Mainit na usapan ngayon ang DepEd dahil umano sa maling pagtuturo nito sa isang subject na inere sa DepEd TV. Marami ang nakapansin nito at hindi naiwasang ihayag ang saloobin sa internet.
DepEd TV errors
Ganap nang nagsimula ang online at modular learning noong lunes, October 5. Matatandaang August 24 sana ang opisyal na pagbubukas ng klase ngayong school year 2020-2021 ngunit ito ay tuluyang nalipat ngayong October.
Sa mga uri ng learning na ito, mahigpit na ipinagbabawal muna ang face-to-face o pisikal na pagpunta ng mga estudyante para mag-aral sa paaralan dahil sa bant apa rin ng COVID-19 sa bansa. Sa ibang paaralan, sila naman ay nasa ilalim ng module learning. Ito’y ang pagsasagot ng mga learning materials na hatid ng DepEd.
May ibang paaralan ang nagsimula na at ito nga ang tinatawag na online o distance learning.
Isa pang uri ng blended learning ay ang pagkakaroon ng DepEd TV na walang pinagkaiba sa ilang educational shows sa TV. Ngunit agad na umani ng batikos ang Episode #2 ng nasabing television channel dahil mali ang solution na inere at itinuro sa isang math problem.
Sa math problem na ito ay hinahanap ang value ng “x” sa “2x=0”. Ang paliwanag ng teacher dito, “We divide both sides by zero to obtain the value of x, which is zero,”
Ngunit para kay Jemima Manansala, may mali sa solution na ito. Sa kaniyang Facebook post, inihayag niya ang kaniyang napansin.
Ang tamang computation rito ay dapat i-divide both sides sa “2” at hindi sa “0”.
Ayon kay Jemima, alam na alam niya ang pagkakamali rito dahil paborito niyang subject ang Mathematics. Dagdag pa niya, na-disappoint siya sa nakitang error.
“Honestly, I was disappointed noong nakita ko ‘yong error. Maraming bata ang nagre-rely sa… program ng DepEd. Kawawa ‘yong kids na ganoon ang matutunan na way ng pag-solve ng value for a variable,”
Agad namang humingin ng paumanhin sa kaniyang Facebook post si Education Undersecretary Alain Pascua sa naturang error sa DepEd TV.
“Humihingi po kami ng paumanhin sa ating mga mag-aaral, sa mga magulang at teachers sa pagkakamaling ito. Hihigpitan po natin ang pag-QA para maging perpekto ang ating mga episodes sa DepEd TV. Salamat po sa pagcritique sa episodes ng DepEd TV.”
Humihingi naman ng pang-unawa ang undersecretary at sinabing sana ay ‘wag lang mali ang dapat tignan ng bawat isa. “Sana naman ay marecognize din ang galing at sakripisyo ng ating mga Teacher-Broadcasters, mga Production Team at buong DepEd TV, DepEd Commons, DepEd YouTube Channel Teams.”
Mga dapat malaman tungkol sa Moduled Learning
Libre ba ang printed module?
Ayon sa Department of Education, ang printed module materials ay libre o walang bayad at hindi na kailangang bumili pa ng gadgets na isang pangunahing problema ng karamihan.
Paano makukuha ang printed module?
Ngayong taon, bibigyan ng kanilang guro ng SLM o printed module ang mga estudyante bawat quarter. Ang printed module na ito ay hatid ng DepEd at kailangang ibigay sa mga magulang ng estudyante bago magsimula ang klase. Kung bigo namang kuhain ito mismo sa paaralan, maaari itong makuha sa mga naitalagang barangay. Ang distribution na ito ay apat na beses mangyayari.
Paano kapag tapos nang sagutan ng anak ko ang module?
Pagkatapos sagutan ng iyong anak ang mga module na ito, ang mga magulang nila’y dadalhin ito sa paaralan at ibibigay sa kanilang guro o designated pick up point. Pagkatapos nito, ang mga estudyante ay sasailalim sa summative exercises o performance task ng paaalan.
Nasa tinatayang 13 million na public school student ang gagamit ng printed module, ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.
Bukod dito, magsasagawa ng 14 episode na webinar ang Department of Education para sa magulang ng mga estudyante. Ito ay may temang “Isulong! Karapatan ng Bata sa Panahon ng COVID-19” na mangyayari sa buong buwan ng September hanggang unang linggo ng October.
Source:
BASAHIN:
Teachers to parents: “Wag po niyong sagutan ang modules para sa anak ninyo.”
Gadgets na gagamitin sana para sa online class, bato na ang laman matapos ipadala