabilis na recovery mula sa sakit. Dapat din sa oras na makaramdam ng sintomas ng sakit ay mag-patest na at higit sa lahat ay mag-quarantine na agad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Listen to your body. Get tested after a few days when you feel something is off or when you are exposed to someone who is positive.

If you have no way of getting tested and you know you were exposed or might be positive, pls stay home! Mag-self-quarantine ka na. Get help. There’s nothing to be ashamed of. Mas ok if may nasasabihan ka.”

Ito ang sabi pa ni Danica. Nakakatulong din umano ang pag-inom ng mga supplements tulad ng vitamin D, zinc at vitamin C. Para sa mga na-expose sa virus at sumailalim sa quarantine, pakiusap niya mabuting tapusin na muna ang quarantine bago lumabas. Ito ay para siguradong maayos na ang pakiramdam at hindi na makakahawa pa ng iba.

Si Danica ay kasal sa basketbolistang si Marc Pingis. Sila ay may dalawang anak na sina Anielle Micaela at Jean Michael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Instagram

BASAHIN:

Troy Montero ibinahagi na nagpositibo rin si Aubrey at kanilang mga anak sa COVID: “Not the reunion I was hoping for”

Ivana Alawi on COVID: “It’s no one’s fault—pero may kasalanan ka kung may symptoms ka tapos lumabas ka or ayaw mong magpa-test”

Vin Abrenica, Sophie Albert at kanilang baby Avianna nag-positibo rin sa COVID-19

Ano-ano ang mga sintomas ng COVID-19?

Patuloy na kumakalat ang sakit na COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa ngayon, may bagong variant nga ang lumalaganap na sinasabing mas nakakahawa kumpara sa mga naunang variants ng sakit. Ito ay ang Omicron variant na naitalang narito na rin sa Pilipinas.

Ayon sa mga eksperto, kung ikukumpara sa mga naunang variant tulad ng Delta, ang Omicron variant ay mas nakakahawa ngunit mild symptoms lang ang idinudulot sa taong mahahawaan nito. Ang mga ipinapakitang sintomas nito ay tulad lang sa sipon o common colds. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Ubo
  • Pagkapagod o pananakit ng katawan.
  • Barado o tumutulong sipon.
  • Sore throat o pananakit ng lalamunan.
  • Sakit ng ulo.

Paalala ng mga eksperto

Pahayag pa rin ng mga eksperto, ang mga mild symptoms na ito ng Omicron variant ay ang madalas na nakikita sa mga vaccinated o nabakunahan na ng COVID-19. Habang ang mga sintomas naman sa mga hindi pa nababakunahan ay hindi pa rin tukoy ang kinaibahan.

Kaya naman patuloy ang pag-encourage sa bawat isa lalo na sa mga hindi pa nakakapagbakuna na magpa-vaccine na. Para naman sa mga nabakunahan na, may mga booster shots na rin na available kontra sa kumakalat na sakit.

Sa oras naman na nakaramdam ng mga nabanggit na sintomas ay ipinapayong mag-isolate na agad. Kung hindi naman severe ang nararanasang sintomas ay maaring mag-home quarantine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit sa oras na makaramdam ng nakakabahalang sintomas tulad ng hirap sa paghinga ay ipinapayong magpunta na agad sa ospital.

 

Source:

Instagram, WHO