Desiree Del Valle baby number 1 sa asawang si Boom Labrusca ipinagbubuntis ng aktres sa edad na 39-anyos.
Mababasa sa artikulong ito:
- Desiree del Valle baby #1 pregnancy
- Boom Labrusca and Desiree del Valle love story
Desiree del Valle baby #1 pregnancy
Image from Desiree del Valle’s Instagram account
Buntis na ang aktres na si Desiree del Valle sa unang baby nila ng asawang si Boom Labrusca. Matapos ng halos na 11 years na magkarelasyon at 3 taon na married couple dumating na rin ang pinakahihintay nila.
Ang magandang balita ibinahagi ni Boom at Desiree sa Instagram na isinabay sa selebrasyon ng 39th birthday ng aktres nitong May 28.
Base sa post ni Boom nalaman nilang buntis si Desiree noong April 22 at ngayon ito ay nasa 17 week na ng kaniyang pagbubuntis. Isang bagay na ipinagdasal umano nila at ibinigay ng Diyos sa tamang panahon.
Kasabay ng pagbabahagi ni Boom ng magandang balita, ay binati niya rin si Desiree sa birthday nito na tinawag niyang kaniyang best friend, wife at life.
“Believe in what you Pray for ..
” At the right time , I , the Lord will make it happen “
Isaiah 60:22
We found out April 22 , 2021
17 weeks and counting
Salamat po Ama 🙏
Cant wait to see you baby ❤
Btw it is also my darling’s b-day today
So Happy Happy bday to my best friend ,my wife , my Life ❤❤❤”
Ito ang pahayag ni Boom sa kaniyang Instagram na pareho ring ipinost ng aktres sa Instagram account niya.
View this post on Instagram
Pagbati ng mga showbiz friends ni Desiree sa kaniyang pagbubuntis
Bumaha naman ang pagbati ng mga kaibigan ng celebrity couple sa magandang balita na ibinahagi nila. Karamihan sa kanila ay masaya na sa wakas ay natupad na rin ang pinakahihintay ng mag-asawa.
Gamit pa rin ang kaniyang Instagram account ay nagpasalamat si Desiree sa mga taong bumati sa kaniyang birthday at pagbubuntis.
Ayon sa aktres, isang napakagandang birthday gift ang pagdating ng kanilang baby ni Boom. Kaya naman sa kaniyang birthday ay bumalik sila sa isang simbahan sa Tagaytay, sa kung saan ipinagdasal niya at hiniling ang pagbubuntis niya.
“Thank you to everyone that greeted me and of course for congratulating both my Papi & I for the bundle of joy coming into our lives.
Truly a wonderful blessing and gift for my Birthday!!! Today, as I celebrated my 39th Bday, We went to Tagaytay and we just had to go back to The Lourdes Grotto to give our Thanks.
It was there where we wished & prayed for this beautiful blessing. Thank you to all of you who expressed their excitement, love & wishes to both my Papi & I, we truly appreciate each & everyone ❤”
“So a new chapter of our lives begin papi…. Thank you for loving me the way you do…. The Lord will always guide us ❤❤❤”
Ito ang pahayag ni Desiree tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
View this post on Instagram
Base sa isa sa mga post ng aktres ay mukhang seafood ang pinaglilihian niya. Ang kaniyang cravings agad na ibinigay ng kaniyang very supportive at loving husband na si Boom.
View this post on Instagram
BASAHIN:
Solenn Heussaff at Nico Bolzico, nakalimutan pareho ang kanilang wedding anniversary
#AskDok: Normal ba ang labis na pag-aalala ng isang buntis?
Aicelle Santos, sa pagbubuntis habang pandemic: “Wala pa tayong mga vaccines…Kaya, if you call it praning talaga.”
Ang relasyon nina Desiree del Valle at Boom Labrusca
Si Boom at Desiree ay ikinasal noong January 14, 2018 sa isang private at intimate ceremony sa South Lake Tahoe, California, United States. Sa post ng aktor tungkol sa kanilang kasal ay tinawag niyang ito ang kanilang road to forever ni Desiree.
View this post on Instagram
Ang kasal ay ginanap matapos ang dalawang magkasunod na proposal ni Boom kay Desiree. Una ay noong 2015 at pangalawa naman ay noong December 2016 na kung saan ginawa ni Boom sa harap ng mga ina nila ni Desiree sa United States. Sapagkat ayon kay Boom ang tunay na lalaki umano ay namamanhikan.
“Namanhikan kaming mag-ina.
Pormal kong hiningi ang kamay ni Desiree lois Dunham na maging
Mrs. Labrusca sa harap ng aming mga ina … Darling okay lang ba sa ‘yo na maging Mrs. Labrusca
Sabay hiniram ko ulit ‘yong ring darling borrow muna, at sinuot ko uli.
#labruscas #alwaysthankful
#thankyoulord #papindarling #sanfo2016
Ang tunay na Lalaki namamanhikan.
Dec 23 , 2016”
Ito ang pahayag ni Boom sa kaniyang Instagram.
View this post on Instagram
From husband and wife TV role to real-life couple and now parents to be
Kuwento niya pa sa Instagram, una silang nagkasama ni Desiree sa programang Aryanna sa ABS-CBN. Sila ay gumanap na mag-asawa dito na kung saan sa ngayon ay sa totoong buhay na.
Image from Boom Labrusca’s Instagram account
“Lil trivia
Aryana was our 1st proj. Together but we werent together yet … (2012) baliktarin naten cut to 2021 playing as real husband and wife how cool is that .. puwede naman debah? Lalayo pa kayo.”
Ito ang pahayag pa ni Boom sa kaniyang Instagram.
Si Boom, 46-anyos, ay ama ng aktor na si Tony Labrusca sa dating karelasyon na former model at singer na si Angelica Jones.
Source:
PEP
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!