Dingdong Avanzado na-confine sa ospital matapos atakihin ng mga bubuyog.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng pagkaka-atake ng bubuyog kay Dingdong Avanzado.
- First aid ng pagkakagat ng bubuyog.
Kuwento ng pagkaka-atake ng bubuyog kay Dingdong Avanzado
Image from Jessa Zaragoza’s Instagram account
Sa Instagram ay ikinuwento ni Jessa Zaragoza kung paano naging memorable ang Christmas celebration nila ng kaniyang pamilya ngayong taon. Dahil ang Pasko ipinagdiwang nila sa ospital matapos ma-confine ang mister niyang si Dingdong ng atakihin ito ng mga bubuyog.
Kuwento ni Jessa, nangyari ang insidente habang naglalaro ng golf ang singer at mister niyang si Dingdong. Doon ay inatake siya ng mga bubuyog at umuwi ng kanilang bahay na masama na ang pakiramdam.
“These past 24 hours have been one of the most memorable and jarring experiences we’ve encountered as a family. During Dingdong’s golf game yesterday, he was stung by a swarm of bees. He drove home feeling really sick and nauseated.”
Ito ang bungad ni Jessa sa kaniyang Instagram account. Dagdag pa niya, labis siyang nag-alala para sa asawa. Una, dahil suka ito ng suka at ng bilangin niya ay may higit sa 40 na kagat ng bubuyog ito sa katawan.
“As soon as he got home, that was the first time I’d seen my husband throw up really bad. I got so worried he’d go into anaphylactic shock, due to the venom coming from the multitude of bee stings. I counted over 40 stings all over his body, the majority on his back, where it looks like the bees invaded his shirt.”
Dingdong napagalitan ng anak na si Jayda
Image from Jessa Zaragoza’s Instagram account
Noong una, kuwento pa ni Jessa ay ayaw pa umano magpadala ni Dingdong sa ospital. Pero nagbago umano ang isip nito ng pagalitan ng anak nilang si Jayda.
“I tried convincing him to go the hospital, Pero ayaw talaga. Buti nakinig sa Anak! @jayda. “Minsan pala kailangan din pagalitan ng anak ‘yong tatay! Hahaha”
Ito ang kuwento pa ni Jessa.
Nang madala sa ospital ay agad naman umano nabigyan ng gamot si Dingdong para hindi na lumala ang kondisyon nito. Ito umano ngayon ay nagpapagaling na at patuloy ng umaayos ang pakiramdam.
Sabi pa ni Jessa, bagama’t nakakatakot ang naging experience nila nitong Pasko, masaya sila na naipagdiwang pa rin nila nito ng sama-sama.
“Dingdong is doing fine right now. Mejo groggy pa din from the anti-tetanus vaccine. We hope and pray that he will recover faster.
I think that the most important thing right now for our family is the fact that we can celebrate this Christmas being together.”
Ito ang sabi pa ni Jessa Zaragoza.
BASAHIN:
Jessa Zaragoza suffers miscarriage, thanks daughter Jayda for helping her ‘face trials’
Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto
LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby
First aid kapag nakagat ng bubuyog
Ang mga kagat ng insekto tulad ng bubuyog madalas ay hindi naman delikado. Lalo na kung walang allergy ang taong makakagat nito.
Pero may mga hakbang na maaring gawin para maibsan ang sakit o discomfort na nararamdaman ng taong nakagat ng bubuyog. Ang mga ito ay ang sumusunod.
Ngunit dapat tandaan kung nakagat na noon ng bubuyog at labis ang reaction na naramdaman ay mabuting magpadala na agad sa doktor.
- Alisin ang mga stingers o natirang bahagi ng bibig ng bubuyog na maaring may natitira pang lason. Isang paraan na ipinapayo sa paggawa nito ay sa tulong ng credit card.
- Hugasan ang bahagi ng katawan na nakagat ng bubuyog. Makakatulong nag hydrocortisone cream para maibsan ang pangangati, pamamaga at pamumulang dulot nito.
- I-cold compress o maglagay ng yelo sa isang maliit na tuwalya at ilagay ito sa bahagi ng katawan na nakagat ng bubuyog. Gawin ito sa loob ng 20 minuto kada sa isang oras hangga’t hindi humuhupa ang sakit.
- Uminom ng anti-histamine para sa pangangati at para rin maibsan ang pamamaga. Para sa sakit ay maaring uminom ng acetaminophen tulad ng Tylenol o ibuprofen.
Kung labis ang sakit na nararamdaman o discomfort na nararanasan ay mas mabuting magpunta na agad sa ospital. Kung 10 years na ang nakalipas matapos ang huling tetanus vaccine ay kailangan ring mabakunan nito upang maiwasang magkaroon ng impeksyon dulot ng kagat ng bubuyog.
Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.