X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Naghahanap ka ba ng lunas o gamot sa pantal na dala ng kagat ng mga insekto sa inyong pamilya? Narito ang top 6 na produkto na safe at effective.

Hindi lang ang mainit o maalinsangan na panahon ang problema nating mga magulang kapag summer, pati na tin ang naglilipanang mga insekto sa paligid.

Tuwing panahon ng tag-init, dumarami bigla ang mga insekto na madalas mamugad sa palid ng ating mga kabahayan. Nariyan ang lamok, langaw, ipis, bubuyog, garapata, at kung ano-ano pa na madalas makita sa loob at labas ng bahay.

Karaniwan sa mga kagat ng insekto na mga ito ay nag-iiwan ng pantal sa balat. Kaya naman karamihan sa atin naghahanap ng gamot sa pantal para hindi mag-iwan ng marka o magsugat ang balat na kinagatan.

Talaan ng Nilalaman

  • Mga sintomas ng pantal
  • Paunang gamot sa pantal
  • Home remedies
  • Buod top na gamot sa pantal
  • Tiny Buds Review
  • Benadryl Review
  • AVEENO Review
  • Cortizone-10 Review
  • Natureplex Review

Mga sintomas ng pagkakaroon ng kagat at pantal ng mga insekto

Kapag kinagat ka ng insekto, madalas ito ay iyong maramdaman dahil sa sakit na dulot nito sa iyong balat. Ngunit, madalas na hindi tayo aware o hindi natin nabibigyan ng pansin kapag tayo ay nakakagat. Narito ang ilan sa mga sintomas na madalas makita o maramdaman pagkatapos makagat ng mga insekto.

  • pamamaga ng balat
  • pamumula at pagkakaroon ng pantal
  • sakit sa parte na kinagatan
  • pangangati sa balat
  • mainit na pakiramdaman sa balat o mahapdi
  • pamamanhid ng balat o muscle sa parte ng kinagatan
gamot sa pantal

Larawan mula sa iStock

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sintomas na nangangailangan ng agarang lunas:

  • lagnat
  • hirap sa paghinga
  • pagkahilo at pagsusuka
  • panlalambot ng katawan o trangkaso
  • mabilis na tibok ng puso
  • pamamantal ng labi at lalamunan
  • pagkalito
  • kawalan ng malay

Paunang gamot sa pantal na dala ng kagat ng insekto

Karaniwan sa kagat ng mga insekto ay nagbubunga lamang ng pamamantal, pamumula, at pangangati sa balat. Hindi ito gaanong nakakabahala. Gawin lamang ilang sa mga hakbang upang maibsan ang mga sintomas na nabanggit.

  1. Alisin ang stinger o iyong maliit na parte ng katawan ng insekto na iniiwan sa balat pagkatapos nila kumagat.
  2. Hugasan ang kinagatan ng maligamgam na tubig at mild na sabon.
  3. Patuyuin at lagyan ng yelo kung may pamamaga.
  4. Lagyan ng gamot sa pantal katulad ng anti-histamine, topical anti itch cream, o uminom ng oral pain reliever kung kinakailangan.
  5. Magpakonsulta sa espesyalista kung nakakaramdam ng kakaiba sa katawan.
Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Larawan mula sa iStock

Tips para maiwasan ang kagat ng mga insekto

Maraming paraan para maiwasan natin ang pagkagat sa atin ng mga insekto. Gawin lamang ang mga sumusunod na para maiwasan natin pamugaran ang ating loob o labas ng bahay ng anumang insekto.

  1. Paglilinis ng loob at labas ng bahay

Ugaliing linisin ang mga lugar na posibleng pamugaran ng mga insekto lalo na ang lamok. Alisin ang mga nakatambak na gamit sa paligid. Gumamit ng disinfectant na safe sa bata. Ang paglilinis ang isa sa mga paraan na epektibo sa pagpuksa ng mga insekto.

gamot sa pantal

Larawan mula sa Room photo created by jcomp – www.freepik.com

  1. Paggamit ng safe na insecticide

Gumamit ng insecticide na gawa sa natural na sangkap. May mga insecticide na binebenta sa merkado na safe at gawa sa citronella oil.

  1. Linisan ang bintana at alulod ng bahay

Ang mga lugar na ito ang madalas ding pamugaran ng mga insekto. Linisan ito palagi at siguraduhing walang stock na tubig. Kung may sapat na budget, magpalagay ng screen sa bintana para hindi makapasok ang insekto na galing sa labas.

  1. Takpan ang mga pagkain

Isa sa mga nakakaakit sa mga insekto ay ang amoy ng pagkain. Takpan o ilagay sa maayos lalagyan ang mga pagkain lalo na kung ito ay nabuksan na. Nakabubuting ilagay sa ref o gumamit ng air tight container ang mga pagkain na madalas gapangan ng insekto o pamugaran.

  1. Magsuot ng light colors na damit

Ang mga dark colors na tela lalo na ang kulay black ay madaling makaakit sa mga insekto. Kaya pinapayuhan lalo na kapag summer ang pagsusuot ng light colors na damit kung lalabas ng bahay.

  1. Iwasan ang paglalagay ng lotion o pabango na may matamis na amoy

Ang mga may sweet scent na mga pabango o lotion ay nakakaakit sa mga insekto lalo na ang bubuyog. Ang taong madalas gumamit nito, at pinagpawisan ay lapitin ng mga insekto.

BASAHIN:

Pigilan ang matinding kati: Top 7 na epektibong gamot sa Bungang Araw

Makati ang singit? Alamin kung ano ang mabisang gamot sa hadhad

Eczema ni Baby: Anong gamot ang dapat ibigay?

gamot sa pantal

Larawan mula sa Woman photo created by jcomp – www.freepik.com

  1. Magsuot ng overall na damit kapag pupunta sa gubat o bundok

Dahil hindi maiwasan na kagatin ang mga insekto ang mga taong madalas maghiking o umakyat sa bundok. Makabubuting magsuot ng overall na damit upang maprotektahan ang iyong sarili.

  1. Iwasan ang pagsusuot ng floral pattern na damit kung mamamasyal sa farm

Kadalasan ng mga farm ay may mga naninirahan na mga insekto lalo na mga bubuyog. Maiiwasan na makagat ng bubuyog kung hindi ka magbsusuot ng floral na damit. Sapagkat nakakahalina ito sa kanilang mga mata.

  1. Maglagay ng insect repellant

Kung hindi maiiwasan na pumunta sa isang lugar na tila alanganin, maglagay ng insect repellant na gawa sa natural ingredients. Maaari ring gumamit ng sticker na mayroong repellant oil.

  1. Bumili ng electric bug killer

Kung hindi maiwasan ang mga insekto na pumasok sa loob ng bahay, may mga nabibiling electric bug killer. Siguraduhin lamang na ilagay ito sa mataas na bahagi at hindi naaabot ng bata. Attracted ang mga insekto sa ilaw nito kaya madali itong makakahuli at makakapatay ng mga insekto.

 

Home remedies bilang gamot sa pantal

May mga home remedies sa pantal na maaaring gamitin upang maibsan ito pansamantala. Madalas makita ang mga ito sa inyong mga bahay.

  1. Oatmeal

gamot sa pantal

Larawan mula sa Food photo created by Racool_studio – www.freepik.com

Ang oatmeal ay kilala na pantanggal ng kati na dulot ng rashes. May anti-inflammatory properties din ito.  Mabisa itong pangtanggal na pamamaga at pangangati sa pantal na dulot ng kagat ng insekto.

Maglagay lamang ng 1-part ng oatmeal at 1 part ng tubig. Haluin at ipahid sa parte na may pantal. Hayaan ito sa loon ng 10 minuto bago punasan.

  1. Yelo

Ang malamig na temperature ay nakakaalis ng pamamaga ng pantal. Bukod pa rito, nagbibigay rin ito ng samantalang pamamanhid upang hindi maramdaman ang sakit at kati. Maglagay ng yelo sa isang malinis na towel, at ilagay ito sa parte ng pantal sa loob ng tatlong minute lamang.

  1. Aloe vera

Ang aloe vera ay may anti-inflammatory properties na nakakagaling ng sugat at nakakatulong upang maiwasan ang impeksyon sa balat. Kaya naman mabisa rin ito na pantanggal ng pantal sa katawan. Maglagay lamang ng katas ng aloe vera sa parte ng pantal. Maglagay ng apat na beses sa magdamag.

  1. Baking soda

Maraming gamit ang baking soda, hindi lamang sa pagluluto, maging sa paglilinis at pagtanggal ng pantal. Gumawa lamang ng paste gamit ang baking soda at tubig. Ipahid sa kagat ng insekto at hayaan sa loob ng sampung minute bago banlawan.

  1. Vinegar

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Larawan mula sa Brush photo created by freepik – www.freepik.com

Ang vinegar o suka ay isang acid kaya naman nakakatanggal ito ng pangangati na dulot ng kagat ng mga insekto sa katawan. Maglagay ng suka sa isang malinis na cotton pad at ipahid sa pantal. Punasan makalipas ang 10 minuto. Kung nahahapdian ang balat, huwag gamitin.

  1. Garlic

Ang garlic hindi lamang nagbibigay ng lasa sa ating mga lutuin, ito rin nakakagamot sa pantal sa balat. Paghaluin ang dinikdik na bawang at virgin coconut oil sa isang lalagyan. Ipahid ang katas nito sa pantal at punasan pagkatapos ng sampung minuto.

 

Top 6 products na gamot sa pantal

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Larawan mula sa iStock

May mga over-the-counter na produkto ang nakakaalis ng kati at pamamaga sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto. Ang mga ito ay mabibili na hindi na nangangailangan ng prescription ng doktor, subalit, mas maiging magpakonsulta muna nago ito gamitin.

Top 6 produkto para sa pantal
product image
Tiny Buds After Bites
more info icon
View Details
Bumili sa Edamama
product image
Benadryl Extra Strength Itch Relief Stick,Travel size
more info icon
View Details
Bumili sa Shopee
product image
AVEENO Maximum Strength 1% Hydrocortisone Anti-itch Cream
more info icon
View Details
Bumili sa Shopee
product image
Aveeno Active Naturals, Anti-Itch Concentrated Lotion, 4 fl oz
more info icon
View Details
Bumili sa Shopee
product image
Cortizone-10 Maximum Strength Aloe Anti-itch Creme 2 oz.
more info icon
View Details
Bumili sa Shopee
product image
Natureplex Hydrocortisone Cream 28g Maximum Strength
more info icon
View Details
Bumili sa Shopee

Tiny Buds After Bites

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Bakit ito epektibo?

Ang poduktong ito ay isa sa best seller at best recommended by Pediatricians na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto.

Trusted na ito ng karamihan sa ating mga mommy. Mayroon itong Australian Berries na nagtatanggal ng kati at pamumula sa balat. Safe itong gamitin ng buong pamilya.

Maaari rin itong ipahid sa gasgas sa balat, maliit na sugat, at iba pa. Safe ito kahit na ipahid sa mukha dahil ito ay walang parabens, walang petroleum, at anumang harsh chemical.

Tiny Buds After Bites - ₱185

by Tiny Buds

5/5
product imageBumili sa Edamama
product imageBumili sa Shopee

Benadryl Extra Strength Itch Relief Stick, Travel size

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Bakit ito epektibo?

Ang Benadryl Extra Strength Itch Relief Stick ay napatunayang mabisa na nakakatanggal ng sakit at pangangati. Mayroon itong 2% na diphenhydramine HCI topical analgesic at 0.1% zinc acetate na pumprotekta sa balat.

Tinatanggal nito kati sa balat na dulot ng kagat ng mga insekto, sunburn, at iba na skin irritation. Ginagamot din nito ang rashes na dala ng poison ivy, poison oak, at poison sumac.

Ang kinagandahan nito ay madali itong dahil kahit saan. Magagamit ito ng mga taong madalas  sa outing, hiking, at mountain climbing.

Benadryl Extra Strength Itch Relief Stick,Travel size - ₱235 - ₱420

by Benadyrl

product imageBumili sa Shopee

AVEENO Maximum Strength 1% Hydrocortisone Anti-itch Cream

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Bakit ito epektibo?

Ang Aveeno Maximum-Strength ay gawa sa 1% Hydrocortisone Anti-Itch Cream na nagbibigay ng epektibo at matagal na gamot sa pantal na may matinding pangangati.

Ito ay ginawa para sa mga taong nakakaramdam ng pangangati dahil sa skin rashes kabilang na rito ang kagat ng mga insekto. Mayroon din itong aloe vera at Vitamin E para ibalik ang nasirang cells sa balat.  Ito rin ay may Triple Oat Complex na epektibo sa dry at makating balat.

Ginagamit ito ng mga taong may eczema, seborrheic dermatitis, psoriasis, kinagat ng insekto, poison ivy, poison oak, poison sumac, soaps, mga may allergy sa detergents, mga allergic sa cosmetics at alahas.

AVEENO Maximum Strength 1% Hydrocortisone Anti-itch Cream - ₱398

by Aveeno

product imageBumili sa Shopee

Aveeno Active Naturals, Anti-Itch Concentrated Lotion

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Bakit ito epektibo?

Ang Aveeno ay trusted brand na ng mga dermatologist dahil sa husay nito. Ang Aveeno Active Naturals, Anti-Itch Concentrated Lotion ay may Calamine at Triple Oat Complex na mabisa sa pagtanggal ng kati.

Nagbibigay ito ng ginhawa sa mga taong nagkaroon ng skin rashes dahil sa poison ivy, poison oak, poison sumac, at kagat ng mga insekto. Ginagamot din nito ang mga taong may allergy sa balat at chicken pox o bulutong.

Aveeno Active Naturals, Anti-Itch Concentrated Lotion, 4 fl oz - ₱425

by Aveeno

product imageBumili sa Shopee

Cortizone-10 Maximum Strength Aloe Anti-itch Creme

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Bakit ito epektibo?

Ang Cortizone-10 Maximum Strength Aloe Itch Crème ay nagbibigay na mabili na lunas sa pangangati dahil sa dry skin, skin irritation, rashes, eczema, psoriasis at kagat ng mga insekto.

Mayroon itong aloe vera, vitamin A at vitamin E para maiwasan ang pagkasirang cells sa balat. Ito ay non-greasy kaya naman mabilis itong maa-absorb ng balat. Safe itong gamitin ng bata, mga taong may diabetes, may eczema, psoriasis,  at sa may feminine area.

Mayroon itong hydrocortisone na binabarahan ang enzyme na nagdudulot ng pangangati. Mabisa rin iytong mag-alis ng pamamaga at pamumula ng balat.

Cortizone-10 Maximum Strength Aloe Anti-itch Creme 2 oz. - ₱625

by Cortizone

product imageBumili sa Shopee

Natureplex Hydrocortisone Cream 28g Maximum Strength

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Bakit ito epektibo?

Katulad ng ibang anti-itch na gamot, mayroon itong 1% na Hydrocortisone para sa pagtanggal ng kati at pamamaga na dulot ng iba’t ibang skin rashes at skin allergies. Ginagamot rin nito ang kati at pantal dahil sa kagat ng mga insekto sa katawan.

Natureplex Hydrocortisone Cream 28g Maximum Strength - ₱165

by Natureplex

product imageBumili sa Shopee

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
img

Sinulat ni

Marisol Villanueva

I-share ang article

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!

  • 10 na mabisang gamot at home remedy sa kagat ng insekto na safe kay baby

    10 na mabisang gamot at home remedy sa kagat ng insekto na safe kay baby

  • Kagat ng surot sa balat: Paano magagamot at maiiwasan

    Kagat ng surot sa balat: Paano magagamot at maiiwasan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 na mabisang gamot at home remedy sa kagat ng insekto na safe kay baby

    10 na mabisang gamot at home remedy sa kagat ng insekto na safe kay baby

  • Kagat ng surot sa balat: Paano magagamot at maiiwasan

    Kagat ng surot sa balat: Paano magagamot at maiiwasan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.