Dionne Monsanto-Stalder, ipinakita sa kaniyang mga Instagram post ang ilang mga bahagi ng kaniyang pregancy journey para sa kaniyang first baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dionne Monsanto pregnancy
- 3rd Trimester ng pagbubuntis: ano ang dapat i-expect?
Dionne Monsanto pregnancy
Bago pa man magtapos ang taong 2022 ay ibinahagi ng aktres na si Dionne Monsanto sa kaniyang social media account ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Ang kaniyang pagdadalang-tao ay para sa kaniyang kauna-unahang baby.
Ang aktres ay kasalukuyang nasa Bern, Switzerland kasama ang kaniyang asawa na si Ryan Stalder na doon naninirahan.
Nito lamang buwan ng Pebrero, pinasilip niya ang ilang mga update tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Ika-29 na linggo na at nasa third trimester na siya ng kaniyang pregnancy journey pero looking fresh and sexy pa rin ang soon-to-be mom na si Dionne.
Pagbabanggit niya sa isa sa kaniyang mga IG posts,
“Hospital, but make it fashion.”
Sa kabila ng kaniyang pagbubuntis, hindi pa rin mawawala ang pagiging fashionista nga aktres. Kahit malaki ng ang tiyan at ilang linggo na laman ay manganganak na, blooming na blooming pa rin si Dionne.
View this post on Instagram
Kasalukuyang naka-admit sa isang ospital sa Bern, Switzerland ang aktres. Ayon sa kaniya,
“I have lost count on how many needles have been pierced through my skin.”
Ipinakita niya sa kaniyang social media followers ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon at kung gaano karaming karayom ang nakatusok sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.
Larawan mula sa Instagram account ni Dionne Monsanto
May ilang apparatus din ang ginagamit sa kaniyang upang masiguradong maayos ang kaniyang pagbubuntis lalo na ang baby sa kaniyang tiyan.
Labis naman ang pasasalamat niya sa kaniyang husband na si Ryan. Ayon sa kaniya,
“So grateful to and for my husband @nayr_redlats for making sure I get the best medical care and accommodations.”
Larawan mula sa Instagram account ni Dionne Monsanto
Sinisigurado ng kaniyang asawa na nasa maayos siyang kalagayan pati na ng kanilang first baby. Dahil rito, higit na naging komportable ang pagbubuntis ng aktres kahit na siya ay kasalukuyang nasa ospital.
Hindi lamang sa kaniyang asawa kundi sa mga kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan ay ipinarating din niya ang kaniyang pasasalamat. Ito ay dahil sa kanilang walang sawang pagsuporta at mga mensaheng punong-puno ng pagmamahal.
Samantala, kapansin-pansin ang kaniyang excitement sa pagdating ng kaniyang first baby. Ayon sa aktres,
“I can’t stop staring at this partial face print during our ultrasound.”
Kahit na litrato pa lamang ng ultrasound ang mayroon siya sa ngayon, ‘di maitatanggi at bakas na ang kaniyang pagka-sabik sa nalalapit na paglabas ni baby. ‘Di umano niya mapigilang titigan ang imahe ng kaniyang anak sa ultrasound.
Dagdag pa niya,
Larawan mula sa Instagram account ni Dionne Monsanto
“Baby’s doing great inside my belly—looks like Papa and sleeps like Mama ♥️”
Sa kabila ng maraming karayom at apparatus na nakakabit sa kaniya, sinigurado naman ni Dionne sa mga tao na healthy ang batang dinadala sa kaniyang sinapupunan.
BASAHIN:
LOOK: Dione Monsanto, buntis sa kaniyang unang baby!
Buntis ba ako? Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis
Buntis Guide: Lahat ng Kailangan mong malaman sa Third Trimester ng Pagbubuntis
3rd Trimester ng pagbubuntis: ano ang dapat i-expect?
Ang ikatlong trimester ng pagbubuntis ay nagsisimula sa ika-28 linggo ni baby sa loob ng tiyan at matatapos lamang sa araw ng iyong panganganak.
Sa yugtong ito ay patuloy na ang paglaki ng fetus sa iyong tiyan, lumalaki na ang kaniyang size at bumibigat na rin ang timbang.
Ang kaniyang baga ay patuloy pa ring nagde-develop, habang ang kaniyang ulo ay nagsisimula nang maposisyon sa paibaba sa vagina para sa kaniyang paglabas.
Bago pa man matapos ang 3rd trimester, ang fetus ay nagkakaroon na ng haba na 19 hanggang 21 pulgada. Samantala, ang kaniyang timbang naman ay lumalagay sa karaniwang bigat na dalawa hanggang apat na kilo.
Sa yugtong ito rin ay nagagawa na ni baby ang mga sumusunod:
- Ngumiti
- Makarinig
- Buksan ang kaniyang mata
- Umiyak
- Sipsipin o isubo ang kaniyang hilalaki
Ilang mga pagbabagong maaari mong maranasan sa iyong 3rd trimester
1. Pananakit ng tiyan
Habang lumalaki ang bata, nasasakop nito ang malaking parte na iyong tiyan. Ito ang dahilan kung bakit madalas kang sakit ng tiyan at madalas kang hindi komportable.
Madalas mo itong mararansan kapag ikaw ay nakahiga na sa gabi bago matulog. May ilang pagkakataon rin kung saan ikaw ay mahihirapan huminga dahil sa sakit.
2. Pananakit ng likod
Dahil nadagdagan ang iyong timbang, nadagdagan din ang pressure sa iyong likod. Ito ang dahilan kung bakit ito sumasakit.
Maaari ka ring makaranas ng discomfort sa iyong pelvis at hips dahil nagsisimula nang mag-adjust ang iyong litid bilang preparasyon sa iyong nalalapit na panganganak.
3. Pagdurugo
Maaari ka rin makaranas ng bahagyang pagdurugo kapag ikaw ay malapit nang manganak. Ito ay isa sa mga senyales na nagsisimula na ang iyong pagle-labor.
Subalit tandaan na may ilang pagkakataon kung saan ang spotting o bahagyang pagdurugo ay senyales ng seryosong problema.
Kaya naman kapag nagkaroon ng pagdurugo ay agad na tumawag at kumonsulta sa iyong doktor.
4. Paglaki ng dibdib
Bago ka pa man manganak ay lalaki at madadagdagan na ng bigat ang iyong dibdib. Siguraduhing ikaw ay nagsusuot ng supportive bra upang hindi mag-suffer ang iyong likod.
5. Pagkakaroon ng discharge
Sa yugtong ito, higit na dadalas ang iyong vaginal discharge. Maaari na ang iyong discharge at thick, clear, o slightly blood-tinged.
Kung hindi na kinakaya ng panty liners and iyong discharge, mabuting ikaw ay tumawag at kumonsulta na sa iyong doktor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!