Bored na bored ka na ba ngayong nasa bahay ka lang? Bakit hindi niyo subukan ni mister ang date ideas at home na ito ngayong quarantine? Siguradong abot kaya lang ito!
Date ideas at home ngayong quarantine
Aminin na natin. Maraming sinirang plano ang nararanasan nating pandemic ngayon. Nandiyan ang pag-cancel ng out of the town trip, picnic with friends o team building sa work.
Date ideas at home ngayong quarantine | Image from Freepik
Linis, higa, panonood ng TV, pagluluto ng pagkain at pagpapaligo sa mga chikiting. Ito ang daily routine mo mommy, ano? Give yourself a break naman! Isama na si daddy na naka work from home rin. Gawin nating pagkakataon ang quarantine ngayon bilang isang way ng paglalapit niyo lalo ni mister. Quality time with hubby kumbaga.
Tumigil ang social life mo pansamantala ngunit ang bonding kay mister ay tuloy na tuloy!
Ngayon, bakit nga ba mahalagang mag date pa rin kayo ni mister at home kahit nakakulong tayo sa bahay ngayong quarantine?
Napapanatili ang matibay na ugnayan
Bago magsimula ang quarantine, aminin mo mommy, wala kayong matinong date at bonding ng iyong asawa. Ito ay dahil umuuwi siya ng gabi galing sa kanyang work at ikaw naman ay pagod dahil sa mag hapong pag-aasikaso sa loob ng bahay. Magkikita na lang kayo bago matulog sa gabi at kinabukasan, panibagong araw na naman para siya ay pumasok.
Walang matinong quality time, ano?
Date ideas at home ngayong quarantine | Image from Freepik
Naku mommy! Hindi ito healthy sa inyong relationship ni mister. Ang sobra-sobrang pagkapagod sa sarili ay dahilan kung bakit napapabayaan ng couple ang kanilang pagsasama. Dito unti-unting nawawala ang communication and the worst, ang interest sa isa’t-isa.
Ngayong quarantine, lahat tayo ay inaabisuhan na manatili muna sa loob ng bahay. Isa itong magandang pagkakataon para mapunan niyo ang oras para sa isa’t-isa na hindi niyo nagagawa dati.
Maaaring magplano ng Netflix marathon pagkatapos mong patulugin ang iyong mga anak. Time niyo na ito ni mister sa isa’t-isa! Mag set up ng mini cinema sa inyong sala. Oppss! ‘Wag kakalimutan ang popcorn!
Source:
Psychology Today
BASAHIN:
Pinoy quarantine recipes na may murang ingredients at madaling gawin
An open letter to moms in quarantine: This Mother’s Day take a break
Work from home mom: Paano nga ba makaka-survive sa sitwasyon na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!