Ilang private doctors ang magsasagawa ng drive thru vaccinations sa inyong bahay mismo para sa mga batang may emergency case tulad ng kagat ng aso o pusa.
Drive thru vaccinations ibinibigay ng ilang pediatricians
Ngayong outbreak ng COVID-19 sa Pilipinas, hirap na ang marami sa atin na bumisita sa mga ospital. Dahil na rin total lockdown na ipinatupad sa buong Luzon, isang challenge na ang lumabas para puntahan ang monthly check up ng mga pregnant women o mga batang mag papabakuna.
Noong nakaraang linggo, tinalakay natin kung maaari bang madelay ang vaccination o bakuna ni baby.
Isang good news naman para sa mga mommy dahil maaari nang hindi madelay ang bakuna ni baby. Ito ay dahil may isang group ng mga pediatricians ang maaaring mag drive thru vaccinations ng iyong baby sa inyong bahay mismo! Kaya naman hindi mo na kailangang mag-worry na lumabas at dalhin si baby. Mas mapabubuti ang kalagayan ni baby at ng health ni mommy kung mananatili muna sa bahay para makaiwas sa banta ng COVID-19.
Drive thru vaccinations | Image from Freepik
Drive thru vaccinations in Philippines
Ang drive thru vaccinations ay hatid ng Philippine Pediatric Society. Paglilinaw naman ni Dr. Andrew Vicencio ng PPS, ito ay isang agreement o kasunduan ng doktor at magulang kung nais nitong mabigyan ng agarang bakuna ang kanyang anak.
“Usually po ang drive-thru station ay isang agreement or kasunduan sa isang magulang at sa isang doctor. Hindi naman po kasi lahat ng doktor ay magbibigay ng ganitong serbisyo. Pero kami po’ng mga private doctors. Lalo ‘yung may mga inaalagaan kaming pasyente. Gumagawa at humahanap po kami ng paraan upang maipag-patuloy ‘ang aming serbisyo sa kanila. Despite ng ating enhanced community quarantine,”
Ayon kay Doc Vicencio, hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Ngunit silang mga private doctors ay nais tumulong at makapagbigay ng serbisyo para sa mga bata kahit na nakataas pa rin sa buong Luzon ang Enhanced Community Quarantine. Kung nais magpakonsulta ng nanay para sa kanilang mga anak, maaaring ma-contact sila via video chat. Ito ay para masuri at matignan ng mabuti ang pasyente kung anong kaso at anong nangyari rito.
‘Wag ring mag-alala dahil ang drive thru vaccinations ay hatid ng mga medical workers na nakasuot ng personal protective equipment. Sila ay gumagamit ng sterile equipment at may proper sanitization.
Drive thru vaccinations | Image from Freepik
Ngunit paglilinaw ni Doc Vicencio, ang drive thru vaccinations ay para lamang sa mga emergency cases. At yung kailangan agad ng agarang aksyon sa kaso. Mga emergency cases na katulad ng kagat at kalmot ng aso o pusa.
Hindi rin nakalimutang mag bigay ng payo si Doc Vicencio ng Philippine Pediatric Society tungkol sa bakuna ng isang bata. Ayon dito, kailangan agad na mapabakunahan ang isang baby o bata pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine. Lalo na kung ito ay delayed na ang vaccine.
Pwede bang madelay ang vaccine ni baby?
Noong April 8, nagsagawa ng live session ang theAsianparent Philippines tungkol sa tamang pangangalaga ng kalusugan ng mga chikiting ngayong quarantine. Ito ay sa pangununa ni Doc Gellina Ram Suderio – Maala o mas kilala bilang si Doc Gel.
Marami rin ang mga katanungan mula sa mga mommy kung pwede bang madelay ang vaccine ni baby o ng isang bata.
Ayon kay Doc Gel, ang payo ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines ay ‘wag i-delay ang vaccine o bakuna ng isang bata. Kung magagawan ng paraan upang hindi ito madelay ay mas maganda.
Ngunit sa panahon ngayon na hirap makalabas dahil sa itinaas na Enhanced Community Quarantine sa Luzon. At halos lahat din ng mga clinic ay sarado, paano nga ba makakakuha ng vaccine ang iyong anak kahit na may COVID-19 scare?
Drive thru vaccinations | Image from Freepik
Payo ni Doc Gel, kausapin ang iyong pediatrician tungkol sa maaaring gawin sa bakuna ng iyong anak. Kung magagawan ng paraan na magkita at ibigay ang vaccine, ito ay maaari. Pwede rin naman na tanungin ang iyong pedia kung may clinic silang available na puntahan.
Pero sa kabilang banda, maaari rin naman madelay ang vaccination ng isang bata dahil sa catch up immunization. Ito ay nakabase sa pag-uusap niyo ng inyong health care provider o ng iyong pedia. Ngunit kailangan agad na mabigyan ng bakuna ang iyong anak pagkatapos na pagkatapos ng ECQ dahil marami ang kailangan habulin.
“Delaying the vaccine, pwede rin. Pwede tayong mag delay ng vaccine kasi mayroon tayong catch up immunization. So that will be, kayo na ang mag-uusap ng health care provider niyo kung paano ‘yon gagawin. But the earliest na pwedeng ibigay after the quarantine, the earliest na pwedeng ibigay yung vaccine after the quarantine, kailangang ibigay kasi marami ang kailangang hahabulin.”
Ang hindi lang maaaring isama sa catch up immunization ay ang Rotavirus vaccine. Ito ang vaccine kung saan maiiwasan ang pagkakaroon ng diarrhea sa mga baby. Ang maximum age na kailangan makatanggap nito ay 32 weeks o 8 months old.
Source: GMA News
BASAHIN: #ASKDOK: Puwede bang ma-delay ang bakuna ni baby? , Namamaga ang bakuna ni baby, normal ba ito?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!