Dighay ka ba ng dighay? Ano ang mga sanhi, epekto, buntis ba, at mga gamot o home remedy para sa dighay ng dighay.
Ang pagdighay o belching ay kasing karaniwan at natural ng pag-utot o farting bilang function ng ating katawan. Pero minsan, ang madalas o hindi mapigil na dighay ng dighay ay maaaring samahan ng hindi komportableng pakiramdam o bloating.
Bagaman maaaring makaapekto ang mga sintomas na ito sa pang araw-araw na gawain, tipikal na hindi naman ito nagpapakita ng malubhang konidsyon.
Kapag dumidgihay, kasabay ng hangin (gas) o bloating (maaaring paninigas ng tiyan) sa araw-araw na gawain, posibleng may problema sa iyong kondisyon. Alamin kung paano maiiwasan ang hangin at gas pain, at kung kailan dapat pumunta sa doktor.
Talaan ng Nilalaman
Dighay ng dighay: Ano ito?
Ang belching ay karaniwang kilala natin bilang pagdighay o burping. Ito ang paraan ng iyong katawan upang maglabas ng sobrang gas o hangin mula sa iyong upper digestive tract.
Kadalasan ng pag dighay ng pag dighay ay dahil sa sobrang pagkakalunok ng gas sa katawan. Ang sobrang gas na ito ay kadalasang hindi umaabot sa stomach, ngunit naiipon sa iyong esophagus.
Maaari kang makapag-ipon ng sobrang gas o hangin kapag lumulunok o umiinom ng tubig ng sobrang bilis. Dagdag pa, ang taong dighay ng dighay ay maaari ring nagsasalita habang kumakain, umiinom ng carbonated drink, o sobrang paninigarilyo. Ang iba naman ay sobrang pagkain ng candy at sobrang pagnguya ng chewing gum, lalo na ang mentholated na flavor.
Samantala, ang iba naman ay nagiging nervous habit na ang paghigop ng sobrang hangin kapag hindi sila kumakain o umiinom man lang.
Kailan ito nagiging problema
Pagkatapos kumain, normal ang dighay ng dighay ng apat na beses. Pero, may ilang mga sakit o kondisyon na maaaring nagdudulot ng madalas at mas maraming beses na pagdighay.
Narito ang ilan sa mga kondisyon o sakit na nagdudulot sa isang tao kung bakit dighay ng dighay:
- Gastroesophageal reflux disease (GERD), minsan ay tinatawag na acid reflux, ay nangyayari kapag bumalik sa esophagus ang acid mula sa iyong stomach. Ito ay nagdudulot din ng heartburn. Kung paminsan-minsan lamang ito nangyayari sa iyo, maaari itong gamutin ng over-the-counter na gamot. Pero kung nagiging madalas na, kailangan ng baguhin ang diet o kumonsulta para sa preskripsyon ng doktor.
- Indigestion o dyspepsia, ay nagdudulot ng pagsakit ng tiyan, lalo na sa itaas na bahagi. Ito ay maaaring sabayan ng pagdidighay, bloating, heartburn, nausea, o pagsusuka.
- Ang gastritis naman ay nangyayari kapag ang guhit sa iyong stomach ay naiirita.
- Helicobacter pylori ang isang uri ng bacteria na nagdudulot ng impeksyon sa iyong stomach at maaaring maging sanhi ng ulcer.
- At ang irritable bowel syndrome (IBS) Naman ay nagiging resulta ng belly cramps, bloating, at diarrhea o constipation.
Ano helicobacter pylori infection
Dahilan ng sobra sobrang pagdighay, maaaring sintomas ito ng Helicobacter pylori (H. pylori) na isang bacterial infection.
Ang bacteria na ito ay maaaring present sa humigit kalahating populasyon ng mundo. Pero, hindi nagkakasakit mula rito ang karamihan sa mga tao.
Narito ang iba pang sintomas ng H. pylori ay ang mga sumusunod:
- pananakit ng sikmura
- kawalan ng ganang kumain
- nausea
- bloating
- hindi intensyon at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
Ang mga sintomas na ito ay dahilan upang kumonsulta sa iyong doktor. Kadalasan, maaaring bigyan ka ng doktor ng antibiotics para lunasan ito.
Samantala, kailangan naman ang agarang pagtawag sa atensyong medikal kapag nakaranas ng mga sumusunod na sintomas:
- malalang pananakit ng sikmura o tiyan na hindi nawawala
- nahihirapan sa paglunok
- madugong pagsusuka
- itim na suka na parang butil ng kape
- madugong pagtatae
- maitim na tae
Ang komplikasyon ng H. pylori kaugnany ng masakit na tiyan at dighay ng dighay ay ang mga sumusunod:
- ulcer
- gastritis
- stomach cancer
Sanhi ng laging pag dighay
Ang sanhi ng laging pagdighay ay madalas na pag-inom ng carbonated na inumin o soda at sobrang hangin sa loob ng tiyan. Madalas, ang gas na naipon sa tiyan ay hindi kayang tanggapin nito.
Imbis na maimbak ang hangin sa tiyan, naiipon ito sa esophaghus hanggang sa bumalik palabas. Kaya, kapag dighay ng dighay, nnanakit ang tiyan at hirap na huminga.
Mas posible na makahigop ng hangin o dumighay kapag:
- Pag nguya ng chewing gum
- paninigarilyo
- pagmamadali sa pagsubo at paglunok ng pagkain
- pagkain ng matitigas at mentholated na candy
- hindi akmang dentures
Ang mga pagkain naman na maraming fats o oil sa mga ito ay nagiging sanhi ng heartburn. Ito rin ay nagreresulta ng hirap na huminga at dighay ng dighay. Maging ang mga inuming may caffeine o alcohol.
Masakit na likod at tiyan at dighay ng dighay
Ang masakit na likod at bloating ng tiyan ay napakamiserable at katakot-takot na karanasan. Pero, hindi naman ganoon kalala ang sintomas at dahilan ng masakit na likod at dighay ng dighay.
Ang ilan sa mga ito ang karaniwang kapansin-pansin na sanhi ng masakit na likod at tiyan habang may pagdighay at bloating.
- pagbubuntis
- injury sa likod
- gas at gastrointestinal na komplikasyon
- urinary tract infection (UTI)
- pagshift ng hormones
- malalang pagkapagod
Ito naman ang hindi gaano kadalas na mga dahilan ng masakit na likod at masakit na tiyan at bloating:
- mga spinal injury at disorder
- pancreatic cancer
- komplikasyon sa atay
- abdominal aeortic aneurysm
- seryoso at malalang kaso ng gastrointestinal disorder, tulad ng peritonitis at bowel obstruction
Kahit na rare o bibihira ang mga ganitong dahilan, ang mga sanhi at kondisyong ito ay kinakailangan ng mabilisang gamutan. Sinoman ang nakakaranas ng malalang pananakit o napapansin na may risks sila ng mga ganitong sanhi ay kailangang pumunta agad sa doktor.
Excessive belching? Narito ang ilang gamot at home remedy para sa dighay ng dighay
Ito ang ilan sa mga home remedy para sa dighay ng dighay:
Ang luya ay nakakapagbigay ng mabilisang pagginhawa. Isa ito sa mga gamot at lunas para sa dighay na home remedy.
Uminom ng powdered ginger capsules o tincture bago kumain. Maaari ding kumain ng kapirasong luya.
Bilang alternatibo, pwede ring gumawa ng tsaa mula sa luya.
-
Fennel, anise, at celery seeds
Ang fennel, anise, at celery seeds ay nakakapagpabawas ng pagdighay. Ang mga butong ito ay pwedeng mabili sa supermarket, madalas ay sa spice section.
Kailagan mo lamang nguyain ang kakaunting piraso ng bawat buto para makatulong sa pagdighay pagkatapos ng hapunan.
-
Camomile tea
Ang tsaa na camomile ay isa sa mga tradisyunal na lunas at gamot para sa sakit ng tiyan na nagiging sanhi ng dighay ng dighay. Maaari namang makabili nito sa mga malapit na grocery.
-
Cardamom tea
Ito namang cardamom na tsaa ay makakatulong sa maayos na pagtunaw ng kinain. Dahil dito, mas mababa ang mapoproduce na gas ng iyong kinain. Pwedeng isabay ang pag-inom ng isang kutsarang cardamom powder na tinimpla habang kumakain.
Gamot at lunas para sa dighay ng dighay
Ang pagdighay ay kadalasang nagsisimula pagkatapos kumain o uminom. Kapag ikaw ay dumidighay ng maraming beses kaysa normal, maaari mong subukan ang mga lunas at gamot na ito para sa pagrelease ng hangin sa tiyan:
- Maglakad-lakad o gumawa ng magaang aerobics pagkatapos kumain. Makatutulong ito para sa pagtunaw ng kinain.
- Humiga nang patagilid o subukan ang knee-to-chest na posisyon hanggang sa lumabas ang hangin sa tiyan.
- Bumili at uminom ng gamot na anti-gas tulad ng simethicone. Nakakatulong naman ito sa maayos na pagdighay sa pamamagitan ng pagbind ng mga gas bubbles.
- Iwasan ang mga aktibidad na nagdudulot ng mabilisang paglunok ng pagkain o ng hangin, tulad ng paghalakhak at mabilisang pag-inom.
Dighay ng dighay: Buntis ba?
Dahil ang heartburn at acid reflux ay pangkaraniwan para sa mga buntis na mommy, nagdudulot ito ng madalas na pagdighay.
Ang sitwasyon na dighay ng dighay kung buntis ba ang babae ay maaaring maranasan sa ika 27 linggo ng pagbubuntis hanggang sa dulo.
Tandaan: kapag nakaranas ng mas madalas na pagdighay, kumonsulta agad sa doktor. Maaaring ang nararanasan na belching ay hindi na normal at kinakailangan ng lunasan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.