Donita Rose ayaw pang maging kaibigan ng kaniyang ex-husband: "I didn't realize that I was hurting him even more."

Si Donita Rose, masaya na ngayon sa piling ng kaniyang fiancé na si Felson Palad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa latest video na uploaded ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel may ni-reveal ang aktres na si Donita Rose tungkol sa kanyang ex-husband na si Eric Villarama.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Donita Rose may revelation sa kanyang ex-husband: “Gusto ko maging friends kami”
  • Engagement nina Donita at Felson

Donita Rose may revelation sa kanyang ex-husband: “Gusto ko maging friends kami”

Larwan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Magmula pa sa Amerika ay dinala ni Ogie Diaz ang bagong kuwento ng aktres na si Donita Rose tungkol sa kanyang ex-husband sa vlog nito sa kanyang YouTube channel. Pagkukwento ni Ogie, sa isang event daw ang nagkaroon siya ng chance upang makausap ang aktres at tanungin ito tungkol sa rason ng hiwalayan nila ng dating asawa at ama ng kanyang mga anak na si Eric Villarama.

Pagbabahagi ng aktres nang tanungin siya kung magkaibigan ba raw sila ngayon ni Eric, ang sagot niya ay, “Ayaw niya eh.”

Dagdag pa ni Donita, ikinuwento na rin daw niya kay Eric si Felson. Gusto niya raw kasing magkapatawaran sila nito at mag-celebrate sa kani-kanilang achievement. Mas maganda kasi para sa aktres na ‘walang baggage’ ang nararamdaman nila sa isa’t isa ng ex-husband.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy ni Donita, ang rason daw ni Eric kung bakit hindi niya gustong maging gustong maging good terms sila ay dahil sa pagsira di umano ng aktres sa pangalan ng asawa. Sa tuwing nagpapa-interview pa raw si Donita ay lagi niyang pinapaganda lamang ang pangalan at sarili niya.

“I told him na hindi sadya ‘yon. Humihingi ako ng patawad sa kanya, siyempre noong time na ‘yon, you’re going through all of these emotions and siyempre bitter!”

Kaya rin daw isinapubliko ni Donita ang nangyari sa kanila ng mister ay dahil sa dami ng nagtatanong. Marami rin daw kasi ang nakakaalam na sila ay ikinasal at naging mag-asawa sa ilang taon.

“I didn’t realize that I was hurting him even more.”

Nag-ugat ito matapos mag-viral sa social media ng isang post ni Eric Villarama na tila may katabing isang babae. Tingin daw ni Eric noon ay siya ang nagpakalat ng naturang larawan kaya nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nagkalat ‘yong balita na mayroon siyang iba dahil mayroon siyang pinost sa social media na kasama ‘yong babae na hashtag ‘happier now’ or something.”

“When he posted this thing, hindi ko alam… Dahil nag-viral na, parang lumalabas tuloy na ako ang nagsabi sa lahat, na he cheated on me. Pero hindi ganoon ang nangyari.”

Hindi na raw napagtanto ni Donita na ang mga actions niya ay nakasira na sa image at pangalan ni Eric. Dahil daw dito ay hiniling ni Eric na mag-public apology si Donita, na handa namang gawin ng aktres.

“I don’t mind doing that because hindi ko naman talaga sinadya.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larwan mula sa Instagram account ni Eric Villarama

Patungkol naman sa anak nila ni Eric, ayon kay Donita marami na rin daw silang pinagdaang counseling sessions pag-uusap. Kaya ngayon ay maayos naman ang kanilang kalagayan.

Hanggang ngayon, ayon kay Donita Rose ay sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan ng kaniyang ex-husband ay gusto niya pa ring maging maayos at magkaibigan sila.

BASAHIN:

Eula Valdez at Rocky Salumbides, hiwalay na matapos ang 13-year relationship

Donita Rose reveals why it didn’t work out with her ex-husband after 12 years of marriage

Moira dela Torre sinisi ang sarili sa hiwalayan kay Jason Hernandez: “Saan ba ako nagkulang?”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Engagement nina Donita at Felson

Labis namang nagulat at kinilig ang netizens nang malamang masaya na muli si Donita Rose sa kanyang love life.

Proud na proud niyang ibinahagi sa isang post niya sa Instagram account ang picture nilang dalawa ng karelasyong si Felson Palad. Dito niya opisyal na isinapublikong siya ay engaged na habang ipinapakita ang engagement ring na bigay sa kanya ni Felson.

“[I] am now officially engaged.”  

Binati naman ng mga malalapit na kaibigan ni Donita sa showbiz ang engaged couple tulad na lang nina Pops Fernandez at Ruffa Guitterez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larwan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Pagbabahagi naman ni Donita sa vlog ni Ogie Diaz, noong naghiwalay raw sila ng dati niyang asawa ay hindi naman siya naghangad pa ng partner. Isang beses na lang daw ay nakita niya na ang sariling handa na para sa isang relasyon at ipinagdasal na magkaroon na nga ng kasintahan. Hanggang matapos daw ang dalawang linggo ay nagkakilala sila ni Felson.

“Everything else is what I prayed for. Hanggang ngayon in shock pa rin ako sa pangyayari.”

Sa kabila pa raw ng maiksing panahon ng kanilang pagsasama ay maituturing na niyang  tama ang relasyon nilang dalawa.

Natatandaan niya pa nga raw na noong una niyang makita si Felson ay sinabi niyang iyon daw ang gusto niya sa lalaki. Isa raw kasi ang hanap niya siya karelasyon ay maka-Diyos. Ganito rin daw ang naramdaman ni Felson nang makita si Donita.

Balak daw nilang magpakasal sa tamang panahon at hindi nila ito minamadali. Ito rin daw kasi ang hiling ng anak ni Donita para sa kanila. Matatandaang unang beses na nag-share si Donita tungkol kay Felson noong April ngayong taon.

Sinulat ni

Ange Villanueva