Easy Do-It-Yourself gifts para kay nanay ngayong Mother's Day

Easy Do-It-Yourself gifts para kay nanay ngayong Mother's Day

10 days na lang bago ang Mother’s day! May gift kana ba for mom? Alam naming imposible makalabas ngayon sa bahay dahil sa ECQ sa ating lugar at imposibleng makabili ng regalo sa mall. But it doesn’t mean  you will stop celebrating mother’s day. Worried sa gift? Don’t worry! We got your back! How about make your gift for mommy a extra special one with those tricky hands and creative mind? Narito ang DIY gifts for mothers day na kering-keri mo!

DIY mother’s day gifts

Mas special ang isang regalo for mommy kung ito ay personalized at customized. Mararamdaman kasi ng taong pinagbigyan mo nito ang effort na ginawa mo para sa regalo. Hindi naman kailangang gumastos ng todo. Pagmamahal at creativity lang ang main materials. Narito ang easy DIY gifts for mom!

1. Explosion Box

Ang explosion box ay magandang ipangregalo kay mommy. Medyo matrabaho nga lang ito pero maganda ang magiging output! Maaari kang maglagay ng madaming bagay rito. Katulad ng pictures, messages at mini gift para kay mommy! Kaya naman, tawagin na sina ate, kuya at bunso at pagtulungang gawin ang Explosion box para kay mommy sa Mother’s day.

Kung nais mong panoorin ang tutorial nito, click here.

diy-mothers-day-gifts

DIY Mothers day gifts | Image from crafteholic

2. Message in a jar

Kung si mommy naman ay mahilig sa mga sweet messages, pwedeng-pwede mong gawin ang Message in a jar. For sure, ma-eexcite si mommy na magbukas ng mga maliliit na papel na naglalaman ng mga message niyo. Kung gusto mo ng twist, maaari kang maglagay ng iba’t-ibang color ng papel sa jar at bawat color ay may naka indicate na specific message.

Halimbawa:

  • Pink- reasons why i love you
  • Blue- memories with mom
  • Yellow- inspirational quotes
  • Red- to do list with mom
diy-mothers-day-gifts

DIY Mothers day gifts | Image from Pinterest

3. Kitchen Explosion Box

Siguradong matutuwa si mommy kapag binigyan mo siya ng kitchen explosion box. Hindi lang kasi ito basta explosion box na naglalaman ng pictures and messages. Tiyak na maaalala ni mommy ang favorite place niya, ang kusina!

Kung nais mong panoorin ang tutorial nito, click here.

diy-mothers-day-gifts

DIY Mothers day gifts | Image from Love For Crafts

4. #1 Mom Ribbon

This coming Mother’s day, bakit hindi naman si mommy ang bigyan mo ng award for being the #1 mom for you? Maaari mo pang i-surprise ito! Maaaring gumawa ng mini awarding ceremony at ibigay ang #1 Mom ribbon!

Kung nais mong panoorin ang tutorial nito, click here.

Easy Do-It-Yourself gifts para kay nanay ngayong Mother's Day

DIY Mothers day gifts | Image from HGTV Handmade

5. Flowerpot

Greens, greens, greens! Sino ba namang hindi maaattract sa plants at flowers? Siguradong magugustuhan nimommy ang flowerplant na ibib

Kung nais mong panoorin ang tutorial nito, click here.

Easy Do-It-Yourself gifts para kay nanay ngayong Mother's Day

DIY Mothers day gifts | Image from HGTV Handmade

6. Love you to pieces frame

Paniguradong ididisplay agad ni mommy ang Love you to pieces frame na ireregalo mo sa kanya! Maaaring maglagay pa ng pictures o inspiring quotes sa frame.

Kung nais mong panoorin ang tutorial nito, click here.

diy-mothers-day-gifts

DIY Mothers day gifts | Image from KraftsbyKatelyn

7. 3D Letter Bouquet

Cute na cute ring gawin ang 3D Letter Bouquet for Mother’s Day! Komplikado mang tignan ngunit madali itong gawin! Ang kailangan lang ay colored paper, pandikit, black colored paper at gunting!

Kung nais mong panoorin ang tutorial nito, click here.

diy-mothers-day-gifts

Easy DIY gifts for mom | Image from 手工拾光

8. Pop-up I Love You Letter

Kung nais mong maging creative ang letter mo for mother’s day, kayang-kaya ‘yan! Gumawa lang ng Pop-up I Love You Letter at siguradong magugustuhan ito ni mommy!

Kung nais mong panoorin ang tutorial nito, click here.

Easy Do-It-Yourself gifts para kay nanay ngayong Mother's Day

Easy DIY gifts for mom | Image from Yumiku

9. Gift Essentials

Paniguradong magugustuhan ni mommy ang gift essentials na ito! Sa isang malaking jar, maglagay lamang ng mga paborito nyang skin care, make up o face mask. Road to clear skin na si mommy ngayong Mother’s day!

Easy Do-It-Yourself gifts para kay nanay ngayong Mother's Day

Easy DIY gifts for mom | Image from Pinterest

10. 52 things I love about you

Gamit ang lumang mga cards, maaari mo itong gawing unique gift para kay mommy sa Mother’s day! Gawin itong parang mini book, at ang bawat card ay lagyan ng mga message mo kay mommy.

Easy Do-It-Yourself gifts para kay nanay ngayong Mother's Day

Easy DIY gifts for mom | Image from Pinterest

Ngayong darating na Mother’s Day, hindi mahalaga kung mahal na regalo ang ibibigay mo. Ang mga nanay ay masaya na sa mga simpleng regalo basta bigay ng kanilang mga anak. Mas magiging special ang Mother’s Day lalo na’t under quarantine tayo. Lahat ay nasa kanya-kanyang bahay at maraming oras para mag spend time with loved ones.

Nanay, ina, mom, mommy, mader, mother, grandma, lola, laging tatandaan, para sa amin kayo ang pinaka special sa buong mundo at walang makakapalit ng pwesto nyo bilang isang ‘Super Mom’.

Happy Mother’s Day po!

 

 

BASAHIN: LIST: Mga abot-kayang flower delivery para sa Valentine’s Day

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner